9 - Jamie's Weird

880 23 0
                                    

Chiro's POV

"Kuya!!!" Narinig kong sigaw ni Jamie, lumingon ako agad at nakita siya.

Bakit kulay pula ang buhok niya?

Lumapit siya sa akin.

"Bakit red yung buhok mo?" Tanong ko sa kanya, halata namang nagulat ito sa sinabi ko.

"Waaahhhh! Red?!" Pasigaw niyang sabi at hinawakan niya ang buhok niya.

"Sus! Maganda naman ang kulay eh, hayaan mo na." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

Nag simula na kaming mag lakad, nagulat nalang ako ng mag salita ulit si Jamie.

"I know why you did it." Sabi nito sa akin, una naguguluhan pa ako, pero alam ko naman na ang tinutukoy niya.

"Sorry, you got to know that." Malungkot kong sabi sa kanya.

"Sinong nag away sayo Kuya?" Tanong ni Jamie sa akin. Mukang nag aalala ata, halata naman sa muka niya eh.

"Sino pa ba? Edi si Randy." Sabi ko sa kanya na may halong sungit. Grabe naiinis talaga ako.

"Kuya, thanks nga pala ah, pinag tanggol mo ako.." Malungkot na sabi niya.

"Ikaw pa, eh mahal na mahal kita eh." Pabiro ko sa kanya, tumawa naman siya ng mahina.

"Kung may nang away sayo ulit Kuya, gugulpihin ko sila." Sabi niya, natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hahaha! Kaw talaga." Sabi ko sa kanya at ginulo-gulo ko ang buhok niya.

"Balita ko, na guidance office ka daw.." Sabi ni Jamie sa akin. Ngayon palang talaga ako na get in trouble ng ganito.

"Yeah, may punishment nga ako eh." Sabi ko sa kanya.

"Ano naman iyon?" Tanong ni Jamie sa akin.

"Kailangan kong linisan yung buong Garden." Saktong pag ka sabi ko nun, nagulat siya.

"What?! But that garden is too darn big!" Sabi niya, hahahah, nakakatawa siya pag ganyan.

"Exactly! I know right! Tapos ako pa yun mag lilinis!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

"Tsk! This school need a lesson." Narinig kong bulong niya, hindi ko nalang pinansin...

"Wait, sino yung naging guardian mo?" Tanong niya bigla. Ang talino talaga nito.

"Eh sino pa ba?" Sabi ko sa kanya, napa hawak siya sa bibig niya.

"No. Way!" Sabi niya sa akin,

"Yeah Way!" Sabi ko sa kanya.

"Si Kuya Lyndle?!" Pasigaw niyang tanong

"Oo! Malamang sino pa ba?" Sabi ko sa kanya.

"Hahahah!!! Ang swerte mo naman! Ano namang ginawa niya?" Tanong niya sa akin.

"Wala lang, siya pa nga yung nag sabi na deserve ko yung punishment eh." Sabi ko at nag cross arm.

"Hahahaha! Wag ka kasing mananakit ng hindi pa siya nananakit! Suntukin mo lang si Randy pag may ginawa siya sayo." Sabi niya sa akin.

"Paano kung sabihin ko sayo na dahil ako nagalit sa kanya dahil pinunit niya yung picture nating dalawa?" Tanong ko sa kanya.

Tumigil siya bigla sa pag lalakad.

"Anong sinabi mo?" Bigla naman akong nanginig sa tinanong niya...

"Huh? Sabi ko pinunit niya yung picture nating dalawa kaya nasaktan ko siya..." Sabi ko sa kanya.

Bigla siyang nag lakad ulit.

"Patay kang Randy ka." May binulong si Jamie pero hindi ko narinig eh.

"Ano iyon?" Tanong ko sa kanya

"What?" Tanong niya

"Yung sinabi mo?" Tanong ko

"Ohhh!!! Wala yung Kuya! Tara na nga!" Sabi niya sa akin.

At bigla nalang siyang tumakbo.

Ang weird naman ni Jamie ngayon... May problema ba iyon? Hayyyy...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Author's Note: Yep! Hahahah! Gusto ko ng mag UD eh, hindi ko mapigilan. Joke, may homework pa po kasi ako kaya inagahan ko nalang!! Hahahah!! XD!! Salamat po sa mga nag babasa nito!!! Hahaha!! Bye Folks! -LeanB.)

The Ultimate BattleWhere stories live. Discover now