† Chapter 3: The Start †

102 23 27
                                    

A/N

Yehey! May Update ulit. Sana po talaga matapos ko to ahahaha. Pangarap ko po kasi yun eh, ang makatapos kahit isang story man lang. 


S-sino yung babaeng nakasabit? Ako ba yung tinutukoy na huwag makialam? Kung ako nga yung tinutukoy dun sa sulat, bakit di ako yung pinatay niya? Atsaka sino si KC? Siya ba yung may kagagawan ng mga ito? Pero bakit siya yung nabiktima? Di ko nga siya kilala pero yung babaeng yun ang pinatay niya. Sabi ni Xander pwedeng madamay pati ang mahal mo sa buhay, pero bakit siya?


"MYUMI!" sigaw ng isang babaeng kakapasok pa lang. Pumasok siya sa room namin so kaklase ko siya. Ano nga uli ang pangalan niya?


"ANONG NANGYARI SAIYO! BAKIT KA NANDYAN!" sigaw niya ng malakas. Umiiyak na siya ngayon. Nakaramdam tuloy ako ng galit sa gumawa nito pero syempre galit din ako sa sarili ko. 


Maya maya tumakbo palabas yung babae. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kasalanan ko kung bakit namatay yung inosenteng tao...


"Lika sundan natin" sabi ni Xander, sabay habol namin.


"Bro, sino nga uli yung babaeng sumigaw?" tanong ni Jeff habang tumatakbo.


"Chloe Chen bro, seatmate ni Liam yun kanina eh." seatmate? Di ko napansin yun.


"Kapatid ni Chloe si Myuki diba?"tanong ni VJ


"Oo, silang dalawa na lang ata ang natira sa pamilyang Chen. Paano kasi, tuwing manganganak yung pamilyang Chen, isa lang. Kaya walang kapatid ang tatay nila. Buti nga dalawa ang anak nung tatay ni Chloe eh" sabi ni Xander


"Anong nangyari sa magulang nila?" Tanong ko


"Car accident. Pero sabi ng ibang tao sinasadya daw talaga yun"


"isang doktor ang nanay at tatay ni Chloe kaya mapalad sila sa pera. Kaso minalas naman sila dahil sabay namatay ang mga magulang nila" kwento ni Xander


"Tapos yung kapatid naman niya ang nawala. Minalas nga naman oh" sabi naman ni jeff. Mas lalo akong naguilty dahil sa nangyari. Kabwiset! Sa lahat ng papatayin niya kailangan talagang dun pa sa taong alanganin sa buhay.


"H-A-H-A-H-A-H" tawa ni Chloe. Natigilan tuloy kaming lahat. Nakatingin lang siya sa kapatid niyang nakasabit sa malaking orasan.


"Nabaliw na ata" sabi ng isang tsismosang babae.


"Tss, dapat lang sa kanya yan noh?! Plastic naman yan sa kapatid niya eh, tingnan mo oh. Halatang masayang masaya siya." sabi nung isa pang babae. Maya-maya nagsitawanan sila.Wala na talagang awa yung mga tao dito. Ng may dumating na lalaki.


"Oy! Kung wala kayong sasabihing maganda umalis na lang kayo!" sabi nung isang lalaki. Wala ng nagawa ang dalawang babae at tinarayan nalang ang lalaki.


"Tss, aalis na po" mataray na sabi nung babae. Medy namumukhaan ko yung lalaki kaso di ko matandaan ang pangalan.


"Sino yun?" tanong ni Jeff. Tinutukoy niya yung lalaking nagtaboy sa mga tsismosang babae kanina.


"Ewan." sagot ni Xander. Dahil wala naman kaming magagawa dito kundi bantayan si Chloe. Di ko nga alam kung paano ko sasabihin kay Chloe na ako ang may kagagawan nito eh. Maya maya nagsalita si Chloe.


"Alam mo ba kung bakit ako masaya?" tanong ni Chloe dun sa lalaki. Umiling lang yung lalaki bilang sagot.


" Alam ko kasing tuwang tuwa yung mamatay tao sa mga nangyayari ngayon" sabi niya sabay iyak niya.


Mysterious Girl [ON-HOLD]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu