33 - I saw you again(*^o^*)

676 17 2
                                    

Chiro's POV


"Asan na kaya sila Rin?" Tanong ko kay Shera, nandito kami ngayon sa soccer field, nag lu-lunch.

"Hindi ko alam, di kaya umuwi sila?" Tanong niya sa akin at kinain yung hamburger na ginawa ko.

Asan na ba yung dalawang yun? Sabi ni Lyndle dito daw kaming apat mag lunch eh tapos wala din pala sila? Ano kayang nangyari sa dalawang yun.

"Shera, samahan mo nga akong kuhain yung gamit ko." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya at bumalik kami sa building para makuha na namin ang mga gamit namin.

Madami dami din pala ang tao dito sa hallway. Puro chis----

"Nakakatakot si Lyndle kaganina.."

"Pag ka tapos nilang umalis, humagulgol ng iyak si Bessie.."

"Grabe, malamang, sabihin ba namang 'If you ever touch her or even look at her, ako ang papatay sayo.' Diba? Sino ba namang hindi matatakot dun?"

"Mag jowa ba si New girl tapos si Lyndle?"

"Maka asta oo eh. Hindi ko alam. Grabe yung ginawa ni Bessie kay Rin, sino ba namang hindi magagalit sa kanya?"

"Hanep! Diba?! Kasi si Lyndle ibang class siya tapos biruin mo, binabantayan niya pala si Rin?"

"Grave talaga! Lahat ng tao nagulat ng naka tayo siya sa door eh tapos shi-nil-dan niya pa si Rin."

"Ano na bang sabi niya dun? Hmmm.. 'Leave her alone, or i'll do the same thing that you did to her.' Putakte halos mamatay na ako ng makita siya eh."

Nag ka tinginan kaming dalawa ni Shera at we gave each other what-the-fudge-is-going-on-look.

Ang daming studyante dito na nag kalat tapos ang topic nila ay si Rin tapos si Lyndle. May nag away na naman ba kay Rin?

"Asan na kaya sila? Okay lang ba yun?" Tanong ni Shera sa akin.

"Oo, si Lyndle pa. Ano kayang ginagawa nila?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Baka nag de-date." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Shera.

"What?" Tanong ko sa kanya

"Grabe, nag jo-joke lang eh. Psh!" Sabi nito na parang bata lang.

Maya maya lang ay nag lakad na kami papa uwi.

"Shera.. Gusto mo bang puntahan muna sila sa bahay?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, tara bisitahin natin!" Pasigaw na sabi niya at pinasan ko siya sa likod ko para maka lipad kaming dalawa.

Andito na kami sa harapan ng bahay, binuksan ko nalang yung pinto dahil wala namang lock to eh.

Tumambad sa amin si Rin na nanonood ng movie at si Lyndle na hinahawakan ang pisngi ni Rin.

"Oh? What are you guys doing here?" Tanong ni Lyndle sa amin.

"Nothing.. Nawala kayong dalawa eh.." Sabi ko sa kanya.

"Aray! Sabi ko dahan dahan lang eh.." Pasigaw na sabi ni Rin, lumapit naman ako sa kanila at si Shera napa upo lang kaharap ni Rin.

"Oh? Anong nangyari sayo? Bakit sobrang pula ng pisngi mo ah?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw ba naman masampal ng dalawang beses eh. Tsk, ang brutal talaga ng babaeng yun." Sabi niya sa akin.

Nag lakad ako papunta kay Shera at tumabi sa kanya.

"Hey Guys, since its saturday bukas why don't we have a sleep over?" Aya ni Lyndle sa amin.

"That would be great!" Pasigaw ni Shera.

"Cool, dito na kami." Sabi ko naman sa kanya.

"Aray ko talaga, takte." Pabulong na sabi ni Rin.

Wait, totoo ba yung sinabi ng mga studyanteng nag chi-chismisan dun?!

Yung si Lyndle daw.

"I'm going to get more ice." Sabi ni Lyndle at nag lakad papuntang kwarto niya.

"Iwan ko muna kayong dalawa." Sabi ko sa kanila ni Rin at sinundan ko si Lyndle.

Pag pasok ko sa kwarto ni Lyndle, naka ngiti siya ng parang gago.

"Anong nangyari ah? Bakit wala kayo sa school?" Tanong ko sa kanya.

"May nang away kay Rin, ayun, inaway ko rin." Sabi nito na parang na bo-bored lang.

"Si Bessie?" Tanong ko sa kanya since its the chismisan told me.

"Yeah? How do you know?" Tanon niya sa akin.

"Lahat ng students, kayo ang topic. Ano ba kasing nangyari kay Rin?" Tanong ko sa kanya

"Ayun nga, sinampal ni Bessie tapos sinabunutan. Tapos tatadyakan niya na sana si Rin but I put a shield in front of her." Sabi ni Lyndle

"Wow! Hanep! Super Hero ni Rin nandyan na." Pabiro ko sa kanya.

"You don't wanna know what happened after that." Sabi nito sa akin.

"Huh? Come on! Tell me bro! Putakte naman oo!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

Nag lakad naman siya papunta sa pinto at ni lock ito.

"I kissed Rin."

"YOU DID WHAT?!" Totoo ba to?! Muka pa siyang masaya eh!

"Yeah! I kissed her sa soccer field!" Pasigaw niyang sabi sa akin habang tumatalon na parang bata sa kama niya.

"For how long?" Tanong ko sa kanya.

"1 minute din, ang tagal grabe ang sarap sa feeling!" Pasigaw niyang sabi sa akin.

"Putakte, totoo ba to?" Tanong ko sa kanya

"Oo nga! Kaya nga hindi na kami pumasok eh!" Pasigaw niyang sabi

"So nag halikan kayo mag damag?" Nung pag ka sabi ko nun, binatuhan niya ako ng unan.

"Green minded kang demonyo ka, malamang ginamot siya!" Pasigaw niyang sabi sa akin.

"Sorry, kala ko iba eh. Hahaha!" Pasigaw kong sabi

"Psh!"

"So? Kayo na?" Tanong ko sa kanya.

"No, sabi niya ligawan ko daw siya. Tsk, taong bundok nga naman." Masungit na sabi nito.

Shera's POV

"EIIIIIIIIIIIIII!" Tili ko habang kwinekwento ni Rin ang nangyari kaganina sa school.

"Hush! Marinig tayo eh." Sabi niya habang naka smile.

"Ah, sorry! Eii! So kayo na?" Tanong ko sa kanya.

"Psh! Sabi ko sa kanya mang ligaw muna siya." Sabi niya sa akin habang ang pisngi niya ang pulang pula na.

"Kakilig kayong dalawa! Eiiii! Hindi ko mapigilan!" Pasigaw kong sabi.

"Ako nga rin eh, hindi ko akalaing gagawin niya yun. Sabihan niya bang mahal niya ako." Sabi nito

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya

"Syempre sabi ko mahal ko rin siya." Napa hawak ako sa mouth ko at dun tumili.

"Kyahh! Grabe, how long is the kiss?" Tanong ko sa kanya

"It was about like hmm.. 1 minute."

"Ang tagal! Ahhaha! Grabe, psh! Ang swerte mo." Sabi ko sa kanya.

"Hahaha, ikaw talaga at----------" biglang napa tigil si Rin sa pananalita niya at nanlaki ang mata nito sa tinitignan niyang direksyon.

Tinignan ko yung bintana kung san siya naka tingin...

Muntik nang lumabas ang mata ko sa nakita ko..

"Chiro!!!!" Sigaw ko

"Lynde!!!!!!" Sigaw ni Rin

It was Jamie standing outside the window... Halatang galit na galit siya.

Sinuntok niya yung window dahilan kung bakit ito nawasak.

Kinoveran ko si Rin para hindi siya masaktan. Anong ginagawa ni Jamie dito?

" Sorry, they can't hear you.." Sabi ni Jamie, no way...

"Wag kang lalapit sa amin." Madiin kong sabi sa kanya.

Hindi man lang siya nag react, naka tingin lang siya ng masama kay Rin.

"Were going back." Sabi ni Jamie

"No, I don't want to." Sabi naman ni Rin sa kanya. Mag ka kilala ba sila?

"Chiro! Lyndle!!!" Sigaw ko sa kanila. Putakte asan na ba yung mokong na yun?!

"I already told you! They can't hear you!" Sigaw ni Jamie at tumawa siya ng malakas.

"You're crazy!" Sigaw ni Rin sa kanya.

"Ohhh.. No. Atleast hindi ako malandi, alam mo ba kung sino sumapi sa babaeng nanampal sayo? Hmm.. Take a guess Rin." Nanlaki ang mga mata ni Rin sa sinabi niya.

"So ikaw yung babaeng yun! Puta ka ah!" Sigaw ni Rin.

"Ikaw yun. Ah, si Lyndle. Bakit siya pa ang nag ka gusto sa isang taong bundok na kagaya mo?" Tanong ni Jamie na parang nandidiri siya.

"Maybe bacause he loves me, and ofcoures I'm prettier than you." Muntik na akong natawa sa sinabi ni Rin sa kanya, para kasi siyang bata kung umaway.

"Stop! I had enough of you!" Sigaw ni Jamie at tumakbo siya papunta sa amin.

Bago pa siya maka lapit sa amin, I froze her feet para hindi niya kami masaktan. Pero hindi ito effective dahil sa sobrang lakas niya, tinaas niya lang ang paa niya at natanggal ang mga yelong naka balot dito.

Tumakbo kaming dalawa ni Rin papunta sa kusina. At saktong pinag babasag ni Jamie ang mga nakikita niya.

"Rin! Shera!" I heard Chiro's voice

"We can't get out!" Sigaw ni Lyndle

"Si Jamie! Get out of there!!" Sigaw ni Rin.

Chiro's POV

"Tara balik na tayo, baka naiinip yun eh." Sabi ni Lyndle sa akin.

Binuksan ko yung pinto...

"Hmm.. Lyndle.. Ayaw bumukas ng pinto.." Sabi ko sa kanya.

"No way, get out of there." Sabi ni Lyndle at pinag tatadyakan ang pinto.

"What the heck.." Pabulong na sabi ni Lyndle.

"Rin!!! Shera!!!" Sigaw ko habang sinusuntok ang pintuang to. Takte. Parang may mabigat na naka harang eh.

"We can't get out!!" Sigaw ni Lyndle

"Si Jamie!!!! Get out of there!!" Narinig na sigaw ni Rin.

"Fuck.." I heard Lyndle whispered.

"We need to get out!" Sigaw ni Lyndle.

Pinag susuntok ko naman yung pinto. Bigla kaming naka rinig ng mga gamit na nalalaglag at nababasag.

"Bilis!!!" Sigaw ni Lyndle

"Putakte! Tulungan mo kaya ako?!" Sigaw ko sa kanya. Hala, si Shera!!

"Tabi nga jan!" Sigaw niya at pinag tatadyakan ang pintuan.

"Wait!" Sigaw ko sa kanya

"Bakit?" Tanong nito

"Tabi jan." sabi ko sa kanya at tumabi naman ito sa gilid.

Pinag dikit ko ng di kalayuan ang aking kamay at nag create ako ng isang malaking apoy na bilog at pinasabog ito sa pinto dahilan kung bakit nag create ako ng malaking bilog sa kwarto ni Lyndle.

"You miss the spot! Bakit sa dingding?! Diba sa pinto?! Hay! Ikaw talaga ang mag aayos nyan!" Sigaw niya sa akin at tumakbo na kami papuntang baba.

At saktong nakita namin si Shera na kinokoveran si Rin habang si Jamie naman ay naka tingin sa amin.

"Its over Jamie, I'm not gonna fall for it anymore." Madiin kong sabi sa kanya at lumungkot naman bigla ang muka nito.

"No... Its not over yet..." Pabulong na sabi nito habang naka tingin siya sa dalawang babae.

"Don't do it, trust me." I said it in pain so she could understand me.

"If no one loves me.. Then I have to kill your love ones so were the same." Nambilog ang kamao ko ng sinabi niya yan.

Tumakbo siya papunta kay Shera habang may hawak siya na matulis na bagay. It is not a knife.. Its a sword.

Para hindi matamaan si Shera.. Hinarangan ko siya at ako ang nasaksak sa tagiliran.

"Chiro!" I heard them screamed.

And then I saw Lyndle behind Jamie's back and he did something to it. And then they fought each other.

Nag suka na ako ng dugo.. Yung ispada.. Andito sa tagiliran ko.

Pero kinimkim ko ang sakit. Nilahad ko yung kamay ko at nag pakawala ng malakas na hangin dahilan kung bakit tumalsik si Jamie sa albas ng bahay.

"Chiro.." A girl whispered..

I closed my eyes then finally saw her..

I did'nt see her for a mean while..

She looks exactly the same..

She ran up to me and hug me.

"Am I dead?" Tanong ko sa kanya

Bigla anamn niya akong kinaltukan.

"What makes you think that?" Tanong nito.

"Kasi, naka barong na ako eh." Sabi ko sa kanya, no way, ang gwapo ko dito ah.

"Gagu, hindi kapa patay!" Sigaw nito.

"Hayyy. Pagod na ako." Sabi ko sa kanya.

"Tsk! Paano na si Shera mo?" Namula ako sa sinabi niya. I-ni-istalk ba ako ng babaeng to?

"Hahaha, Lian naman, mamaya na ako babalik." Sabi ko sa kanya.

"Yeah, matagal na rin kasi tayong hindi nag kita." Sabi nito.

"I'm so tired.." Bulong ko

"I know.."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(AN: Sorry kung ngayon lang ako na ka pag UD. Sobrang busy po kasi ako sa school eh tapos may mga homework pa! Hay! Gabi na rin dito sa Alaska eh! Hihihi. Salamat po, Love you guys! Keep voting and reading! Comment po kayo kung may mga tanong at suggetions po kayo! :D God Bless Philippines and America! <3 Goodnight! -LeanB.)

The Ultimate BattleWhere stories live. Discover now