x21: Warning

58.3K 643 89
                                    

dedic porr @ValjeanRegala

- - - - -

x21: Warning

[RACHELLYN's PoV]

Para lang akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang masabi ko na kay Adrian ang nararamdaman ko tungkol sakanila ni Cindy. He reassured me na ako ang mahal nya at yun lang pala ang kailangan kong marinig para mawala ang takot at pagseselos ko. And TRUST-- nalaman ko sa moment na yun ang kahalagahan nito sa isang relasyon. I need to trust Adrian more. I want to and I already do.

After nun, agad kaming bumalik sa normal ni Adrian. Sabi ko naman eh diba, madali kaming nagkakaayos ni Adrian pag meron kaming hindi pagkakaintindihan. Pag-uusap lang naman lagi ang solusyon sa ganun eh.

THEN THE NEXT DAY..

Like the usual, nakasabay na naman namin sina Millie at Levi nung lunchbreak.

"Chelle ko. Salamaaat." malambing na sabi ni Adrian sabay abot sakin ng ballpen na hiniram nya kanina.

"Welcome." nakangiti ko namang sagot. Kinuha ko yung ballpen at isinauli sa bag ko.

"Wui Chelle." tawag ulit ni Adrian. Agad ko syang nilingunan at nakita kong natatawa sya. "Ang kalat mo kumain."

Napablink ako nang ilapit nya ang isang kamay nya sa mukha ko at may ni-wipe sya na dumi sa gilid ng lips ko! WAAA~ Nakakahiya.. >///

"Okay na Chelle ko." natatawa pa rin si Adrian nang ilayo na nya ang kamay nya sa mukha ko.

Napapunas din ako sa bibig ko. Baka may dumi pa eh! Pero bigla kong napansin sina Millie at Levi na nasa tapat lang namin. Nakatitig sila samin ni Adrian.

"Anong tinitingin-tingin nyo dyan ha?" tanong ni Adrian sakanila.

"Tss." tumingin sa labas ng bintana si Millie at tumuloy sa pagkain ng chichirya nya. Si Levi naman, tinignan sya.

"Millie KO." biglang tawag ni Levi sakanya! Parehas nanlaki ang mga mata namin ni Millie habang si Adrian, natawa.

"A-Anong pinagsasabi mo ah, pusandi?!" inis pero nauutal na tanong ni Millie.

"Hmm..di bagay." napailing si Levi. At sarili nya yata ang kausap nya eh? "Mas bagay kung Millie SY."

Napangiti ako sa sinabi ni Levi. Pero si Millie, saglit na napanganga.

"H-HOOOY! Wag mo nga babuyin ang pangalan ko gamit ang apelyido mo!" sigaw ni Millie. Pero tinawanan lang sya ni Levi pati ni Adrian.

"RACHELLYN! ADRIAN!" tawag ng kaklase naming si Grace na nasa pintuan. "Pinapatawag kayo ni Sir Arnold sa faculty!"

Nagkatinginan kami ni Adrian. Pero tumingin din kami ulit kay Grace.

"Sige." malakas na sagot ni Adrian.

"Ano ba yan. Maiiwan ako dito kasama ang pusandi na toh?" reklamo ni Millie.

"Naka-tadhana raw kasi tayong dalawa." mapang-asar na sagot ni Levi.

"HEH! Itadhana mo yang mukha mo!"

"Tara na, Chelle." yaya na sakin ni Adrian.

Iniwan na namin na nagtatalo yung aso't pusa at magkahawak-kamay kaming bumaba ng building ni Adrian. Nagbitaw na lang kami nung pumasok na kami sa faculty room.

"Sir." masayang tawag ni Adrian kay Sir Arnold nung makalapit na kami sa table nito.

Seryoso lang kaming tinignan ni Sir. Bakit kaya? Kanina pa ganyan kaseryoso ang itsura nya eh, mula pa nung pumasok sya sa klase namin.

"Mr. Guillermo at Ms. Quintos.." mahinahon nyang tawag. Pero napahinto sya at nagbuntung-hininga.

"May problema po ba Sir?" tanong ni Adrian.

"Sabihin nyo nga. May relasyon ba kayong dalawa?" tanong din ni Sir na medyo ikinakaba ko.

"Meron po." diretsong sagot ni Adrian na mas nagpakaba naman sakin!

Tumango si Sir. "Okay, meron. So, totoo rin ba yung sumbong na nakarating sakin, na nagexcuse daw kayong dalawa sa MAPEH class nyo kahapon para lang magstay sa classroom nyo at para..maghalikan?"

"PO?" nagulat si Adrian. Kahit ako, nagulat din pero walang salitang makalabas sa bibig ko dahil sa sobrang kaba. So di pala ako nagkamali kahapon? Talaga palang may tao sa pintuan ng room namin that time at nakita kami?

"Tsk." napahilot ng ulo si Sir.

"Sir, totoo pong nagexcuse kaming dalawa ni Chelle sa MAPEH class namin kahapon pero magkaiba ang dahilan namin." paliwanag ni Adrian. "Sya nagexcuse kasi masama po ang pakiramdam nya. Samantalang ako, nagexcuse para mag-CR pero yung totoo, pinuntahan ko si Chelle. Nagkasama nga po kami sa room pero hindi po kami naghalikan ah. Magkaiba po ang NAGHALIKAN sa HINALIKAN KO LANG SYA SA NOO."

Nanahimik bigla si Sir. Para syang nag-iisip. "Ibig mong sabihin, nagsisinungaling lang yung nagsumbong sakin ah?"

"Siguro po. Pwede naman pong di nya lang nakita nang maigi ang mga nangyari at kung anu-ano na agad ang inisip nya." sagot ni Adrian. Grabe lang, ang tapang-tapang nya. Hindi ba sya nakakaramdam ng kahit unting kaba sa kasalukuyang paninita samin ng teacher namin?

Tinitigan kami saglit ni Sir. "Sige.. Papaniwalaan ko kayo."

Medyo nakahinga na ko nang maluwag sa sinabi ni Sir.

"Pero sana, iwasan nyo nang gumawa ng mga bagay na pwedeng ikapahamak nyo." tuloy pa ni Sir. "Hindi namin kayo pinagbabawalan na makipagrelasyon pero dapat alam nyo ang limitasyon nyo lalo na dito sa loob ng school. At mga bata pa kayo. Wag kayo masyadong magmadali. Unahin nyo ang pag-aaral nyo."

"Yes sir." sabay naming sagot ni Adrian.

"Tandaan nyo yun. Dahil pag may makarating na naman sakin na sumbong kagaya ng paghahalikan nyo raw sa loob ng classroom, kakausapin ko na ang mga magulang nyo. That's a warning." tumitig si Sir kay Adrian, tapos sakin.

Dun naman ako binalikan ng takot. Ayokong malaman ng mga magulang ko na nakikipagrelasyon na ko eh. Ayokong madisappoint sila.

"Please, do not fail me." sabi pa ni Sir Arnold. "Isa kayo sa magagaling kong mga estudyante eh kaya mataas ang expectations ko sainyo. Lalo na sayo Adrian Guillermo, kahit ba nakapasaway mong bata."

Natawa si Adrian. "Sir naman.. Nagbago na kaya ko mula nung main-love ako kay Chelle."

Ehh? Adrian talaga.. >///

Si Sir naman, halos matawa rin. "Ah, bumalik na nga kayo ng classroom nyo! Malapit na magsimula ang next class nyo oh! At wag nyo kalimutan ang mga sinabi ko!"

"Opo, opo. Hehehe" sagot ni Adrian.

Nagpaalam at nagpasalamat rin kami sakanya bago kami umalis. Pagkalabas namin ng faculty room, hinarap ako ni Adrian. Mukha syang nahihiya.

"Chelle.. Sorry ah.." nagkamot sya ng batok.

"Sorry sa?" pagtataka ko.

"Napagsabihan kasi tayo ni Sir dahil sa ginawa ko kahapon.."

Nginitian ko sya. "Okay lang yun.. Basta mag-ingat na lang tayo next time.."

"Mm." tumango sya at nginitian rin ako.

Sa paglalakad namin pabalik ng room, di ko naman maiwasang isipin yung taong nagsumbong samin ni Adrian. Bakit kaya sya nagsumbong ng hindi naman totoo? Sinadya nya ba yun o hindi lang nya nakita nang maiigi ang mga nangyari? Pero higit sa lahat, sino ba sya? Masyado akong nakucurious at.. at may hindi maganda akong nararamdaman sa tao na yun..

xxxxxx TBC~

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon