INTRODUCTION

3.8K 46 33
                                    

INTRODUCTION:

"Anong gawa mo frets?" agad na sabi ni Cha-cha sa akin nang pagkapasok niya sa kwarto ko. Tumalon siya sa kama ko.

"CHARITY!"

"Oh my! Baka ma bali-an 'yang maladyosa kong pangalan frets ha!" Cha-cha, inirapan pa ako.

Pilit nitong nilapit ang mukha sa harap nang laptop. 

At ako naman tinatakpan ang mukha niya.

"Ano ba yan kasi?" pamimilit nito habang hinahawakan ang kamay ko.

"May ginagawa ako, kita mo naman frets nuh?" inirapan ko siya.

"Ano ba kasing ginagawa mo?"

Di ko siya sinagot, pero bigla nalang may kinuha siya sa gilid ng Laptop ko habang busy ako sa pagbabasa. 

Oh my! Nakita niya si Chuppy (name ko sa pinaka importanteng notebook

Nakuha na niya! Pilit kong inagaw sa kamay niya pero 'di ko na maagaw!

"Wait!" nag hand sign pa. *STOP "- ano to?.."

"Notebook syempre,shunga lang frets?" lumuhod ako sa ita-as nang kama habang tinitignan ko siya na naka tayo malapit sa pink kong closet.

"I mean ung naka sulat,"

"Basahin mo."

Umupo siyaa sa kama.

"10 THINGS TO MAKE HIM FALL IN LOVEEE?" ngumuso pa.

Tumawa ako! Nakakatawa naman talaga ang mukha niya. Tumahimik lang niyang binasa ang mga unang sinulat ko doon.

"Nag reresearch po ako  tapos dumating ka  nang-gugulo!"

Kinuha ko na si Chuppy sa kanang kamay niya. Binigay din naman niya agad.

"Ganyan pala ang mga ginagawa sa mga bagong break up?"  Cha-cha

"Shut up!"

Pinigil ko siya agad! Ayaw ko nang marinig pa iyon! Gusto ko nang mag move-on! Napa-isip tuloy ako! Shunga talaga tong frets kong si Cha-Cha.

Pina-alala na naman niya yung mga past boyfriend ko!

Yah! Tama 'yung nabasa ninyo readers.

O nga pala, I'm Monica, Mon for short. Bagong likha lang ako na character sa mundo nang wattpad. Ewan ko ba kung anong nakain nitong si Batang Masakiton at na likha ako.

Anyways, 18 palang ako ha, high school student, wala naman akong problema sa grades ko I'm smart! Hehe. Pero bobo ako pagdating sa LOVE, I'm sure maka relate kayo! Marami na akong karanasan sa love, hindi sa pagmamalaki ha, marami na akong boyfriend, kaso-

Kaso walang tumatagal.

From my first boyfriend until this last na ka bre-break lang 5 or 7 months lang, Pero-

"Hoi gaga!" dilat na dilat ung mata kong naka tingin kay cha-cha.

"Ano?" Ginising niya ako sa pag-kwekwento ko sa inyo!

"Hey day dreamer," kumanta pa siya. "...K.I.S.S.I.N.G"

"Ano frets, kasi," medyo kinilig na ako. Ikwekwento ko naba sa inyo?

"10 STEPS TO MAKE HIM FALL IN LOVE"  COMPLETEWhere stories live. Discover now