Chapter 11: Brownout sa piling ng summer

760 8 2
                                    

Lumalalim na ang gabi, pero parang tanghali ang simoy ng hangin. Malagkit sa singit. Badtrip sa pakiramdam. Tantiya ko, malapit nang mag-alas dose. Nangako pa naman ako sa sarili ko na magpapahinga ako at gagawa ng muta na sinlaki ng buto ng kalabasa at hihilik ng walang pakelam. Kahit ilang beses ko pa makita si kamatayan sa panaginip o bangungot ayos lang. Hindi pa ko nakakabawi sa puyat kahapon. Ina-advance ko na ‘yung energy ko para bukas. Nilalabanan ko ang sarili ko ng dahil sa katabi kong babae ngayon.

Pero wala naman siyang imik. Seryoso mode na. Bawat salin ng alak sa baso, kasunod agad ang tungga. Parang sayaw na nga ‘yung steps niya at konti na lang, makakabisado ko na. Parang balewala sa kanya ang lasa ng alak, at wala siyang pakelam kung mainitan man ang pakiramdam niya at lumagkit din ang singit niya. Ang mahalaga lang ata eh makontrol niya kung ano mang poot o ‘bitter’ ang nararamdaman o naiisip niya ngayon. Hindi pa nga ako sigurado kung luha ba ‘yung nakita ko sa bandang ilalim ng ilong niya o nakawalang sipon.

Hindi ako sanay sa ganitong eksena. Seryoso. Kaya nga madalas ayaw ko ng mga dramang pelikula. O yung mga pang-Academy award ang tema. Hindi ko matagalan. Naboboring ako. Hinahanap ko yung parteng interesante. At pilit kong inuunawa ang subtitle kahit pareho kaming naglolokohan lang ng grammar.

Kanina lang okey pa ‘yung usapan. Nakakasabay pa ko. Nakakangiti. Nakakatango. Nakakapagbigay pa ng komento. Pero ngayon? Ano ang ikokomento ko sa kalagayan niya?

Tantiya ko, ¼ na ang bawas ng alak sa boteng hawak niya, pero wala pa rin akong script. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot. Baka konting mali ko lang, matutulog akong may bubog sa noo at amoy bulok na ubas ang damit. Mahirap magpanggap na makakapagbigay ako ng advise na maganda sa kanya para lang magbago ang mood niya.

Hindi ako ‘yun. Hindi ako katulad ng ilang mga DJ sa radyo na kayang-kayang umunawa at magbigay ng suggestion o advise habang umiiyak ang caller nila. ‘Yung tipo bang kahit ikaw (oo, ikaw!) na hindi naman DJ eh kayang magbigay ng simpleng solusyon sa pribadong problema na ewan kung bakit kelangan pang i-broadcast at ipagkalat sa himpapawid na “hindi ako pinapansin ng crush ko!”.

At bakit kelangang dumaan pa sa ganun?

Minsan hindi ko maisip kung bakit kelangan pang magpalaki ng bill sa telepono at makipagunahan sa iba pang mga caller na sabik marinig ang boses sa radio, sa ngalan ng advice sa isang sikat na DJ, na sa huli eh hindi rin naman sinusunod o nasusunod. Hindi ko alam kung anong satisfaction ang nakukuha ng isang caller matapos itong lait-laitin, sigaw-sigawan, sermunan na parang sariling magulang at minsang haluan na rin ng bastusan. Yung green na usapan. Ano naman kaya ang napapala nila sa ganun? Panigurado may mga kaibigan naman sila o magulang na handang magbigay ng advice kahit hindi namamawis ang tenga sa telepono, live pa. O mas cool kung ibo-broadcast ang “sobrang pribadong problema”. Hindi na ata sapat ang pagpo-post sa facebook ng seryosong status para lang makatawag-pansin at atensyon. Hindi ata sapat ang comments at likes lang. Kelangan ata dumaan ng transistor at ng sattelite ang hinanakit para mas madrama at talagang aagaw ng atensyon.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, isang gabi sa bus (hindi ko na matandaan kung saan ako papunta nun) nakarinig ako ng usapan ng isang DJ at caller sa isang sikat at number 1 daw na radyo, ayon sa survey. Pero ayun naman sa tenga ko, mga 3 o 4 ata silang nagsasabi na number 1 daw sila. Isang segment ata yun sa radyo na pwede kang humingi ng advice, opinion, suggestion o kahit na simpleng quotes kung hobby mo ang kumain ng lamok s hapon. Medyo okey na ring pamatay ng oras dahil sa nakakainit ng ulong traffic. Pero kahit utusan ko ang sarili kong ear drum na pansamantalang ihinto ang gawain nito sa katawan ko, ‘wag lang makarinig ng usapang ‘seryoso’, hindi ko maiwasan. Talo ako sa umaalingawngaw na boses ng DJ at caller sa loob ng bus na bukod sa kulob na, halo-halo pa ang amoy. At enjoy na enjoy naman ang ilang mga pasahero. Pati na yung drayber na nakalimutan ng apakan ang clutch sa pagmamaneho. Yung konduktor naman, mali-mali na sa pagsusukli habang nagpupunas ng sipon at luha kakatawa. Ilang beses pa kong tinangkang singilin. Bale ganito ang eksena:

Ang Babae sa Kabilang PintoWhere stories live. Discover now