Chapter 3: Social life din pag may time!

823 13 0
                                    

Eto na siguro ang isa sa masayang sandali para sa mga tulad kong empleyado: UWIAN. 9:57 pm. Tatlong minuto pa at makakalanghap na naman ako ng samu’t saring hangin ng Muntinlupa. Unti-unti ng umiingay sa production, retouch ng mga kababaihan at pagpaplano ng mga adan para sa isa na naman gimik na nangangamoy alak.

            “Sama ka ba?” tanong mula sa kaliwang kapwa empleyado.

            “Saan?” takang tanong ko naman. Wala naman akong nababalitaang anumang gala o usapan sa nakalipas na walong oras. Baka sa kabilang buhay?

            “Shot daw. Diyan lang naman sa baba, ‘yung malapit sa mamihan?”

            “Pass muna ko p’re. ‘Lam mo naman kakagaling ko lang sa sakit”. Pasado alas-diyes na. Pakiramdam ko eh nagwawala na ang mga energy ko sa katawan, samantalang parang gusto ko ng lumuha sa antok at bagot mula pa kanina.

            Wala namang bago sa uwian, pero bakit parang laging exciting? Siguro nga kasi nakatapos na naman ako ng isang araw na may kita at naging kapaki-pakinabang, kahit papano. ‘Yung pakiramdam na nakaubos ako ng ilang oras na may kwenta.

            Sa totoo lang, hindi naman ako magala. Marami ang nakakaalam na hindi talaga ako nagsasasama sa mga inuman session. Boring nga daw akong tao. Ang alam ko lang na social life ay manuod ng sine. Mag-isa. At wala akong nakikitang masama sa ganung style. Hindi pa ako nakapunta sa sinehan na bawal ang walang leading lady. Ano’t ano man, kikita pa rin naman ang pelikula kahit punuin nito ang sinehan ng puro ‘boring’ na tao.

            Dati naman akong manginginom at bumubuga ng usok. Sa’n pa nga ba magsisimula ang alamat ng bisyo ng isang tao kun’di kadalasan sa mundo ng high school? Pwede na sigurong isisi sa inggit, curiosity at pakikisama kaya nadaanan ko ang paboritong hobby ng high school life. Boring ka nga naman kung ang lahat ng nasa paligid mong kapwa estudyante eh naglalaro ng usok at nicotine samantalang amoy chewing gum naman ang bibig ko. Madalas pang ganun ang eksena sa isang munting basketball court, ilang dura lang ang layo mula sa mataas na paaralan kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganun kabilis ang impluwensya, good o bad man. Kumpulan ng mga animo’y nangangarap maging action star. Kung sino man sa grupo ang unang ia-add sa account ni Kamatayan pag dating ng araw, walang makakapagsabi. Basta sa mga oras na ‘yun, ang yosi ay may kalakip na salitang “enjoy” at “cool”. At kung suspindido man ang klase (‘yun ang magandang balita sa karamihan), automatic na magkakaron na ng kasunduan na dapat may maganap na inuman. Eh ano pa nga bang pwedeng gawing social life ng mga karaniwang estudyante na hindi rin naman ganun kalaki ang allowance sa bulsa?

            Pero hindi rin naman nagtagal at hininto ko na ang pakikisama sa dalawang bad influence. Simula ng makatapos ako ng vocational course, inayawan ko na si yosi. Bakit? Kagustuhan. Sariling kagustuhan. Hindi ko kelangan ng pray over o ng kahit anong signos mula sa alapaap. Basta tinapos ko na siya. Ayaw ko na. Hindi na masaya. Dumating sa puntong wala na ang salitang enjoy, cool at excitement. Parang wala naman akong napapala. Naitanong ko na nga minsan sa sarili ko kung bakit may hawak akong pinatuyong dahon na may baga. Na alam ko naman na sa darating na panahon, isa siya sa pwede kong sisihin kung bakit hindi na ko healthy at madalas makita sa mga diagnosis ng doktor. At kung bakit nasasabihan ako minsan ng ‘bad breath’.

            Ewan ko, pero parang wala naman talagang benepisyo ang yosi. Kumpara sa alak na…well…nagdadala ng kasiyahan at pansamantalang tapang. Pero ang yosi? Parang wala naman. Parang seryoso lang kausap ang mga taong bumubuga ng usok. Parang kagagalang-galang na men of authority na hindi naman. Pero mantakin mo bang meron palang health benefits ang yosi gaya ng:

1.      Smoking lowers risk of knee-replacement surgery.

Smoking lowers risk of Parkinson's disease

Ang Babae sa Kabilang PintoWhere stories live. Discover now