24 - Cross Path

732 18 6
                                    

Chiro's POV

"Shera!!!" Sigaw ko habang hawak hawak ang katawan niya.

"Kuya dito ka!" I heard Jamie's voice. Napa tingin ako sa kanya.

Puno ng galit at inggit ang mga mata niya.

"Leave us alone." Madiin kong sabi sa kanya. Bigla naman may nag pakitang lalaki banda sa gilid niya at hinawakan siya sa balikat.

"See Jamie? He does'nt need you." Sambit ng lalaki..

Wait.. Its Cyrus.

I heard Jamie sob. So si Jamie nga ang nag gawa ng ganito kay Shera.

Hinawakan ko ang pisngi ni Shera, she looks uncomfortable..

"Kuya I'm sorry.." Pabulong na sabi ni Jamie habang lumalapit saming dalawa ni Shera.

Lumayo naman ako sa kanya habang hinihila si Shera.

"I don't need you."

Nanlaki ang mga mata niya ng sabihin ko iyon. Hindi ko sinasadya ito..

"But... Kuya... This is Jamie.." Sambit niya habang tumutulo ang luha niya.

"Get away from us!" Sigaw ko sa kanya, pilit ko siyang nilalabanan dahil ang kahinaan ko ay ang makita siyang umasta ng ganyan.

"(Sob) Why are you doing this to me?!" She's crazy, si Cyrus naka ngiti lang habang pinapanuod kami.

"You did this to your self." Sambit ko sa kanya. Her eyes turned blue with silver. Nakakatakot siya. Ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko.

Lalapit na sana siya para suntukin ako pero may nag lagay ng shield sa aming dalawa ni Shera. Tumingala ako at saktong nakita ko si Lyndle at isang babaeng naka pulupot sa likod niya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Jamie ng makita niya sila. Napa layo ito ng mga limang hakbang.

Tumayo si Lyndle sa harap ko habang hinaharap siya.

"Wag kang lumapit sa amin." Sambit nito sa kanya. Hindi naka tingin si Jamie sa kanya o sa aming tatlo nila Lyndle at Shera. Pero ang sama ng tingin niya sa babae.

Kinoveran naman ni Lyndle agad ang babae.

"Bakit niyo ako kinakampihan..?" Tanong ni Jamie sa amin habang naka tingin siya kay Lyndle.

"Get away from us you demon." Madiin na sabi ni Lyndle sa kanya.

"Why are you doing this? I thought you lo-----" naputol ang sinasabi ni Jamie dahil nag salita bigla si Lyndle.

"I dont." Madiin niyang sabi, lumapit si Cyrus sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"See? They don't need you.." Pabulong niyang sabi.

"(Sob) You're all gonna regret this! Pag babayaran niyo to!" Sigaw sa amin ni Jamie. Pero ang sama ng tingin niya talaga sa babae.

"You too." She mouthed at the girl. Nagulat nalang ako ng hawakan ni Lyndle ang kamay niya. Dahilan kung bakit mas lalo pang nagalit si Jamie.

"Akin siya!!" Sigaw niya sa amin at tumakbo siya papunta sa kinatatayuan ni Lyndle. Buti nalang naka force field kaming apat, pero pinag susuntok ito ni Jamie ng malakas habang patuloy ang pagluha niya.

"Ahhhhh! Huhuhu!! Ahhhhh! Mamatay ka ng babae ka!" Sigaw ni Jamie at patuloy parin siya sa pag susuntok ng force field.

Nagulat kaming lahat, kasi dahang dahang nawawarak ang force field.

The Ultimate BattleWhere stories live. Discover now