6 - Please don't

919 29 0
                                    

Chiro's POV

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Tumunog na yung bell, ibig sabihin, masisipasukan na ang lahat ng students sa class room nila.

Pag pasok palang ng isang babae sa classroom ko.

*O* <~~ Siya Ako ~~> t(-.-t

Nag si pasukan lahat ng kaklase ko, at lahat sila naka tingin sa akin.

"Is he new?"

"Why is he sitting on Chiro's chair?"

"Oh God, he is freaking handsome."

"Kahawig siya ni Lyndle..."

"Wait, dalawa lang ang kapatid dito ni Lyndle noh, si Nerd at si Panget.."

Yan lang naman ang bulungan nila, oh by the way, ako yung nerd tapos si Jamie yung panget. Yeah, or pwede ring pagbaliktarin.

Lahat sila, umupo sa mga upuan nila. May limang babae na pinalibutan ako. Takte, tinititigan pa ako.

Hindi ako sanay na ganito, ang landi landi, so I kept my eye straight on the window and look at the soccer field.

Shit. Hindi na ba nila ako tatantanan?!

"Excuse me, anong pangalan mo?" Tanong ng isang babae, panlandi talaga yung ginamit na boses niya.

"Hindi niyo alam?" Tanong ko, syempre yung pang cool talaga na boses.

"Are you the new kid?" Tanong ni Eliza

"No." Maikling sagot ko

"Then who are you?" Tanong ni Rachelle

"I'm Chiro." Saktong pag sabi ko non, nagulat silang lima.

"He.he.he. You're not Chiro.." Sabi ni Eliza

"Chiro, can you answer this?" Tanong ni Ms. DelaVega, tumayo naman ako bigla at pumunta sa harap.

They are all gapsing. Para namang sobrang nerd ang suot ko nun dati t hindi na nila ako matandaan.

"Ano pong sasagutin ko?" Tanong ko kay Ms. DelaVega.

"Number 5 Chiro." Sabi nito,

Sinagutan ko na ang sinabi niya at pag ka tapos nun, bumalik agad ako sa upuan ko.

Silang lima, nakanga nga.

"Omg......."

"Its Chiro.."

"What the fuck?"

"Chiro? The nerd?"

"How come..."

Bulungan nilang lahat. Ang O.A. Naman nila, nag panibago lang naman ako ng style ah.

Nagulat nalang ako sa may last na sinabi ng bulungan..

"Kamukang kamuka niya si Lyndle..."

Parang hindi naman, mas gwapo pa ako dun. Hahahaha!!!!!

Matapos ang 45 minutes, lunch na. Hindi ako nag lu-lunch sa cafeteria, ayaw ko duon. Sa soccer field ako laging kumakain.

Umupo ako sa may damuhan, bigla kong napansin ang isang kumikintab na bagay malapit sa kamay ko.

Kinuha ko ito, nagulat ako sa nakita ko, isang kwintas... C ang pendant nito.

Naisipan kong isuot ko muna ito, ang ganda kasi eh, halatang luma na pero maganda.

Tsaka lagi naman akong nandito ah? Bakit wala akong na-no-notice na kwintas? Ngayon ko lang talaga ito nakita.

"Kuya!!" Napa lingon ako sa may gilid, si Jamie lang pala.

(Author's Note: Si Jamie po yung nasa gilid ah? Hahaha! Picture niya po iyan.)

Nakita kong nadapa siya.

Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Ang lampa mo naman. Ang flat na nga lang ng tinatakbuhan mo tapos madadapa kapa?" Sabi ko sa kanya.

Pinipigil ko lang ang pag tawa ko.

"I see how it is. Hindi kita bati." Sabi niya sa akin at umupo sa pwesto ko.

"Uyyy, bati na tayo.." Sabi ko sa kanya habang tinutusok yung pisngi niya.

"No." Maikling sabi niya

"Paano kung sabihin ko sayo na nabili ko na yung picture frame na gustong gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

Nakita ko namang nag twinkle yung mata niya.

"Fine." Maikling sagot niya,

"Gusto mo bang kumain?" Alok ko sa kanya, alam kong nagugutom ang isang ito eh.

"Hmm.. Anong dala mo?" Tanong niya sa akin.

Kinuha ko yung bag ko at binuksan ito.

"Hmm.. Sandwitch tsaka tubig." Sabi ko sa kanya, hindi na kasi ako naka pag baon ng madami eh.

"Oh! May dala pala ako! Here! Meron akong spaghetti!" Sabi niya sa akin.

"San ka naman nakakita niyan?" Tanong ko sa kanya

"Binigay sa akin ni Kuya Lyndle. Baon ko daw ito, sabi niya pa nga wag ko daw ikaw bigyan." Proud niyang sabi.

Aba, tarantado yung Lyndle na yun ah?!

"Hehehehe.." I faked laugh.

"I know you want some.." Sabi niya sa akin. Kinuha niya yung tinidor at sinubuan ako na parang bata.

Kinuha ko yung sandwitch na dala ko at pinakain sa kanya. Nag tatawanan lang kaming dalawa.

"Kuya, anong sabi ng mga classmate mo?" Biglang tanong ni Jamie

"Hmm.. Nagulat sila." Sabi ko sa kanya

"Hahaha, I knew it. Grabe Kuya, para kayong kambal ni Kuya Lyndle." Sabi niya sa akin.

"Psh! Mas pogi pa ako dun." Sabi ko sa kanya

"No offense but he has a baby face." Sabi niya sa akin. Grabe to maka pag salita ah.

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

"Papasok na ako sa classroom, pumasok ka narin." Sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya at tumakbo na.

Palagi kaming ganito ni Jamie, mabait na mabait naman siya eh.

Hindi ko siya tunay na kapatid, ang alam niya talaga mag kapatid kami kasi parehas kaming lumaki.

Hayyy, I'm gonna tell her sooner.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Author's Note: Yehey!! Lean was here! Sorry kung kaunti lang yung na UD ko ah? Siguro bukas nalang ulit ako mag U-UD. Hahahah!! -LeanB.)

The Ultimate BattleΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα