Final Chapter

912 20 7
                                    

“Okey ka lang?” tanong sa’ken ni Gemma habang nakatitig lang ako sa kawalan.

            Tumango lang ako habang pinaikot-ikot ko yung bote ng beer. Pangatlong bote ko na magmula pagdating namin dito sa paboritong naming inuman session. Hindi sila ang nagyakag. This time, ako naman ang nakiusap sa kanila na damayan ako. Mabuti na lang at lahat nakasama. Tig-iisang text lang ang kelangan, hindi na sila nagdalawang-isip pa.  Ilang oras lang ang lumipas, heto at halos nasa kalagitnaan na kami ng kwentuhan. At matinding kalungkutan. Ikinuwento ko na rin sa kanila ang buong istorya at detalye ng pag-e-mo ko ngayon. Naintindihan naman nila. Walang biruan o asarang nagaganap. Nangingibabaw ang seryosong usapan habang pasulpot-sulpot ang mga tanong na matipid ko namang sinasagot.

            Makalipas ang ilang araw simula ng pumunta sa bahay si Carlo, bumalik siya kagabi para ibalita sa’ken na nailibing na si Hannah. Ipinaliwanag nitong huwag akong papuntahin sa libing, bilang huling request na rin. Iilang kaanak at kasamahan sa trabaho ang dumalo sa libing. Tatlong araw lang ang burol. Nakarating naman daw ang tatay nito na galing pa ng probinsya.

            Hindi na rin nagtagal si Carlo. Matapos ilahad ang kwento at kaunting paliwanagan, mabilis na itong umalis lulan ng sasakyan. Naiwan naman akong tulala at masamang-masama ang loob. Ramdam kong automatic kumawala sa mata ko ang tatlong patak ng luha na umabot hanggang baba. Ang akala ko pa naman, makikita ko si Hannah hanggang sa huling sandali. Pero huli na nga ang lahat. Siguro sinadya niya yun para yung huling imahe niya ang nakatatak sa isip ko.

            Ilang araw ko sinubukang hanapin siya sa mga kalapit na ospital. Bigo ako. Naghahanap ako ng isang tao na pilit naman akong tinataguan. Kaya sa bandang huli, sumuko ako. Tinanggap ko na lang ang katotohanan na ayaw na talaga akong makita ni Hannah.

            “Dude, inom ka lang kung sa tingin mo makakabawas yan sa sama ng loob mo,” sabi naman ni Bino.

            “Oo nga. Wag ka mag-aalala, sagot na namin ‘to.” Dagdag naman ni Diego.

            Matipid na ngiti lang ang tugon ko.

            “Kaw kasi, di ka nagkukuwento. E di sana nakatulong kami sa’yo kahit papano…” paninisi naman ni ate Precy. “But it’s okey. We understand naman.”

            “Sure ka bang okey ka lang?” tanong naman ni ate Lenny.

            “Guys, okey na ko na nandito kayo. Baka ma-paranoid lang ako sa bahay kung magkukulong ako dun.”

            Pero ang totoo, shocked pa rin ako sa nangyari. Hanggang ngayon, hindi ko ma-imagine na wala na si Hannah. Literal na nawala. Tuluyan na talagang nawala.

            Ganito pala ang feeling ng namatayan, lalo na mahal mo. Parang may basag na bote ng alak na nakatarak sa puso ko, habang pigil na pigil naman ang luha ko na kumawala. Tinatangay ng hangin sa kung saan ang isip ko na parang naghahanap ng pakikiramay sa mga taong pareho lang ang sitwasyon. Pilit iniibabaw ang mga masasayang alaala laban sa maikling panahon ng sama ng loob at kalungkutan.

            Kelangan ng tanggapin ang katotohanan.

            “Kung gusto mo, magplano tayo ng out of town para naman makapag-unwind ka,” Suhestiyon ni Gemma.

            “Oo nga! Magandang idea yun dude!” dagdag ni Bino.

            “Call ako diyan.” Sabi naman ni Diego, kasabay ng pagsang-ayon ni ate Leny at ate Precy.

            “Next time na lang siguro. Mahirap na, baka hindi ko rin ma-enjoy…” sagot ko.

            Hindi rin sila namilit. Inom at tagay na lang ang naisagot nila.

Ang Babae sa Kabilang PintoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon