Charm 17 ❀ Sweet Side

Start from the beginning
                                    

"Aray!" Napasigaw na lamang ako noong mapa-upo ako sa daan dahil sa biglang pananabunot sa'kin ng isang babae. Ang muka nito kilalang kilala ko pa, ito iyong kabilang sa powderpuff girls na lagi na lamang ginulo ang tahimik kong buhay noon.

"How dare you!" Nagulat na lamang ako noong bigla na lamang sumigaw si Bella at sinugod iyong babae. Halata sa muka ni Bella ang pagka-inis dahil sa ginawa noong babaeng iyon sa'kin.

"Serves her right!" Sigaw naman nung babae saakin. Si Bella naman mukang hindi nakapag-pigil at sinabunutan din iyong babae at sinabing, "Wala kang karapatang gawin iyon kay Ayisha!" Hanggang sa nagsabunutan din sila. Argh! Bakit ba naman kasi ang war freak din nitong si Bella.

Ako naman inabutan ng kamay ni Kyle, tatangapin ko na sana kaso, tinabig sya ni Louie. Wala na ko nagawa, at iyon ang tinggap ko. Pagkatayo ko, inawat ko agad si Bella. "Bella, itigil mo 'yan. Tara na hayaan mo na sila," Mahinanong sabi ko sa kanila, lumapit naman si Kyle kay Bella at inilayo ito sa babaeng inaaway niya.

Hindi nagsalita si Bella at padabog na umalis dun, at halata pa din sa ekpresyon ang pagkainis ng sobra dahil sa nangyari, nag-simula na ulit kaming maglakad at umalis doon. Akala ko magiging maayos na ang lahat ngunit---

"Tama na!" Sigaw ko ng sabunutan nung babae si Bella. Tinggal ko agad iyong kamay nung babae sa buhok ni Bella, at ngayon--- "Agh!" Ako naman ang napagdiskitahan at ako ang sinabunutan.

"Ano ba!" Naiinis na sigaw ko, tapos biglang natigil 'yung babae, napatingin ako. Hinawakan ni Louie ang kamay nung babae, at matalim itong tiningnan.

"Touch her once again, and you'll be in hell." Malamig at walang ka-emo-emosyon na sabi nito, nangatog at natigilan iyong babae at dali daling umalis dahil sa ginawa ni Louie.

Si Charlene at Vien naman handa na sana sumugod sa kanila pero pinigilan sila ni Kyle, buti na lang magaling nakiramdam si Kyle, at alam niyang ayaw ko ng gulo. Agad naman akong umuna sa kanila, dahil ayaw ko na ng away, noong mauna akong maglakad naramdaman kong may sumabay sa'kin napatingin ako sa kung sino iyon si Louie pala, akala ko kasi si Bella.

"Bakit hinayaan mo lang sila?" Nagulata ako noong biglang mag-salita si Louie ng napapamulsa. Napataas kilay naman ako sa tinanong niya, ngunit binigyan niya ako ng pamatay niyang tingin kaya't sumagot ako.

"Wala naman kasi ako mapapala kung papatulan ko sila, saka hayaan mo na sila sanay na ko doon. Matagal na silang ganoo---kulang sa pansin, saka nila na sila iyong napapansin na mayroong masamang ugali kaya sila ng nam-bubully, kasi ang lagi nilang pinupuro iyong mas mahina sa kanila." Paliwanag ko sa kaniya.

"You're not weak, actually you are braver than them." Maikling banggit nito napinagtaka ko.

"Huh? Ako? Matapang? Hindi ko nga kaya ipagtanggol ang sarili ko, lagi na lamang kayo ang nagtatanggol sa'kin." Malungkot na sabi ko sa kaniya. Iyon naman kasi ang katotohanan.

"Kapag hindi lumalaban ka lumaban at hindi mo kaya ipagtanggol ang sarili mo, Hindi ibig sabihin noon duwag ka na. You're brave because you're not afraid to face them, at nauunahan ka lang talaga ng iba bago mo pa man ipagtanggol ang sarili mo." Nagulat ako sa haba at meaningful ng sinabi ni Louie sa'kin.

Hinawakan ko iyong noo niya dahil doon, minsan lang talaga makausap ito si Louie ng ganito eh. "Teka nga? Bakit mo hinwakan noo ko?" Takhang tanong niya, habang nakakunit ang noo at nakasimangot.

"Baka kase may lagnat ka. Teka? Wala naman ah." Nagtatakang saad ko. Hindi naman kasi siya mainit.

"At bakit naman magkakaron ako ng lagnat?" Maangas na tanong niya.

"Kase, himala, may kwenta kang kausap ngayon! Ibang klase ka mag-sabi ah, hugot. Pwede ka pa lang matinong kausap." Masayang sabi ko, habang abot tenga ang ngiti ko.

"Ryleen--!" Warning na sigaw niya sa'kin. Huli ka balbon! Haha ang bait ni Louie ngayon. Kakaiba. Hindi mo talaga matimpla ang mood ng isang ito.

"Ano?"

"Alam mo panira ka ng mood." Pinitik niya ako sa noo dahil doon, ngunit tinawanan ko lamang siya. "Tss." Iiling iling na sabi niya, pagkatapos ay bigla niya akong inakbayan. Napataas ang kanang kilay ko doon, ngunit nag-smirk lamang siya. Kaya't tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya. Ngunit ibinalik niya ulit. Aish! Naging pauilit ulit ang ginagawa namin dahil doon. Ang lakas mang-asar. Tch!

"Ang kulit mo!" Natatawang sabi ko. He just gave me a smirk, pagkatapos ay inakbayan ulot ako, imbis na makipagtalo, hinayaan ko na lamang siya.

Pagkatapos ay nagulat ako pagkatapos ay nagulat ako noong ilapit niya nag muka niya sa muka ko at hawakan niya ang pisngi ko. "A-anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko. Omg. Sobrang lapit niya!

"May konting sugat ka sa muka kanina kaya ginamot ko." Nakahinga ako ng maluwag doon. Kaya pala may kakaiba rin akong naramdaman sa pisngi ko noong hawakn niya. Marahil galing iyong sugat sa nangyari kahapon noong nagpakita ako ng charm.

"Hoy! Wala ba kayong, balak manghintay dyan ha?!" Napalingon kami parehas ni Louie. Hala? Ang layo na pala namin sa kanila, nauuna kami ng todo.

"Wala talaga." Medyo malakas na asik ni Louie. Eh? "Balak ko solohin si Ryleen, may angal kayo?" Maangas na dugtong pa nito. Omg! Omg! Omg!

Pwede paki-ulit? Hindi joke lang. Haha. Pero, omygosh! Anong sabi niya? Balak niya akong solohin? Omg! Bakit kahit iyon lang ang sinabi niya ang lakas na ng epekto? Hala? Saka bakit lakas niyang maka-announce ng ganoon. Omg! Feeling ko sobrang pula ng muka ko! Damn, Louie.

"Hey, babes, may lagnat ka ba?" Nagtala ako sa tanong saakin ni Louie, sabay lagay ng kamay sa noo ko at lapit ng nilapit niya ang muka ko sa muka niya. Omygosh. Le dies.

"B-bakit?" Nauutal na tanong ko. Bakit ba kase ang lapit nito?! 

"Kase sobrang pula ng muka mo." Plain na sabi niya sabay ngiti saakin at akbay ulit. Napahawak ako sa muka ko. Gosh! Ang pula nga ng muka ko! Ang init kasi e!

***

HAPPY ONE MONTH!!

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now