Step 5's Continuation

722 14 1
                                    

Cont:

Dahil nga wala 'yung teacher sa last subject namin kaya maaga yung uwian namin. Pero di agad kami umuwi ni Cha-cha,na isipan muna naming tumambay sa field at panu-urin ang mga nagprapraktis ng Cheerleading.

"Ang galing naman nila frets nuh?"  nasa boses ko ang paghanga.

"Oo nga frest."

"May napili kana bang club?"

"Wala pa ikaw meron na? Same nalang tayo gaya ng dati"

Noong First year kami ni Cha-cha ay sumali kami sa fine Arts' club. Pero nung second year na ay hindi na kami sumali pa ng club, kapagod na kasi nun eh. At noong third year naman, sumali kami sa science club pero kung ano nalang kapalpakan yung ginawa namin kaya napilitan kaming tangalin.

"Mag audition tayo sa Glee Club frets"  biglang sabi ni Cha-cha.

"Ha? Ang pangit kaya ng boses natin."

"Ui maganda yung boses ko ha, sayo lang ang hindi"

"Asa kapa"  umirap ako.

"Sa dance trop nalang kaya"

"Haay. Para ngang poste tong katawan ko eh!"

"Oo nga nuh?"

Tapos nakita ko siyang nag isip. Nag-isip na rin ako, ano kayang club na kaya naming pareho at hindi talaga mahirap? Hindi kasi pwedeng hindi kami sumali sa Club dahil nasa pilot section kami. Yung mga classmate namin naka sali na sa mga club kami lang siguro ang wala pa.

"Alam ko na!"  biglang tumayo si Cha-cha.

"Pa bigla-bigla ka talaga frets"

"Tumayo ka na"  hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong pinapatayo. Tumayo nalang din ako at pinagpag ang saya.

"Bakit? Anong club yang na isip mo?"

"Basta! Sumunod kalang, bukas pa iyon hanggang ngayon maaga pa naman eh."

Hinila nalang ako bigla at sumunod lang din naman ako. Naglakad kami sa hallway ng school tapos nadaaanan namin yung guidance office at iba pang office. Tapos huminto kami sa-

"Sure ka frets?" pagtataka ko. Nilipat-lipat ko ang tingin, kay Cha-cha tapos sa harap, kay Cha-cha ulit tapos sa harap.

"OO! kaya tayo na."

Pumasok kami sa pinto na may sulat sa taas na  *WELCOME TO HOME AND CULINARY ARTS' CLUB.

"Hi good afternoon ma'am, I'm Charity Gail Alvarez and this is my friend Monica San Juan." agad na pakilala ni Cha-cha ng lumapit kami sa isang teacher na naka upo sa table.

"Hello po"  pinilit kong ngumiti. Nagdadawalang isip pa kasi ako na sumali sa CLub na ito.

"Anong ipaglilingkod ko sa inyong Charity and Monica?"  huminto siya sa pagsusulat at naka ngiting tumingin sa amin.

"Mag e'endrol po sana kami sa Club na 'to."

"Sure, take your sit"

Na upo agad kami sa upaan na nasa harapan ng kanyang table. MRS. SANDRA O. GUILAS yung naka lagay na name sa table niya. Sa tingin ko'y nasa age 50 na itong si Mrs. Guilas.

"10 STEPS TO MAKE HIM FALL IN LOVE"  COMPLETEWhere stories live. Discover now