† Chapter1: Maxford University †

201 40 61
                                    

*Poink poink*

"Hoy Gudmorning" bati ng kapatid kong sobrang pogi. Pogi sa kahanginan. " Kuya anong oras na?" tiningnan niya ako saglit "6:35 am"

HALA KA! Seven yung time namin eh! Kailangan ko ng magmadali. Dahil wala na talagang oras mga limang minuto lang ako naligo, tapos nagsuot lang ako ng damit basta basta. Ng tapos na akong mag-ayos sa damit ko, hinanap ko na yung pin ko. Ng napansin kong WALA! Saang sulok ng kwarto ko napunta ang pin ko? Matanong nga si Mama mamaya. Inayos kona ang aking gwapong buhok at naghanap ako ng sapatos na babagay sa damit ko. At dali-dali akong bumaba.

"Ang aga mo ata, little bro" tssk anong maaga eh ikaw nga tong gumising sa akin eh!? -_________-

"Ihatid mo nga ako, kuya. Nagmamadali ako"

"Ok, excited ka lang sa bago mong school eh" pssh kailan pa ako excited sa sch- ano daw?Bagong school? Nanaman!

"Oh anak, kumain ka muna" biglang sabi ni Mama, ng maalala ko yung precious pin ko.

"Ma! Nakita mo ba yung pin ko? Di ako papasukin pag wala yun. Para yung ID kaso wala yun litrato tsaka maliit lang yun na nakasulat ang pangalan ko" mukha namang nagets ni Mama yung hinahanap ko. Kaya nagbukas siya ng ilang drawers.

"Eto anak oh!" sabay bigay sa akin ng pin. Teka?

"Ma! Iba tong pin eh" una sa lahat, nag-iba yung logo ng school. Imbes na TSLS ngayon naging Maxford University. Huwag mong sabihing bagong school nanaman?

"Ma! Ano po talagang meron? May tinatakasan po ba tayo?" di nagsalita si Mama, malamang meron nga..

"Little bro sabihin mo lang kung ihahatid na kita" singit ni kuya.

"Sige ihatid mo na ako. Bye Ma" gusto kong makausap si kuya tungkol kay Ma. Bakit wala silang sinasabi sa akin? Kakalipat ko lang sa TSLS tapos lilipat ulit ako? Parang nagtatago lang kami ah.

"Little bro. Mamaya pa ang pasok mo eh" tssk, gusto mo atang tumakas sa akin eh. Sorry di ka makakalusot sa akin ngayon.

Pumasok na ako sa kotse, dahilan para pumasok rin siya sa loob. Mga ilang minuto kaming di nagsaslita. Di parin niya pinapaandar ang sasakyan. Aish mabatukan nga.

"Baka umandar ito magisa?"

"Sabi ko nga papaandarin ko na"

Nung bumabyahe na kami, nagtanong na ako "Yung kay mama, anong me-"

"Malalaman mo rin ang tungkol diyan. Mag-intay ka lang" pagputol ni kuya sa akin.

"Sasabihin mo rin naman sa akin eh. Bakit di pa ngayon?" biglang napapreno si kuya. Dahilan para kabahan ako. Seryoso na si Kuya, di na to nakakatuwa.

"Kasi di pa ito ang tamang panahon"

"Naiinip na ako eh. Pero siguraduhin mong malapit mo ng sabihin sa akin" tumango na lang siya at ngumiti. "Huwag kang mag-alala sasabihin ko rin. Alam ko naman kung kelan ang huli na ang lahat na araw eh." tapos ngumiti ulit siya. Jusko kung ano man yun kailangan ko agad malaman.

Mga ilang minuto ang nakalipas, nandito narin kmi sa bagong school na papasukan ko. "Little bro! Gusto mong ihatid kita sa room mo? "

"Sige ba! Para di na ako pagkaguluhan ng mga istudyante dito"

"Little bro, parang mali yung sinabi mo. Ano yun sasamahn kita para di ka pagkaguluhan? Parang ang gulo ng sinabi mo ahahahaha"

"Baliw tama yung sinabi ko! Pag di ka tumabi sa akin pagkakaguluhan ako. Pero pag nandiyan ka di nila ako aabalahin kasi may katabi akong pangit ahahaha" napatakbo ako bigla dahil alam kong Beast mode na si Kuya. Buti na lang at malawak ang parking lot

Mysterious Girl [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon