x35: That Playboy

Magsimula sa umpisa
                                    

"Adrian!" Si Cindy, sinalubong ako. Hindi maipinta ang mukha nya.

"Uhm.. Nandyan na pala girlfriend mo.." pasimpleng kumilos paalis si Sharon mula sa pagkakaakbay ko. Pero di ko sya pinakawalan.

"Sinong girlfriend?" tanong ko na ikinagulat nilang lahat. "Ah, yang si Cindy ba?" nakangiti ko syang tinuro. "Wala na kami nyan."

"Talaga?" di makapaniwalang tanong ni Sharon.

Si Cindy, napanganga at napailing. "A.. Ano? T-Teka nga!"

Bigla nya kong hinatak palayo dun sa mga babae. Hinatak nya ko hanggang sa makapunta kami sa likuran ng building namin kung saan walang ibang tao ang naroon.

"A-Adrian? Ano yung sinabi mo kanina dun sa mga babae? Wala na tayo? Agad? Wala naman tayong pinag-usapan ah? At ang bilis naman kung maghihiwalay na tayo? May one week pa nga lang tayo eh diba?" dire-diretso nyang sabi sakin habang hawak ang kamay ko.

Pilit ko syang binitawan. "May one week pa nga lang tayo. Pero binigay mo na agad yung kailangan ko sayo eh. At dun na nagtatapos ang relasyon natin."

Natulala sya sakin.

"Naiintindihan mo naman na siguro noh, Cindy? Nangyari na rin naman na ang gusto mo, diba? Pinatulan kita tulad ng pakiusap mo."

Napakagat-labi sya. Bakas ang pagsisisi sa mukha nya. Kung saan sya nagsisisi, ewan ko.

Nagbuntung-hininga ako bago muling nagsalita. "So.. Paano na? Salamat na lang sa lahat ah?"

Pinat ko pa ang ulo nya bago ko sya iniwan doon. Hindi naman na nya ako pinigilan o hinabol pa. Buti na lang.

Nang papunta naman na ako sa hagdanan, may nabangga pa kong babae sa may likuan. Pero si Chelle pala toh.

"Sor--" natigilan sya nang matingalaan nya ko.

Kahit ako natigilan nang makita ko ulit nang ganito kalapit ang maamo nyang mukha. Yung mga kamay ko, biglang nangati para hawakan sya. Parang gusto ko syang hatakin at yakapin nang mahigpit.

Gumalaw nga ang mga kamay ko para gawin yun. Pero..

"Chelly! Tara na dali! Tsk!"

Pero kasama nga pala nya si Millie. Hinatak sya nito sa braso at agad na nilayo sakin.

Sa paglayo nya, dun ako natauhan. Muntik ko nang hawakan, hatakin at yakapin si Chelle? Anong kalokohan yun?

Ngumisi at umiling ako sa sarili ko. At saka ako sumunod paakyat sa classroom namin.

[RACHELLYN's PoV]

"Chelly! Tara na dali! Tsk." madali akong hinatak ni Millie sa braso nang makabanggaan ko si Adrian sa daan.

At buti na lang, hinatak nya ko kaagad. Buti na lang talaga dahil kung hindi.. kung hindi, naluha na ako sa harapan ni Adrian.

One week na rin ang lumipas mula nang makipagbreak sakin si Adrian. Pero yung sakit sa ginawa nya sakin, nandito pa rin eh. Nararamdaman ko pa rin yun maya't maya.

"Nga pala Chelly! May gift ako sayo!" masayang sabi ni Millie nang makapasok na kami sa room namin.

Napangiti naman na ako. Nakakatuwa lang kasi talagang tinutulungan ako ni Millie na maka-move on. Twing nasa school ba naman kami, lagi syang gumagawa ng paraan para lang maiiwas nya ko kay Adrian. Sya na nga rin ang gumaganap sa papel ko bilang class president para hindi kami magkasama ni Adrian sa mga kailangan naming gawin.

"Anong gift yun, Millie?" tanong ko sakanya nang makaupo na kami.

"Waiiit." Excited nyang hinalungkat ang bag nya. At mula doon, may kinuha sya na isang libro. "TADA!" agad nya yung inabot sakin. "Novel yan! Kay Mama talaga yan kaya medyo luma na. Pero mukhang maganda kaya hiningi ko na lang sakanya para ibigay sayo."

"Wow naman.." nakangiti kong iniscan itong libro at inamoy ko pa. Oh I really love how old books smell. "Thank you dito ah, Millie.."

"Welcome, besty!"

Sisimulan ko na sanang basahin itong librong binigay nya sakin. Kaso dumating na si Sir Arnold eh.

Nagsimula na ang AP class namin. At habang nagle-lesson kami, bigla namang dumating si Cindy-- si Cindy na hindi maipinta ang mukha. Nag-sorry sya kay Sir tapos umupo na sya sa seat nya.

Pero may napansin ako sa kanila ni Adrian..

Nang madaanan kasi sya ni Cindy, di sila nagtinginan. Para lang silang may tampuhan.

Napasigh ako bigla.

Dahil sa eksenang yun, hindi ko tuloy maiwasang balikan yung time na nagkakatampuhan kami ni Adrian. Pag nagkakatampuhan kasi kami noon, naaayos namin yun agad. Then Adrian would always do something sweet to me afterwards para makabawi sya sa naging tampuhan namin.

But now, I wonder. Was Adrian being sweet to me because he really loved me? O ginawa nya lang yun para sobra-sobrang mahulog ang loob ko sakanya at nang mas madali nyang makuha ang gusto nya sakin?

Napapikit ako sa mga tanong ko sa sarili ko.

Sobrang nakakasama lang kasi ng loob. Sobra to the point na gusto ko na namang umiyak.

But no. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras at lugar para ilabas ang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko.

And I did. I forced myself to suppress all of my emotions and to hold back all of my tears.

Nakakapagod nga lang at nakakapanghina gawin yun. Medyo depressing din. Kaya pagdating ng LUNCHBREAK, gusto kong kumain ng marami. As in MARAMI. Para lang akong gutom na gutom. But there's only one food that is in my mind right now.

"Ano na Chelly? Ano nang bibilin natin?" tanong ni Millie habang pababa kami ng hagdanan.

"Ice cream.." bigla ko namang naisalita ang nag-iisang pagkain na nasa isip ko.

"Ice cream gusto mo?" ulit nya.

Tumango ako. "Gusto kong kumain nun ngayon.. Tapos cookies and cream yung flavor.."

"Pero Chellyyy? Ang lamig-lamig ng panahon ngayon. Tsaka sa labas pa tayo makakabili nun. Dun pa sa may convenience store."

Napapout ako. Totoo yun eh. Malamig ngayon kasi maulan tapos January pa. At yung bilihan, nasa labas pa nitong school. Pero yun talaga ang hinahanap ng panlasa ko ngayon eh-- cookies and cream flavored ice cream. Weird pero normal naman yata toh sa mga tulad kong nadedepress.

"Haay. Sige na nga Chelly." pumayag na si Millie. Siguro dahil sa pagpout ko. "Pero bili muna ko ng juice sa canteen. Nauuhaw na ko eh."

Napangiti na ko kasabay ng muling pagtango sakanya. Ang saya lang at pinagbibigyan ako ng bestfriend ko.

Nagpunta nga kami sa canteen. Pero natigilan kami nang makapasok na kami roon. Si Adrian ba naman kasi ang una naming nakita. Nakapwesto sya sa isang table habang may kakwentuhan at kaakbay na IBANG BABAE.

So.. wala na sila ni Cindy?

"Lintik na.. Iba na yang kalandian nya?!" di makapaniwalang sabi ni Millie.

Habang ako, walang masabi.

"U-Uhm ano pala Chelly! Tara bili na lang tayo ng ice cream sa labas!" hinawakan ni Millie ang kamay ko.

Napatingin na ko sakanya. Then I smiled. "Tara.."

Umalis na kami ng canteen with me smiling.

Nakangiti ako, hindi dahil sa masaya ako. Nakangiti ako dahil ayoko lang mag-alala pa sakin si Millie. At nakangiti ako, kahit ba deep inside, nilalamon na naman ng sakit ang puso ko.

Ang sakit lang isipin na hindi ako naiiba kay Cindy o sa bagong babae ni Adrian. Tulad nila, naging babae rin ako ng lalaking yun. Naging kalandian. Then iniwan.

Like them, I was once that playboy's girl. Just a girl he needed and.. nothing more.

xxxxxx TBC~

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon