Step 4's Continuation.2

751 15 2
                                    

CONT:

Sumakay kami ng jeep pauwi sa amin. Makalipas ang ilang minuto bumaba na kami, naglakad papunta sa bahay namin. Naka tayo lang kaming dalawa sa harapan ng gate ng bahay namin. SILENCE is in the Air. Ang tahimik ng paligid. Noong naka sakay kami sa jeep, magkatabi nga kami pero wala man lang iisa sa amin ang nagsalita. Noong naglakad kami ang layo ng agwat naming dalawa. Minsan sinusulyapan ko siya, pero malayo ang kanyang paningin. Nasan naba ang energy ko ngayon? Na ubos naba dahil sa halik na iyon? Hindi kasi talaga ako nag expect sa buong buhay ko na gagawin niya iyon sa akin, sa harapan pa ng mga close friends niya.

Tiningnan ko siya. Naka tingin lang siya sa bahay namin. Naaaninag ko pa ang mukha niya dahil may bukas na ang ilaw sa labas ng gate namin. Binawi ko agad ang tingin ng tumingin siya sa akin. Tapos napansin kong kinuha niya ang cellphone.

"Naka uwi na si Charity." pagbabasag niya ng katahimikan.

"Aah..mabuti naman, ahm thank you nga pala sa paghatid sa akin Starf."

Tumingin ako sa kanyan. Tumango siya, pero wala man lang ni isang expression ang mukha niya. Hindi mo malaman talaga kung masaya ba siya, nagagalit, na iinis o ano bang nararamdaman niya ngayon. Hayst, ang hirap naman kilalanin ng taong to. Talagang na challenge ako. 

"Gusto mong pumasok muna?"

Tumingin siya sa akin. Ngayon, kumunot na ang kanyang noo. Hala! Bakit ko naman natanong sa kanya iyon. My God! Pano kung gusto nga niyang pumasok? Ay, malabo naman pala iyon.

"Hindi na,"

"Ahm.Ok thank you ulit sa paghatid,"  pilit kong pinasigla ang boses. Tumalikod siya, di man lang siya sumagot.

"MONICA!" si mama.

Nanlaki ang mata kong naka tingin kay mama sa pintuan. Nakita niya kami. Nagmadali siyang lumabas ng pinto at nilapitan kami. Naka talikod pa si Starf, di pa siya naglalakad. 

"Papasukin mo naman yung bisita mo Monica."

"Ahm, ma pauwi na kasi si Starf."

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa. Biglang humarap si Starf kay mama.

"Magandang gabi po. Hinatid ko lang si Monica, pa uwi na rin po ako." Napaka formal ng boses niya.

"Ay eho salamat naman na ina'alagaan mo si Monica. Pasok ka muna, maaga pa naman eh," pilit ni mama.

"Salamat po talaga pero u-"

Hindi na tapos ni Starf ang sasabihin. Bigla nalang lumapit si Mama at hinawakan ang braso ni Starf at pinapasok sa loob. Kumidhat pa sa akin si mama. Na iwan nalang akong naka tunga-nga. Hala! Bakit ba ang daming supresa sa araw na ito?! Hindi talaga ako nag expect!

"Gusto mong maubos ng lamok dyan Monica?" sigaw ni mama ng papasok na sila sa pintuan.

Dali-dali naman akong pumasok ng gate. Sinara ang gate at sumunod na sa kanila sa loob ng bahay. Pagkapasok ko ay naka upo na si Starf sa soffa namin. Naka tingin siya sa akin, para talaga akong matutunaw sa mga tingin niya! Iniwas ko ang tingin at napa tingin kay papa na papalapit kay Starf, na upo pa ito sa tabi ni Starf. Si mama naman pa ngiti-ngiti lang. Patay! Ano kaya ang gagawin nila mama at papa sa Starf ko? Kinabahan ako, baka kung ano-ano nalang ang itanong nila kay Starf.

"Monica magpalit ka muna ng damit," utos ni mama. 

"Maya na po ma," gusto ko talagang marinig kung ano man ang itatanong nila kay Starf.

"10 STEPS TO MAKE HIM FALL IN LOVE"  COMPLETEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن