†Chapter 4: More Information †

Start from the beginning
                                    

"Nakauwi Kana pala bunso" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Ate Maysea. Isa rin siya sa mga maids. Sa totoo lang apo siya ni Manang Tess. Bata palang ako kasama ko na si ate Maysea. Ate ko na siya dati pa.

"Oh! Anong tinitingnan tingnan mo diyan? Aba magbihis ka na" masungit na sabi ni Ate.

"Tss di ko alam na nakauwi kana, ate" sabi ko

"Kasalanan ko bang di ka updated?"

"Tss kelan uuwi kapatid mo?" tumingin siya bigla sa akin.

"Bakit crush mo?"

"Wow! At talagang ako pa ang tinanong mo niyan ah! Siya nga tong may gusto sa akin eh"

"Tsaka masama bang magtanong? " imbes sumagot si Ate inirapan niya lang ako sabay upo.

Maka-bihis na nga lang....

___________
"Sige kumain na kayo" sabi ni Manang Tess, sabay lapag ng adobo at kanin.

"Sino po ang nagluto?" Tanong ni kuya.

"Si Maysea. Masarap yan sige kumain na kayo"

"Ay nako wag na lang po,baka po may gayuma yung pagkain ko" biro ni Kuya. Susmario porque nandito na uli si Ate dumadamoves na naman.

"Tss asa ka! Di nga kita gusto eh" sigaw ni Ate Maysea.

"Tss wag kang mag-alala. Di mo na kailangang lagyan yan ng gayuma dahil inlove nako sayo dati pa" napahiyaw na lang ako ng malakas. Siguradong extra lang ako sa palabas nila kuya eh. Masama na baka mamaya masira ko yung moment. Sanay na ako maging 3rd Wheel.

Lumingon ako kay Ate. Alam ko namang deep inside may gusto rin siya kay kuya eh. Napapaisip tuloy ako....sila na ba?

"Ah! Manang si Mama po?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya" napa-ah na lang ako sabay subo ko ng pagkain.

"Alam niyo ba? Lagi na lang may kaaway yang Mama mo minsan sa phone. Kaya minsan nag-aalala ako sa Mama mo" sabi ni Manang Tess. Napansin din pala ni Manang Tess yan. Tumingin si Kuya sa akin malamang nag-aalala na siya. Ayaw pa kasing sabihin yung nilililihim ni Kuya at Mama nakakabaliw na talaga.

"Kung ganun po sabihin niyo nalang po kapag malala na ang sitwasyon para masabi ni Mama sa amin ang tungkol dun" sabi ni Kuya

"Sige, sige" sabay alis ni Ate at Manang.

Kami na lang ni Kuya ang natira sa kainan. Siguro kailangan ko ng alamin ang tungkol sa pamilya namin. Para kasing May kakaiba dito eh.

"Kuya, yung tungkol kay Keira. Anong alam ko sa kanya?" Tumingin si kuya saglit sa akin sabay sagot.

"Wala lang. Nalaman mong mayaman ang pamilya ni Keira. Tapos meron pa silang kompanya. Di ko lang alam kung anong kompanya yun" napa-ah na lang ako. Medyo walang connect at di makakatulong yung sinabi ni Kuya sa paghahanap ng killer.

"Nagtanong tanong narin ako sa mga kaklase ko kung sino sino ang mga kaibigan ni Keira."   napatayo ako sa sinabi ni Kuya. Bakit di ko naisip tanungin yung tungkol sa mga kaibigan niya?

"Dalawa ang kanyang matalik na kaibigan. Yung isa kababata niya at yung isa nakilala niya nung Highschool na siya"

"Sino sila? Yung mga kaibigan ni Keira?"  Nae-excite ako dahil mahalaga ang impormasyon na ito.

"Yung kababata niya ang pangalan ay Eunice Molina ata. Tapos yung isa pa sa Diane Lopez"

"Sabi ni Chris. Muntikan na silang mamatay. Nakita lang sila Diane ng isang grupo sa lobby na nakatali ang kamay at paa at nakatakip ang bunganga"

"Pagkatapos ano na ang nangyari?"  Tanong ko

"Simula nun di na nila nilalapitan si Keira. Pero minsan ata kahit tawag o text man ginagawa nila yun"

"Eh ikaw ano naman ang nalaman mo?"

Kinuwento ko na kay Kuya lahat ng nalalaman ko. Syempre medyo nagulat siya sa mga pangyayari na ganun nga yung namatay kanina at iba pa. Wala na tayong magagawa hindi kasi ito joke. Totoong patayan ito. Kung saan may biktima at merong mamatay tao. And we need to accept the reality. Pero binatukan ako ni Kuya nung sinabi kong balak kong kausapin si Keira. Napatigil na lang ako sa pagkukwento ng nakita kong palapit sa amin si Ate.

"Oh ano ang pinag-uusapan niyo diyan? Wow seryosong seryoso kayo ah. Ano ba ang problema baka makatulong ako sa inyo" nag-isip ako ng ibang topic ng maalala ko yung kay
Kayla ba o Keila?

"Ah kasi kanina sa school merong babaeng lapit ng lapit sa kanya. Parehas pa ata sila ng pangalan ni little bro eh Lian ata yung babae. Eh ayun nilalandi nga si bro. Destined daw silang dalawa sabi nung babae aaahaha!" Pag-iba ng topic ni Kuya. Mapagtripan nga XD.

"Pssh, kung di dahil sa'yo. Di niya ako kukulitin. Tsss type na type mo nga yung babae eh. 10 out of 10 pa ang ratings mo sa kanya"  nawala yung tawa niya dahil sa sinabi ko. Eto naman si Ate na curious.

"Sino yung babae ha? Type na type pala ha?" Sabay ngiti ni Ate ng nakakaloko. Napalunok bigla si kuya sabay tingin sa akin ng masama.

"Edi kayo na ang magsama" sabay layo sa akin. Ng tumunog ang phone ni ate.

"HELLO?!!!" inis niyang sabi

"BEBS IKAW PALA YAN! Sorry akala ko kung sino eh" masayang sabi niya.

"Ah~ wala na ako sa probinsya nasa Manila na ako. Na-miss na kita bebs. " real quick yung tenga ni kuya hanggang sa pwesto ni Ate.

Halatang nagpipigil si Kuya kay Ate. Halata namang nagseselos siya eh. Tsss di ako ang nagpakana niyan. Kung sana di siya nag sinungaling kanina edi di ko sasahihin yung ginagawa niya kanina.

Syempre bahala na silang dalawa sa problema nila. Medyo na-eexcite ako sa nalaman kong inpormasyon kay Kuya. Pero bukas ko na ito pag-iisipan. Sa ngayon naantok na ako, magpapahinga muna ako.

A/N
Update alert. Salamat po sa pagbabasa sana wag niyo pong kalimutang mag vote and comment. Sembreak ko na ahahaha yun lang love lots.

xxMissLxx

Mysterious Girl [ON-HOLD]Where stories live. Discover now