Ang Pang-Dalawampu't Pito

Start from the beginning
                                    

"Okay, Chrissy. Wala ka nang sinabi..."

Bumaba ang aking mga balikat nang muli nanaman siyang sumuko. Tiningala ko na lamang ang kaniyang katangkaran, at ang tangos ng kaniyang ilong. Napapaisip ako kung ganito rin ba siya sa lahat ng kaniyang mga girls. Ang maging peke sa pagsuko, para maging special ang pakiramdam ng girls.

Kasi iyon ang nararamdaman ko. Espesyal.

"Can I come in? Wala ka namang kasama and you're not sleeping yet so..." Muli niya akong dinungaw. Itinaas nito ang dalang box ng pizza at coffee.

Tumagal ang titig ko sa mga pagkain. Hindi naman ako marunong mag-midnight snack dahil madalas akong diretso sa tulog. Nitong mga nakaraang araw lang hindi dahil, well, siya. Dahil sa kaniya.

Bago pa man tumunog ang aking tyan sa gutom ay pumasok na akong muli sa loob para kuhanin ang susi. Marahan kong binuksan ang gate.

Enjoy, hmm...

Si Ram sa loob ng aking apartment, sa aking sala at nakaupo sa aking sofa ay masakit sa mata. Hindi bagay ang pormal niyang boss attire sa loob ng maliit at marumi kong apartment. Ang presensiya niya ay walang saysay dito. Hindi dapat siya tumapak dito dahil hindi siya bagay sa putikan.

"Sana sa Hilton mo na lang ako pinunta..." Wala sa isip kong sabi habang ngumunguya ng pizza. Nilalaro ko ang takip ng aking scientific calculator.

Dinungaw ako ni Ram sa likod ng aking binabasang reviewers. Nag-aaral ako para sa upcoming remedials. Nagboluntaryo naman itong tumulong. Kinikiliti ng mga maiinit na kamay ang aking tyan.

"Where's that? You want to go there now?"

"E, busog na ako. Next time na lang," sabi ko. 

Madalas kami ni Mirna sa Hilton sa bayan. Hilera-hilera sila at buhay na buhay sa mga ganitong oras. Hindi siguro alam ni Sir Ram ang mga hila-kariton. Napangisi na lang ako.

Ang sala ang saksi sa aming naging review. Naka-indian seat ako (syempre, nakatapal ang isang throwpillow, aba) at kaharap si Ram na hawak ang aking mga handouts.

Para siyang teacher. Ang sarap pakinggan ng kaniyang diction, para akong natutunaw sa kaniyang boses. Gusto kong ipasuot sa kaniya ang salamin para alamin kung bagay din ang look niyang ganoon.

Lahat naman ay bagay sa kaniya. Kahit na nga siguro hindi ito maligo ng isang linggo at magsuot lamang ng gutay-gutay na damit ay pagkakaguluhan pa rin siya ng mga girls. Tsk!

Napahikab ako nang sumagot ng termino sa kaniyang tanong.

Sumandal ako sa arm rest ng maliit kong sofa. Gusto kong humiga at iunat ang aking mga paa ngunit nahihiya ako. Nahihiya na nga akong naririto siya sa loob.

Nakatingin ito sa manual ko at bumaling sa akin. Nahuli ako nitong naghihikab. Pumula ang aking mga pisngi.

"You should probably sleep, Chrissy. Its already late. This is enough for tonight." Binaba ni Sir Ram ang manuals ko at umiling. Pinagpatong nito ang lahat ng mga papers at maingat nitong sinilid iyon sa ilalim ng coffee table.

Natuon ang aking pansin sa kaniyang mga kamay. Malaki ang mga iyon at may kaputian. Umakyat ang aking tingin sa mga balahibo nito sa matigas na braso. Gumagapang ang ebidenteng mga ugat doon.

"O-Okay..."

Habang inaayos niyang mabuti ang aking mga gamit ay hindi ko mapigilan ang pagsulyap dito. Sa kaniyang preskong clean cut na buhok. Sa kaniyang malalantik na mga pilik-mata. Sa kaniyang panga na nadedepina pa lalo kapag umiigting.

Bumaba muli ang aking tingin sa kaniyang braso. Tila ba sa tigas nito ay gusto ng kumawala sa long sleeves. Kahit ganoon ay magaan pa ring tingnan ang pag-aayos niya sa mga papers.

The PristineWhere stories live. Discover now