"Okay. Ingat Tito." Sabi ni James.

"Salamat. Sabihin nyo na lang sa kanila na nauna na ako." Bilin nito sa magkakaibigan.

"Yes, Tito." Sagot naman ni Alex.

"Luke, iuwi mo na kaya si Maria mukhang pagod na siya. Sige mauna na ko." Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya ng kwarto.

Nagbuntong hininga naman si Luke at tumayo.

"Okay lang ba mauna na rin kami? Pagod na rin siguro tong si Aria." Paalam nito sa mga kaibigan niya.

"No. I'll stay here. Babantayan ko din si Jayke." Naiinis na sagot ni Maria kay Luke.

"You need to rest, Maria. Nandito naman kami eh. Kung gusto mo bumalik na lang kayo dito pag nakapagpahinga na kayo." Seryosong sabi ni Michael.

"Oo nga Maria. Hwag ka mag alala. Tatawag agad ako sainyo kapag may nangyare dito." Nakangiting sabi naman ni James.

"Tara na. Promise. Babalik tayo dito." Hinawakan ni Luke si Maria sa braso niya para makatayo ito.

Hindi na nakipagtalo pa si Maria at pumayag na rin. Samantalang si Alex, nakatingin lang sa kanilang dalawa. Hindi niya gustong makita na malungkot si Maria pero wala siyang magawa.

"Bro, una na rin kami. Pagpahingahin nyo na rin muna sila Tito Harold pati si Ilustre ha?" Bilin nito sa mga kaibigan. Nagsitanguan naman ito sa kanya.

Siniliyan ni Luke ang mukha ni Maria na mahimbing na natutulog ngayon sa kama niya. Dinala niya ito sa bahay niya, since wala ang parents niya dahil nag out of town at nakatulog naman sa kotse niya si Maria pagkaalis nila sa ospital.

How beautiful she is. Her innocent face that make her more attracting and beautiful. Her kissable lips and her pointed but tiny nose.

HIS PARTNER IN BED (On-going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora