STEP NUMBER 5

803 12 3
                                    

Step 5

Hindi pa rin ako maka get over sa mga pangyayari kahapon. Para bang hindi ka pani-paniwala ang lahat. Hindi ko akalain na kay dali lang pala ng lahat. Wala pang isang linggo at Biyernes palang ngayon pero naging close friend ko na siya?!

"Frets okay kalang?"  bakas sa mukha ni Cha-cha ang subrang pag-alala.

"Ha? Bakit frets?"  nagtataka ako.

"Tingnan mo ang paligid mo frets."

Tumingin-tingin naman ako. May mga estudyante ring kagaya namin na nakaupo sa bermuda na nasa ilalim ng kahoy sa tabi ng field. May mga estudyante ring naglalaro sa gitna ng field. Anong ibig sabihin ni Cha-cha?

" 'Yun lang ang nasa paligid."  nagtataka pa rin ako.

"Hindi mo nakita?"  medyo nagdilat siya ng mata.

"Aahm,hi-hindi."  kinabahan ako. Sa mukha ni Cha-cha ay para siyang nananakot.

"May nakita ako frets."

"Ano?"

"Ayan ooh mga pusong nakapaligid sayo, tapos may mga stars na kuminang-kinang tapos lumiwanag ka, para kang santo."

"Hay, kinabahan naman ako frets akala ko kung ano. Syempre ini-isip ko kasi si Starf at yung lahat-lahat."

"Buti nalang frets nuh hindi ka nahimatay kahapon. Ikaw na talaga,ikaw na!"

Nagtawanan kami. Love is in the air talaga. Para bang araw-araw ay valentines day. Na inspired pa akong pumasok at mag-aral. Na perfect ko talaga lahat-lahat ng mga test ko. Ganito pala ang ma inlove ,talaga? EEEEE!!

"Oh ayan na naman ang mga puso sa paligid."

"Kaw naman frets eeh, syempre in love alam mo na."

Tapos di na siya nagsalita pa. Binuksan niya ang notebook at nagbasa-basa. Oo nga pala may exam pa kami sa susunod na subject, scan-scan muna ako ng notes ko. Agad kong kinuha ang notes sa bag kong naka sandal sa kahoy at-

"Teka familiar ang amoy na eto ah."  may na aamoy ako.

Nanlaki ang mata ni Cha-cha na naka tingin sa akin. Pano ba'y para akong aso pa singhot ng singhot sa hangin at naka gapang sa damo. May na aamoy kasi akong familiar na perfume eh. Sinundan ko talaga ang amoy na iyon at para bang nasa kabilang parte ng kahoy na nasa tabi lang namin.

"S-t-a-r-f ?"  mahina kong sabi. Sabi ko na nga ba ang perfume iyon ni Starf ang na aamoy ko! Tiningnan ko siya ng maigi. Naka pikit ang kanyang mata, natutulog siguro to. Tumingin-tingin ako sa paligid tapos tiningnan ko siya ulit at-

"Ahm..."  kay lapit ng mukha naming dalawa! Nagtinginan kami at napalunok ako ng laway. "Hi Starf."

Naka tingin lang siya sa akin at walang sinasabi. Dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang saya at nilinis ang tuhod, pero di ko pa rin ina-alis ang tingin sa kanya.

"Frets ano bang...ay, hello Starf"  si Cha-cha na nasa likuran ko.

"Kumusta nga pala Starf?"  pinasigla ko ang boses.

"Okay lang"  sabay niyang tayo. Kinuha ang bag at libro at naglakad na.

"Ahm, babalik kana ba sa room ninyo?"  sumunod kami ni Cha-cha sa paglalakad.

"10 STEPS TO MAKE HIM FALL IN LOVE"  COMPLETEWhere stories live. Discover now