[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 2: THE TRUTH OF IT ALL

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sa una akala ko wala lang 'yun. Na baka sinusubukan niya lang kung hanggang saan ang kaya ko. Pero hindi eh. Araw-araw niya akong pinahihirapan. Parang hindi nga ako tao na nage-exist sa kanya. Tao din naman ako, may pakiramdam din ako. Nasasaktan din ako." sabi niya.

"Akala mo kung sinong magaling eh. Kahit na tama naman ang ginagawa ko, binabasura niya lahat ng 'yun. Hindi niya pa nga tinitingnan, binabato at itinatapon na niya kaagad. Ang masaklap pa dun, sinisira niya pa sa harap ko mismo. Alam niya ba kung gaano ko pinaghihirapan ang mga pinapagawa niya? Hindi na nga ako natutulog at sinikap kong maging perpekto ang bawat gagawin ko. Umaasa ako na baka balang araw, makita niya din ako. Na i-acknowledge niya din ang kagalingan ko." sabi niya.

"Hindi ko nga alam kung bakit ganun ang ginagawa niya sa akin eh. Napakalaki ng galit niya sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya." sabi niya.

"Bakit? Dahil ba magiging ka-kumpetensiya niya ako balang araw? Dahil baka mapalitan ko siya balang araw? Dahil baka lumubog na siya? Huh! Takot lang siya! Natatakot siya na baka maungusan ko siya dahil alam niya sa sarili niya kung gaano ako kagaling!" sigaw niya.

"Masama bang maging sobrang matalino? Masama bang maging genius?!" habang sinasabi niya ang mga 'yan, tumatawa siya. Maya-maya, lumapit siya sa akin. Lumabas ang upuan sa harap ko at umupo siya dito.

"Iyang tatay mo ang punong dahilan kung bakit ako naging ganito. Sinira niya lahat ng pangarap ko. Hindi ako nakapagtapos ng dahil sa kanya pero hindi naman agad ako sumuko." sabi niya. "Huminto ako sa pag-aaral pero hindi pa doon natatapos ang lahat." dagdag niya.

"Naghanap ako ng trabaho pero lahat sila tinaboy ako. Mukha daw kasi akong weird. Mukha daw kasi akong may sapak sa utak dahil ang dami ko daw nalalaman. Walang tumanggap sa'kin ni isa. Sa twing makakasalubong ko ang mga tao, lumalayo sila sa'kin na akala mo parang may malala at nakakahawang sakit." sabi niya.

Hindi ko alam... wala akong idea na ganyan pala ang pinagdaanan niya.

"Alam mo bang pinagtatawanan ako ng mga taong nakapaligid sakin?! Tinatawag nila akong baliw dahil kung anu-ano daw ang mga ginagawa't iniisip ko. Kasalanan ko bang maging matalino? Kasalanan ko ba na alam ko ang lahat? Halos isumpa nila ako para mawala na sa mundong 'to. Ni magulang ko nga itinataboy ako eh. Ni wala man lang akong suportang nakuha sa kanila." sabi niya.

"Dumating ang araw na napabayaan ko na ang sarili ko. Pero naman hindi ako huminto sa pag-imbento ng mga bagay-bagay. Isinubsob ko lang lalo ang sarili ko sa pagtuklas ng mga bagay-bagay." sabi niya.

Tumayo siya at naglakad. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga hinaing ng mga kaibigan ko. Tumingin ako sa taas at kitang-kita kong hirap na hirap na sila. Napatingin ako kay Kuya nang magsalita na ulit siya.

"Hanggang sa sinabi ko sa sarili ko na panahon na para tumigil kayo. Ako naman. Ako naman ngayon. Makikita niyo kung sino ang tinatapak-tapakan niyo." sabi niya. Napatingin ako sa isang sulok. Nakatayo siya doon habang masamang nakatingin sa akin.

Gusto ko siyang yakapin ngayon. Pero ang pakiramdam ko mismo ang umaatras dahil ayoko uling mangyari 'yung pagtutok niya ng espada sa'kin. Naglakad siya at lumapit uli sa'kin. Nag-iba na ang aura niya. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano kalungkot ang nararamdaman niya ngayon. Maya-maya, nagsalita na uli siya.

"Sa kabila ng lahat ng pang-aapi sa akin, nandyan parin ang kapatid ko. Ang kaisa-isa kong kayamanan at ang dahilan kung bakit pa ako nagpapatuloy. Siya ang laging nagpapalakas ng loob ko. Siya ang laging pumupunas ng luha ko. Siya ang laging nagtatangol sa'kin pero lahat ng 'yun bigla nalang naglaho." pagkasabi niya nun, nagulat nalang ako nang bigla siyang napaluhod sa harap ko. Nagsimula na ring manginig ang boses niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon