Prologue

27.4K 595 47
                                    

Photo credits to VICTORIA JUSTICE

I imagine her as Mary Sue Cameron 

*************************************************

SUE's POV

10 years ago

Ayoko kong bumangon...

Ayokong pumasok sa klase ko... makikita ko na naman siya!
Ang experimental boyfriend ko sa SOCIOLOGY.

Si Eric Hugo Riviera.

He just transfered in our school. HALF BREED!

Hay buhay. Bakit ba kasi ako pa ang napagdiskitahan ng grupo na maging Fake girlfriend niya para sa project namin about RELATIONSHIPS?

Bukod sa di mo maintindihan ang timpla ng humour niya, ang lakas pang mangbwisit!

Mabigat ang mga paa kong naglakad sa banyo para maligo.

Hindi ko talaga feel ang subject kong ito. 2 long hours with him. Nakakabaliw na.

This group project on Relationships is starting to wreck my nerves.

''I-drop ko nalang kaya itong subject na ito?" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin.

''Huwag Sue! Project lang ito diba? After this sem tapos na! Magtiis ka nalang!" Bulong ng isang parte ng utak ko.

Mamya pa di na huminto ang cellphone ko sa pag iingay.

''3 messages received'' basa ko.

Nagbihis muna ako bago ko binasa.

''Siya na naman!''

Si Eric! ''Boseeet'' naisip ko.

''I've been waiting for you for almost an hour outside your house 'GIRLFRIEND!'  Can't you hurry up? "

Tapos nasundan pa ng pangalawang text. ''ARE YOU UP? MAGDO-DOORBELL  NA BA AKO?"

And the third text '' Alright I'm here eating breakfast with your Mom!''

Masyado na siyang pushy! NAKAKAINIS na!

Wala naman sa usapan ng grupo na pati sa personal kong routine, kasama siya?! Or dapat bang ganoon talaga ang set up para sa documentation ng output ng project?

Nakabusangot ang mukha kong bumaba sa hagdanan!

And there he was! A God, in his own rights. Naiinis na talaga ako, hindi ko na maiwasang mainlove sa kanya!

Teka, INLOVE? Saan galing ang idea na ito..

And sarap ng kain niya ng breakfast kasama ni Mommy. Feel at home ang bosseeet!

Arrrghhhhh! This isn't going to be easy.

''Mary Sue Cameron! May boyfriend ka na pala! Hindi mo nababanggit!'' Sabi ng mommy ko, pagkarating ko sa dining.

''Po?'' Tanong ko sa mommy ko.

"Huwag ka ng magkaila! Si Eric na ang umamin!''

''Mommy, para sa project yun, kailangan namin ng hypothesis at documentations para may maisulat kami sa conclusion ng group project about FAKE RELATIONSHIPS!"

''Hoy ERIC! TIGILAN MO AKO! EXPERIMENT ITO OKEY?" Baling ko sa kanya na sobrang nag-eenjoy dahil si mommy parang ayaw akong paniwalaan.

''If you say so, LADYBUG!'' Tapos tinawanan ako sabay kindat.

''Ang walanghiya! Feel na feel!"

Finding Duology  Book 1- Finding Mary SueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon