Step 2's Continuation

995 22 7
                                    

CONT:

Hindi ko siya sinagot, dali-dali ko siyang hinila sa isang jeep na huminto malapit lang sa gate. Tanong ng tanong si Cha-cha kung saan kami pupunta pero pa smile-smile lang ako. Ilang minuto din iyon at bumaba na kami ng jeep pero nag bayad na ako ha.

"Mall?" shock niyang sabi.

"Oo may bibilhin lang ako frets,"

"Ano?"

"Basta sunod ka lang,"

"Tapos libre mo ko ha. Na gugutom na kasi ako, kain tayo sa Jobi."

"Sige frets, dyan ka lang ha mag hintay ka rito , madali lang ako 5 mins."

"Ay! Ganun frets mang-iiwan?"

"Wala pa kasi akong pera ngayon, tipid-tipid muna sa allowance."

"Mmmm" snob. "Kwek-kwek nalang maya kay Manong Estong! Ka inis!" nag ismid pa ang loka-loka.

"Iyun naman pala eeh!"

Hahay…mahaba-habang harutan. Nag madali na kaming pumasok sa mall at agad kong tinungo ang NBS (National Book Store) iniwan ko na lang si Cha-cha sa paglalakad ang bagal kasi parang ngayon lang naka pasok ng mall.

"Frets!" sigaw niya sa likuran ko nang papasok na ako sa NBS.

"Ang tagal mo kasi !"

"Alam ko na kung anong bibilhin mo!" humihingal niyang sabi.

"Sige hulaan mo! Kung ma huhulaan mo ililibre kita ng Jobi."

Alam ko namang hindi niya mahuhulaan yun.

"Bibili ka ng -"

"Ng?"

"Diary Ng Pangit!!!"

"Hahahah!" tumawa talaga ako ng malakas. Tawa ng malakas tumawa pa ng malakas!

TiMANG!

Resulta? Ayun, subrang hiya! Naka tingin sa amin ang lahat ng tao na nasa loob ng NBS. Nakakatawa naman talaga 'yung hula ni Cha-cha eh! Basta na tawa ako! HAHA Nakayuko kaming dalawang naglalakad sa loob ng NBS, 'yung iba hindi na tumitingin sa amin, yung iba naman tumitingin pa din. Ang tahimik kaya sa loob ng NBS tapos bigla na lang akong tatawa ng malakas.

"Frets" mahina niyang sabi.

"Oh?" payuko-yuko pa ako.

"Tama ba hula ko? Jobi na mamaya?”

"MALI!" 

Ngumuso siya. Mali naman talaga ang hula ni Cha-cha, iba ang bibilhin ko sa NBS. Ang bibilhin kong libro ay yung librong binabasa ni Starf! Yun, kaso nakalimutan ko na 'yung pamagat, tanging yung cover na lang ang naalala ko. Pakamot-kamot ako sa ulo, ano kaya yun? Fiction? Non-fiction? Educational? etc. At malabo namang teen-fiction 'yun. Para kasing serious 'yung cover, wala namang mukha na nandoon at tanging yung pamagat lang naman.

Kainis! Kinamot ko ang ulo, halos lahat ng naka display na libro tiningnan na namin. 

Wala pa rin dun eh... 

"Frets," hinawakan ni Cha-cha yung sholder bag ko.

Pero focus na focus akong naka tingin sa mga libro na nandoon.

"Frets!" ulit niya. Hindi ko pa rin siya pinansin. "Frets!" medyo malakas-lakas na ang boses niya. "Freeeeeeeetsssss!!" sumabog na ang mayon volcano!

"Ano?!" tumaas ang dalawang kilay kong naka harap sa kanya. Pero siya, dilat na dilat ang matang naka harap sa akin. "Okay ka lang ba frets?" tanong ko.

"10 STEPS TO MAKE HIM FALL IN LOVE"  COMPLETEWhere stories live. Discover now