Chapter One

26.9K 361 4
                                    

ASHLEY POV

"Hailey! Jairen!" Sigaw ko sa kambal ko na nauna ng tumakbo dahil kabababa lang namin sa eroplano.

Napakakulit talaga ng dalawa na yun agad agad ko naman hinabol ang dalawa kong anak,Pero masyado silang mabilis kaya hindi ko na nahabol tss... nasaan na kaya yung mga yun?

"MOMMY!!" rinig kong sigaw ng little princess ko kaya naman agad agad kong hinanap kung saan nanggaling ang boses nya.

"Ashley!" Rinig ko naman na tawag sakin kaya lumingon ako.

Napangiti naman ako ng Makita ko si anica na buhat buhat si hailey habang si jairen naman ay nakasimangot.

"Anica kanina kapaba? Nalate kasi ng alis yung eroplano ee kaya ngayon lang kami nakarating" paliwanag ko kay anica.

"Naku! Okay lang yun haha hindi naman ako nag iisa ee may kasama ako." Ngiting sabi nya.Tsaka ko naman napansin ang palapit na si Vanessa OH GOD! 4 years ko tong di nakita si anica kasi lagi kong nakakausap sa skype pero si van hindi ko talaga nakakausap.

"VAN!"sigaw ko dito atsaka niyakap.

"Hey! Wag mong yakapin ang mom ko! Daddy said kung may magtangkang yumakap kay mom! Papatayin nya!" duon ko lang napansin na may batang hawak si Vanessa at di na ako magtataka kung sino ito ee kamukhang kamukha ni travis.

"Hey! Don't you dare hurt my mom or else I break your neck!" Sigaw naman ni Jairen dito kaya agad ko itong hinawakan.

"Hey! Baby relax haha this is tita Vanessa friend of mine and this is her son."paliwanag ko naman sa nag iinit na jairen pero inirapan lang ako nito.

"haha kuya yung nose mo lumalaki" tawang tawa na sabi ni hailey kaya naman pati si anica natatawa na din dahil sa tawa ng little princess ko.

"Shut up Hailey!"inis na sigaw ni jairen sa kapatid pero mas lalo lang tumawa si hailey.

"Tara na puntahan na natin si travis sa kotse kanina pa tayo hinihintay nun e..at nag aaya ng kumain"sabi naman ni Vanessa atsaka ako tinulungan na hilahin ang maleta ko.

"Mom tutulungan na kita" cute na sabi ng anak nitong si jayce sa mommy na si van.

"Wag na baby kaya Na ni mommy to"sabi ni Vanessa pero sumimangot lang ito.

"Magagalit si Daddy pag nalaman nya yan"sabi naman ni jayce atsaka nag crossed arms na akala mo eh hari.

"Yeah magagalit ako!" Nagulat naman kami ng biglang lumitaw si travis sa harapan namin.

"alam mo naman na bawal kang mapagod e tss hindi maganda sayo at sa baby"sabi naman ni travis kay Vanessa at dun ko lang napansin ang umbok na tyan nito.

"Naku! Oo na napaka strikto nyo naman ni jayce samin ni baby"natatawang sabi ni Vanessa dito atsaka ibinigay kay travis ang mga maleta.

Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa mga nakikita ko yung mga ngiti ni Vanessa habang kasama nya ang asawa nya at ang
ngiti ni jayce kasama ang daddy nya.

Hey! Mr.Playboy! You're a DAD! (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon