Dos

26 1 1
                                    

Sunday, March 25, 2018 2:01 AM

I've read a lot of stories, and I have a variety of books in my shelves. Admittedly, I also want to write a book of my own someday. Now this is the moment na deserve naman talagang maisulat sa kasaysayan ng mga libro.

If this was a supernatural or horror na libro na mabibili mo sa bangketa, I'd say na para siyang si Santelmo. Yung bolang apoy. That's because of her red hair na kahit hindi naman talaga lumiliwanag o umaapoy ay nagtataglay ng kakaibang kislap lalo na't naaninag mo rito ng liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. Pwede ko ring sabihin na isa siyang engkantada na lumabas kung saanmang kaharian at somehow ay napunta siya sa may pintuan namin.

And if this was a Nicholas Sparks novel, she's the kind of girl that will give you a story that can't be summed up in two or three sentences.

At sa isang random passerby, all he could ever see was this beautiful red-haired girl with soft-cheekbones yet prominently-shaped jawline. He'll see the sparkle of her pink lips na parang inosenteng rosas na idinikit sa mukha ng isang masterpiece sculpture. Her blue eyes, and that seducing cleft-chin. That person will see this goddess na nakatayo sa harapan ng isang mortal na may kahiya-hiyang mapa sa mukha at may kakaibang talim sa mata na para bang gustong pataying ang kung sinomang nilalang nakatayo sa harapan niya.

Dahil iyon ang totoo.

For practicality's sake, nakatulog pa lang ako ng isang oras at tatlong minuto para sa loob ng tatlong araw. Hindi ako natulog nung Friday, three minutes nung Saturday, at isang oras naman para sa ngayong Linggo. Kaya naman kahit diyosa pa talaga 'tong nasa harap ko, hindi nawala ang paghahangad kong gilitan siya sa leeg.

Hindi naman niya pinansin ang karakter ko sa buhay niya bilang isang death threat, she just smiled at me, and it displayed pearly-white teeth na halatang hindi cheap toothpaste ang ginamit.

"Can I come in?"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Are you crazy? We're practically strangers."

Ibang usapan na ito dahil nagsasalita na ako ng English. Twice ko lang yon ginagawa nang hindi napipilitan. Una, kapag seryoso ako, at pangalawa, kapag naiinis na talaga ako ng bongga. This time, both.

"'I'm Elizabeth Janes Harper." she looked at my hand at nang mapansin niyang may mapang bakas ng matamis na pagtulog ako sa parteng yaon, she did not even dare to ask me to shake her hands.

"Alessa Perez." malamig kong tanong.

"Cool." she smiled again. Matapos niyang sabihin yon ay walang habas siyang pumasok sa aming bahay at sumalampak sa aming couch na sa kabutihang palad ay hindi namin binili kay Tito Arthur kaya medyo matibay.

May inilabas siyang mamahaling cellphone sa bulsa ng kaniyang designer jeans.

Tiningnan ko lang siya ng masama, "What the heck?"

"Don't mind me, Ale. Makiki-wifi lang ako." she pronounced my name like 'Eyl' and though it sounded cool in her mouth, wala akong balak na mabigyan ng nickmane ng isang nilalang na randomly na pumasok sa bahay ko.

Hayahay naman siya at mukhang sobrang kumportable sa pwesto niya, naalala ko tuloy ang kamang naiwan ko at ang sayang dulot nito sa akin. Kaya naman naglaho ang goal ko na tawagin sina tropang Chucky para ipapaslang ang taong 'to. Tsk.Wag lang niya sanang itakas ang pocket wifi namin. Sayang 'yang lang yung effort kong pumunta ng Divisoria 'no.

8:30 AM

Mamahaling perfume at nakakapang-akit na cleft chin ang sumalubong sa akin sa paggising ko. Siguro kung normal na tao lang ako, malamang nag-panic na ako dahil may isang magandang estrangherang feel na feel ang pakikitulog sa kama ko. Kaya lang, dahil kagigising ko lang, wala pa akong pake sa mundo dahil medyo mabagal pa ang pag-process ng utak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WiFi Woman (gxg)Where stories live. Discover now