Chapter Fourty

8K 150 6
                                    

ASHLEY POV

"ASH!" Rinig kong sigaw sa pangalan ko kaya naman napatigil ako sa pagluluto at napatingin ako sa lalaking ngiting ngiti habang may dalang cake na agad naman kinuha ni aby para hindi ito mahirapan lalapit na sana ito sa kinaroroonan ko ng lumabas si xander galing sa kung saan.

"Ginagawa mo dito?" Narinig ko naman na tanong ni xander sa pinsan nito kaya naman mas minabuti ko nalang na ituloy ang pagluluto ko para sila na muna ang mag usap.

"Tsk! Masama? Welcome naman ako dito hindi ba?" pagsusungit nito kay xander atsaka tumingin saakin sabay ngiti na abot hanggang sa ulo.

"Welcome ka dito pero hindi ako tumatanggap ng dalaw" Inis na sabi ni xander dito at lalagpasan na dapat niya si franz ng magsalita ito dahilan para matigilan si xander na ikinagulat ko din kaya napatigil din ako sa ginagawa kong pagluluto.

"Si Ash ang pinunta ko dito hindi ikaw asa ka naman di ka naman gwapo mas gwapo pa nga ako sayo" Nakangiting sabi nito atsaka tumingin saakin sabay kindat.

"Bakit aampunin mo na? Sige dalhin mo na" Sabi naman ni xander atsaka umupo sa hapag nakakapag taka hindi man lang sya nagalit sa pagkakaalam ko ayaw na ayaw nitong tinatawag siyang panget o hindi gwapo.

"Pwede ba? Ano ash? Sama kana saakin" Sabi nito atsaka kumindat pa.

"Nagugutom na ako nasaan ba ang ulam?!" Galit na sigaw ni xander kaya naman agad akong kumuha ng mangkok at hindi na muna pinansin si franz na ngiting ngiti.

"Teka" Tanging nasabi ko atsaka nag salok ng niluto kong sinigang na maasim sa mangkok atsaka nagmadali akong lumapit dito kaya naman nang ilapag ko ito natapunan ng mainit na sabaw yung kamay ko pero konti lang.

"Aray" Mahinang daing ko inirapan lang ako ni xander at sumubo ng niluto ko.

"PWE! Ano ba yan?! Hindi masarap" Asik nito saakin agad naman akong nalungkot akala ko magugustuhan nya dahil paborito nya ang niluto ko yun pala hindi.

Agad naman lumapit si franz saamin at kumuha ng kutsara bago tinikman ang niluto ko.

"Tangna mo xander! Anong panlasa ang meron ka? E ang sarap sarap nga!" Sabi naman ni franz dito at muli pa uling kumuha ng niluto ko.

"Edi sayo na!" Sabi nito tsaka tinabig ang mangkok dahilan para matapon ito at sumakto sa bandang puson ko.

"AHH!!" Hindi ko napigilan ang hindi mapasigaw dahil sa init.

"Sh*t!" Sabi ni franz at agad akong inilayo.

"Tsk! Bahala na nga kayo dyan" Iritang sabi ni xander saamin atsaka kami iniwan.

"ABY! LESLIE!" Rinig kong tawag ni franz sa dalawa dahilan para agad nila akong daluhan.

"Tumawag kayo ng doctor dali!" Sabi pa nito kaya naman agad nanlaki ang mata ko seriously?! Doctor agad?!

"Humiga ka muna dun!" Turo nito saka ako pinahiga sa kama kapapasok lang namin sa kwarto ko.

"Okay lang ako" Sabi ko dito pero hindi ako nito pinakinggan at hinila ako sa kama bago pahigain.

"Hintayin mo yung pinatawag kong doctor namumula oh!" Sabi nito at tinignan ang bandang puson ko,Inangat kasi ni aby ang damit na suot ko para malagyan kanina ng yelo.

"Gag* talaga yung pinsan ko na yun! Ewan ko ba kung bakit naging kalahi ko pa yun!" Inis na inis na sabi nito bago mapadako ang tingin sa tiyan ko.

"Diba may baby dyan?" Seryosong tanong nito saakin bago itinuro ang bandang tiyan ko kaya naman agad akong tumango.

"Pwedeng hawakan?" Tanong nito na parang bata agad naman akong napatawa.

"Wala kang mararamdaman dyan haha tignan mo flat pa nga oh! Dugo palang ang meron dyan" Sabi ko dito na tumatawa pero nagulat ako ng hawakan nya ang tiyan ko at parang may pinakikiramdaman.

"Oo nga wala" Sabi nito na parang na dismaya agad naman akong napatingin sa pinto ng biglang bumukas iyon.

"Hoy! Franz! Tumawag si lolo kailangan ka daw dun!" Sigaw na sabi ni xander kay franz bago bumaba ang tingin nito sa kamay na nakahawak sa tiyan ko.

"Sabihin mo busy ako!" Sabi naman ni franz atsaka muling tumingin saakin.

"Gusto mo bang hindi ibigay sayo ang kompanya mo?" Iritadong sabi nito.

"Per—" Hindi na nito natapos ang sasabihin ng magsalita na ako.

"Sige na franz,Okay lang ako" Sabi ko dito kaya naman agad itong napanguso.

"Sige na babalik ako agad ha?" paalam nito at agad nang tumayo para umalis.

"Hoy ikaw! Wag mong sasaktan si ash ha? Sabog yang mukha mo!" Banta ni franz dito pero inirapan lang niya si franz.

"Kahit patayin mo pa wala akong pake" Sabi ni xander bago sumenyas na umalis na ito kaya naman tuluyang umalis si franz.Ibinaba ko naman ang damit ko konting hapdi lang naman ang nararamdaman ko.

"M-Magluluto nalang uli ako" Nakayukong sabi ko dito ng nakayuko atsaka tumayo.

"Wag na kahit naman anong lutuin mo hindi parin masarap" Sabi nito na parang nilagyan ng suka ang buong mukha.

"Sige maglilinis nalang ako" Sabi ko nalang dito ayoko kasi yung ganito e naiilang ako ayoko din syang makasama na kami lang dalawa kasi kung ano ano ang sinasabi nya na nakakasakit kaya naman hangga't maari umiiwas ako at lalagpasan na sana sya ng hawakan nya ang kamay ko.

"Hindi ba masakit yan?" Sabi nito sabay tingin sa bandang tiyan ko.

"H-Hindi naman" Sagot ko dito.

"Tsk! Hindi naman pala e may pa hawak hawak pang nalalaman" Inis na bulong nito gusto ko pa sanang magtanong kaso baka mamaya magalit lang.

"Humiga kana uli dun" Sabi nito at hinila ako pahiga.

"Okay lang ako" Sabi ko dito pero nagulat ako ng pwersahan ako nitong ihiga at biglang itinaas ang damit ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Tanong ko dito na kinakabahan pero nawala iyon ng may inilabas itong ointment sa bulsa.

"Laglagyan ko neto para hindi mangitim tsaka baka sabihin nila hindi ko iniingatan ang mga katulong dito baka sabihin nila pinag mamalupitan ko" Sabi nito atsaka nilagyan ng ointment yung tiyan ko nakaramdam ako ng hapdi na may kasamang kuryente dahil sa pag dampi ng balat nya sa balat ko.

"Sa susunod wag kang mag papapunta ng kahit sino dito sa bahay ko mahiya ka naman" Sabi nito at sinara na ang lagayan ng ointment.

"Hindi ko naman sya pina-" Hindi ko na natapos ng magsalita ito.

"Tsk! Wag kana magdahilan" Sabi nito at lumabas na nang pinto problema nun? Ang labo labo talaga ng lalake na yun tsk!

{Napa-aga ata UD ko XD haha}

Hey! Mr.Playboy! You're a DAD! (Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang