Chapter 5 - Usual Semblance

7.7K 469 549
                                    

Fraulein Snow

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Fraulein Snow.

23. April.
Sunday, 11:00 p.m.
372A High Street.

PAGKATAPOS NG PARTY ay nagsi-uwian na ang CC at si Ciel Brown. Si Luciano, Aodhan, at NJ ay nag-uusap pa rin sa garden. Kinakabahan ako sa haba ng usapan nila.

Pinauna ko nang matulog sina Edward at Nicholas dahil kitang-kita ko na ang pagod sa mata nila. Si Lae ay humiga na sa couch, at sa sahig katabi niya ay si Fenrir. Si Ruhmfried ang unang humilata sa kama ko kahit na ilang beses niyang sinabi na masyado itong matigas.

Si Joyeuse, naghuhugas ng pinggan habang ako ay nagliligpit ng buong kusina, dahil ang daming nasira nina Alice, Clarent, at Ruhmfried. Kung sino pang may birthday, siya pa ang tumutulong sa 'kin ngayon.

Pagkatapos kong maglampaso at maitapon ang huling uling sa sahig ay lumapit na ako kay Joyeuse para akuin ang paghuhugas.

"Ako na d'yan," 'ka ko. "Maghilamos at mag-ayos ka na para matulog."

"It's okay," sagot n'ya habang naka-focus sa mga hinuhugasan n'ya. "You're tired too."

"Nilalagnat ka ba?"

Ngumisi siya. "I said it's okay. Washing the dishes helps me think."

Sumandal ako sa counter. "Anong iniisip mo?"

"I'm not sure if I want to discuss it with you."

"Really, now? You don't wanna discuss things with me? You sure?"

Nakasimangot siyang lumingon sa 'kin. "I just told you I'm not sure."

"Yeah, and I respect that. Nagulat lang ako dahil ngayon ay alam kong naaalala mo na kung nakailang "I don't want any part in this" ako sa 'yo noong bata tayo," pang-aasar ko sa kanya. "Tanda mo ba kung anong sinasagot mo sa 'kin noon?"

He shook his head, but his eyes glinted. He knew.

"Kapag sinasabi kong layuan mo ako, naaalala mo kung anong ginagawa mo?"

He pursed his lips and started to suppress a giggle. I grinned and poked his cheek as I recalled every deed he made. "Ayan, sabi ko, 'wag mo akong sundan, tapos isang beses nauna ka pa sa bahay namin. Sabi ko, ayokong madamay, tapos bigla mo na lang idadaldal ang lahat ng plano mo."

I started poking his sides. "Sabi ko, gusto kong matulog, pero ikaw—napakabait—walang ginawa kun'di gisingin ako para pumunta sa kung saan-saan."

He laughed and swatted my hand away. He had this kind of smile that I haven't seen in years. It was so lighthearted, yet so mischievous. It was rare, but it was the smile I remembered the most.

"What the bloody hell are you saying, you were in on it." He blew soap foam at my face.

I grabbed his waist and lifted him away from the sink. "I wasn't, I was worried you'd die!"

[Seven-Minute Semblance] MASTERMINDSFORHIRE & RAGNAROKWhere stories live. Discover now