Chapter 25: Love Triangle?

764 8 0
                                    

“Hello? Hello kamote? Asan ka?”

            Bwisit. Istorbo.

 

            Ano na naman ba kelangan ng babaeng to?

            Kasalukuyan akong nakaupo sa trono. Nilalaro ang cellphone. Nagbabawas ng basura sa tiyan. Puro basura, kasi de-latang karne at kropeck na sinawsaw sa makatulong-sipon-sa-anghang na suka ang ulam kagabi. Tinamad magluto ng hapunan si ate kaya umasa na lang sa mga “no cook” at instant. Pero okey na din. Na-miss ko kumain ng basura para maiba naman. Naparami pa yung konsumo ko ng kanin kaya taob sa lababo yung kaldero. Parang kagabi na lang ulit ako nakakain ng mahusay. Kaya eto, busy ang pwet ko sa pagbagsak ng ‘atomic bomb’ samantalang abala naman ang mata at daliri ko sa paglalaro. Nakaugalian ko na ’to, bukod sa pagdadala ng kahit anong pwedeng basahin tuwing ganito ang session. Wala lang. Pati ata pagtae, naiinip ako. Hindi lang naman siguro ako ang gumagawa nito.

            Halos isang buwan na ang nakalipas simula ng may mangyari sa’min ni Hannah. At nagsimula na nga dun ang…hmm…ewan kung istorbo o bonding. Pano ba naman, madalas niya kong iniistorbo sa mga oras na umatake ang topak. Kahit anong klase ng topak, basta nangati ang dila at paa, lagi akong kinakaladkad. Ang badtrip na parte, madalas alanganing oras kung magaya. Tinataon pa sa mga araw na wala akong pasok. Gaya ngayon, araw ng linggo at alas-otso pa lang ng umaga. Hindi pa sana ako babangon kun’di lang talaga nag-alburuto ang tiyan. Ugali ko pa namang gumising ng alanganing oras tuwing araw ng pahinga. Pero nitong mga nakaraang araw at linggo, simula ng may mangyari sa’min dalawa, parang lagi ng busy ang imbis na araw ng pahinga.  Pati paglabas ko ng sama ng loob, nadamay pa.

            Sa loob ng halos isang buwan, maraming beses na kaming nagde-date, pero hindi ko pa man siya tinatanong, may ‘advanced warning’ na siya sa paglabas-labas namin. Wala daw kahit anong relasyon sa’min dalawa kahit manuod kami ng sine, kumain sa labas o pumunta sa isang lugar na matripan niya. Sali mo na pati motel. Basta magkasama kami kahit ano at saan niya gustuhin, hindi kami. Walang salitang ‘kami’. Walang commitment at obligasyon na salitang ‘I love you’. Bawal ang holding hands at akbay-akbay portion. Madalas man kami nagkakangkangan, pero hindi sapat na dahilan para maging kami. At yun ay ayon na rin sa sarili niyang batas. “Mahalaga ba sa’yo kung ano man ang status natin dalawa? Is it really important to you, kahit ilang beses na tayo nag-sex?”. Pati yung pauso niyang tawagan naming ‘kamote’, wala lang daw yun. Hindi ko daw dapat isiping endearment yun, kasi hindi nga kami. Bigla na lang daw pumasok sa isip niya ang salitang ‘kamote’, kaya ayun, naging tradisyon na sa’min dalawa.

            Hindi na rin ako naglakas-loob para kwestyunin pa kung ano nga relasyon namin dalawa. Pabor na rin siguro sa’ken dahil wala akong alalahanin at sakit sa ulo. Libre pa ang mga lakad ko, kaya hindi rin ako ligtas kung sakaling mag-alibi man ako na walang budget. Hindi niya daw kelangan ng pera ko, kun’di ako mismo. Pero may mga oras na ayoko sabayan ang trip niya. Nakakatamad at, well, nakakahiya na din. Nagdadahilan na lang ako ng kahit ano, pero mas madalas na hindi ako pinaniniwalaan. Hindi siya nagte-text dahil alam niyang tamad ako mag-reply, at kabisado na niya ang litanya kong “Wala akong natatanggap na text…” o kaya “Delayed yung text mo kaya di ko nabasa aga…”. Kaya puro tawag ang intro niya anytime na tatamaan siya ng topak. Pero dahil mautak ako, pinapatay ko ang cellphone ko pag matutulog. Bahala siya mag-alburuto, basta hindi maiistorbo ang pagtulog ko. Pag ganun ang siste, alam na niyang iniiwasan ko siya kung ano man ang trip niya, kaya may mga araw na hindi nagpaparamdam. Pero hindi rin naman nakakatiis, siya din naman ang unang sumusuko. May halong paninisi at pangongonsensya kaya talo din ako sa huli.

Ang Babae sa Kabilang PintoWhere stories live. Discover now