Prologue

27 2 0
                                    

Saturday, July 15, 2024 1:30 PM

"Minsan ba naisip mong ayusin ang gamit mo, ha, Perez?" tanong sa akin ni Megan, ang aking matalik na kaibigan at ngayo'y kaopisina ko na, "Kung hindi ako nagkakamali, nandiyan dapat nakabalandra ang mamahalin mong lamesa di ba?" turo pa nito sa isang lugar sa aking opisina kung saan kaninang umaga lang ay nagyayabang ang makintab at itim kong lamesa na imported pa mula Italy.

Hindi ko na lamang siya pinansin sapagkat masakit na ang ulo sa aking nakikita ngayon at ayaw ko ng patulan pa ang kaniyang pagsesermon.

"Huwag kang mag-alala friend. Hindi na kita pagagalitan. Alam ko namang kadarating lang nanay mo at nasabi na niya ang dapat kong mga linya."

"Salamat ha." sarkastiko kong sagot sa kaniya. Kung tutuusin, hindi naman talaga nawala ang aking lamesa, natakpan lang ito ng mga papel na parang naisipang mag-party sa office desk ko. Sa sobrang dami ng nagkalat na papel ay hindi ko na makita smooth black surface ng iniingat-ingatan ko pa.

Malamang ay matalim na tingin ang ipinupukol ko kaya naman ng nakita ako ni Bea, ang aking secretary, ay parang gusto na nitong lumuhod at magmakaawa na para bang gigilitan ko siya ng leeg.

"Ma'am Perez...hindi po ako ang may gawa niyan. Hindi ko pinakialaman ang gamit niyo!" garagal na paliwanag nito. Itinaas ko na ang aking kamay para magtigil na siya dahil sa tingin ko'y hihimitayin na siya mamamaya sa takot sa akin.

"Alam ko namang hindi ikaw." sabi ko sa kaniya at halata namang nakahinga siya ng maluwag.

Alam kasi ng lahat ng nilalang na kakilala ko na ayaw kong ginagalaw ang gamit ko. Kahit na admittedly akong burara, I'm an organized mess. Yung tipong makalat ako pero itatambak ko lang sila sa isang lugar. Kaya naman kahit sabog ang gamit ko ay madali ko naman silang makikita kapag kailangan na.

Mas naasar lang kasi ako kapag may nag-aayos ng gamit ko at kapag tinanong ko naman kung nasaan, di makasagot o di naman kaya sisisihin pa ako dahil sa aking pagkaburara dahil ayaw lang nilang aminin na nakalimutan na nila kung nasaan nila nilgay ang gamit ko.

Malamang sa malamang ay ang nanay ko ang may gawa nito. Pumunta siya kaninang umaga sa opisina para ihatid yung mga bills niya na dapat ng bayaran. Sabi ko, ipahatid na lang niya pero dahil sa kaniya ko namana ang katigasan ko ng ulo, malamang hindi siya nakinig sa akin. Siguradong inayos niya ang mga papel ko kaninang umaga habang wala ako, tapos binuksan ang mini electricfan dito ko sa table saka umalis ng di ito napapatay. At iyon na nga ang dahilan kung bakit nagkalat ang iba't-ibang uri ng lipi ng papel sa office ko.

Pinaalis ko na rin si Bea para makapag-lunch na siya at bago pa man siya kulitin ni Megan para sa walang kamatayang date na hinihinigi nito sa dalaga, hinila ko na ang aking kaibigan at inutusang tulungan ako sa pag-aayos ng sangkapapelan sa lamesa ko.

Tiningnan ako nito ng masama, "Alam mo Perez, kung bitter ka sa love life mo. Wag mo akong idamay ha."

"Arellano. Boss mo pa rin ako, ha." panggagaya ko sa tono niya. Nagdabog na lang siya pero tumulong rin naman siya sa akin.

Hinahanap ko na yung mga reports ko, madali lang naman silang makita dahil bondpaper sila at ang mga bills naman ay nasa envelop lahat.

"Paghiwalayin mo yung bills ko tsaka yung kay Mama."

"Okay." binasa niya ang mga tittle ng envelop, "BDO credit card?"

"Kay Mama."

"Lora's Salon?"

"Mama."

"Bill ng kuryente for a property in Lucena city."

"Sa akin."

"Bill ng tubig for a property in Laguna?"

"Kay Mama."

"Uhm...bill ng internet connection of #12 Rose Street, Flowerville Subdivision, QC?"

Sukat ng tinanong niya iyon, literal na hindi ako makagalaw. At sa ilang segundo, nakalimutan kong huminga. Napansin niya 'yon kaya naman iniba na lang niya ang usapan.

"Alam ko na, dagdagan natin ang bill mo Perez." halata naman ang tuwa sa mukha niya dahil makakagastos nanaman siya ng perang hindi kaniya.

"At saan mo nanaman balak gamitin ang pera ko Arellano?"

"Punta tayo ng Lazierre Clubhouse at magpakalasing!"

Mga ala-una ng umaga at nakainom na rin ako. Hindi naman yung tipong lasing or even tipsy. Sapat lang yung nainom ko para magkaroon ng tapang para balikan ang isang alaala ng nakaraan.

I found myself standing in front of my former house sa Flowerville. Lumapit ako sa ilang mga paso sa tabi ng pinto para hanapin sa ilalim ng mga ito ang susi ng bahay. Sa tagal ko na kasing hindi pupunata rito ay nakalimutan ko na kung saan bang ilalim ng paso ko nalagay yung susi. Hindi ko na kasi dinadala ang susi ng property na'to dahil wala naman talaga akong lakas ng loob ng puntahan ito tsaka para madaling makapasok ng caretaker ng bahay dahil hirap kaming hagilapin ang isa't-isa. At sa isa pang kadahilanan, sapagkat...

Napailing ako, hahanapin ko na nga muna ang susi dahil baka maabutan pa ako ng pagdadrama sa kinakatayuan ko. Nakakahiya naman sa mga kapit-bahay. Nang makapasok na ako sa loob, agad kong pinagala ang aking mga mata. Wala pa rin talagang halos nagbago sa bahay na ito bukod sa pag-alis ko. Tiningnan ko ang pocket WiFi na nakalagay sa lamesa. Fully charged ito. Isa iyon sa task ng caretaker ng bahay, ang siguraduhing hindi lowbatt ang pocket wifi.

The device can monitor kung may naki-connect ba or wala due to its History feature. Walang naki-connect.

Hinagis ko yung pocket wifi sa couch at pumunta ako sa harap ng salamin na mahigit eight years ng nasa bahay na'to.

Quarter to two o'clock AM.

I closed my eyes for a few seconds, at nang muli ko itong minulat, para akong pumasok sa time machine. My red hair faded at bumalik ito sa natural color na itim. I grew smaller, and the lines in my forehead straightened. Pero nandun pa rin yung pagod sa pagod at puyat sa aking mukha.

Pumunta ako sa couch at dumapa. Hawak ko sa aking kamay ang pocket WiFi. Nag-beep yung digital clock. Alas dos na ng madaling araw. At umaasa ako, umaasa pa rin ako, na may kakatok sa pinto.

Just like that certain year when I was eighteen years old.

���:?�3i�

WiFi Woman (gxg)Место, где живут истории. Откройте их для себя