Chapter 22: Bedscene

793 5 0
                                    

“…Crazy for you…Touch me once and you’ll know it’s true…I never wanted anyone like this…it’s all brand new…you feel it in my kiss…I’m crazy for you…crazy for you…”

                Banat ni ate Precy sa videoke. Lalong umiikot ang ulo ko habang pinapanuod siyang palakad-lakad habang kumakanta. Wala na rin sa sarili. Nakailang tagay na kaya ‘yung lakas ng loob sa paghawak ng mikropono, parang pawis na hindi na napigilang lumabas. Pupungay-pungay na rin ang mata at anytime, pwede na siyang kaladkarin papuntang kwarto. Halata sa boses ang resulta ng alak. Yung ibang mga kasama ko naman, tuwang-tuwa sa performance at sinasabayan din siyang kumanta paminsan-minsan. Yung tagay ng alak, maya’t maya din ang dating. Lahat kami may sapi na ng alkohol, maliban kay Gemma na hindi pwedeng tumikim ng alak o maglasing. Mahina daw ang tolerance niya sa alkohol, kaya nilalasing na lang ang sarili sa pagpapak ng mga inihaw at iced tea. Ako naman, parang sabog sa katol na hindi maalis ang ngiti dala ng kalasingan. Halo-halo na din ang nararamdaman ko. Inaantok na nasusuka na nahihilo na natatae. Wala na atang espasyo ang sikmura ko. Anumang oras pwede na kong dumura. Sobrang lakas na dura na bukod sa laway, may kasama pang mga nginuya-nguyang pagkain magmula kaninang tanghali. Kaya hindi ko na rin magawang mamulutan.

                Mabuti na lang talaga at medyo madilim na nung nagsimula ang session. Dala ng pagkabusog at pagod sa byahe kaya napagkasunduan munang umidlip para makapagpuyat. Ang kaso, nasarapan sa pagkakaidlip kaya pare-parehong naging tulog yung idlip. Solo lang ako sa kwarto kanina, kaya hindi ko na rin alam kung ano man ang eksena ng tulog nila kanina.

                “Ang tagal ng tagay!” sigaw ni Bino na parang naghilamos ng atsuete sa pagkapula.

                “Kanino na ba?” tanong naman ni Diego habang namimili ng kanta.

                “Si ate Leny na…” sagot ko.

                “Asan ba si ate Leny?” tanong naman ni Bino.

                “Nag-cr lang…” sagot naman ni Gemma.

                 Natapos na din yung kanta. Palakpakan naman kami, moral support. Baka magwala kung sakaling hindi niya maramdaman ang appreciation namin sa performance niya. Diri-diretso siyang umupo malapit sa pwesto ni Bino. Susuray-suray na rin maglakad.

                “Kanino na ‘yung tagay?” medyo malakas na yung boses ni ate Precy. Alam na.

                “Si Ate Leny na. Tagal mag-cr. Sumuka na ata…” sagot ni Gemma.

                “Kaya mo pa ba? Pulang-pula ka na ate…” tanong ko naman.

                “Shot lang ng shot, punyeta! This is our night!” mataray pero nakangiting sagot.

                Medyo nagtawanan kami.

                “Shot pa!” sigaw naman ni Bino habang winawagayway ang bote ng alak at yosi.

                Hindi ko na din alam kung nakakailang bote na kami. Sinimulan sa brandy. Nung naubos, naglatag naman ng isang case ng beer. Kaya ang resulta, senglot lahat ng sunog-baga. Dinaig pa naman yung mga naglalasing sa beerhouse. Maingay na yung videoke, sigawan pa yung paguusap namin. Kung nasa beerhouse kami, hindi na ko magtataka kung kami ang pagmulan ng riot.

                “Natulog na ata si ate Leny. Kanina pa yun e…” sabi ni Gemma.

                “Malamang…kanina pa ata basag yun.” Sagot ko naman.

Ang Babae sa Kabilang PintoWhere stories live. Discover now