†Chapter 4: More Information †

34 6 8
                                    

(A/N : Liam Marcus and Vince Marco on the top.)

LIAM MARCUS POV

"Little Bro! Musta school?" nandito ako ngayon sa kotse. Pauwi na ako ng bahay. Well kanina ko pa gustong umuwi dahil sa nangyari.

"Kung sasabihin ko'ng hindi maayos ang unang araw ko sa school, naniniwala ka?" di siya nagsalita ng ilang minuto. Huminga siya ng malalim pagkatapos.

"Siguro may alam ka na kay Keira Caridad na yun" nagulat ako sa sinabi niya. May alam na ba siya tungkol kay Keira?

Di ako nagsalita. Si kuya deretso lang ang tingin sa kalsada. Mga ilang minuto ang nakalipas ng nagsalita uli siya.

"Di kaba magkwekwento sa nalaman mo?" tanong niya. Umiling lang ako. Ayoko muna pag-usapan ang tungkol kay Keira.

"Alam mo kuya. Di ko maiisip na may ganun pala sa totoong buhay. Yung tipong parang sa mga libro lang yung ganung pangyayari. Pero ngayon, yung kay Keira. Parang isang bangungot." pagkasabi ko nun di siya nagsalita.

Tahimik na naman. Kaya nagsalita uli ako.

"Nakita mo yung bangkay kuya?" tanong ko.

"Oo, dun ko lang nalaman ang tungkol kay Keira. Kinuwento sa akin ni Chris lahat dahil syempre bago lang ako."

" Sino si Chris?" tanong ko.

" Christopher ang buo niyang pangalan. Ang tawag ko lang ay Chris, ang haba kasi eh. Basta yun yung bestfriend ni Chloe. Yung kapatid nung namatay kanina" napa-ah nalang ako. Siya siguro yung lalaki kanina.

"Mamaya na lang natin pag-usapan ang tungkol kay Keira. Wag na wag mong babanggitin kay Mama yung nangyari kanina."  tumango na lang ako. Wala naman akong balak na sabihin kay Mama ang tungkol dun. Siya nga may inililihim eh.

_________________
"Sinabi kong di na ako babalik diyan!" inis na sabi ni Mama. Sino kaya ang kausap niya ngayon?

"Bakit niyo ba kami pinapabalik diyan? Diba iniwan na niya kami? Maayos na ang pamilya ko, pakisabi sa kanya" ano ba ang tinatago sa amin ni Mama. Sh*t nakakainis talaga pag wala kang alam sa mga nangyayari.

"Why do he need us anyway? He left us nothing but trouble. Then now gusto niya kaming makita? Akala ko ba may bago na siya? Pwes yun ang alalahanin niya, wag kami!" sabay baba ni Mama sa phone. Sino si he? May boyfriend ba si Mama? Imposibleng si Papa yung tinutukoy ni mama. Ang alam ko kasi patay na siya.

"Kanina pa kayo diyan?" nagulat ako kay Mama na nasa harapan na namin ngayon.

"Ma! Kakarating lang namin" sabi ni Kuya.

Naniwala siguro si Mama, kaya nag mano na kami sa kanya.

"Mamaya na po ako kakain. Magbibihis lang po ako" sabi ko. Tumango na lang sila kuya at nagmadali akong pumunta sa guest room kung saan dun ang kwarto ng mga maids.

"Ijo! Nakauwi kana pala" masayang bati ni Manang Tess. Siya nga pala ang pinakamatandang maid dito. Mga sixty plus na yata siya. Yung ibang maids kasi mga dalaga pa. Siya din ang nag alaga kay Mama dati.

Mysterious Girl [ON-HOLD]Where stories live. Discover now