Third Person's POV
"Naglalasing ka nanaman? Jusko, Divina. Alcohol na ata ang bumubuhay sayo." Agaw ni Victoria sa bote na hawak ni Divina. Naglalasing nanaman ito sa isang bar. Nautusan naman ang isa na sunduin ito. Bilang responsable na unni. Gorabels lang.
"Uyyy. Kasama mo nanaman si Zhou Mi." Natatawang tinuro pa nito ang lalaki sa likod ni Victoria.
Lasing na eh.
Sinenyasan nalang ni Victoria si ZhouMi na maghintay sa labas. "Anong paki mo? China to, babe. Dito kami nakatira." Mataray na sagot ng nakakatanda.
"May paki ako kasi KhunToria shipper ako." With matching hawak pa sa dibdib iyon ng sabihin ni Divina ang mga salitang iyon.
Napainom nalang tuloy si Victoria sa bote ng beer na kinumpiska niya. Hindi naman kasi thursday ng araw na iyon. Bakit kailangan pang mag-throwback? Buset naman oh.
"Tapos na yun. So, shut up kana lang." Inirapan pa niya ito. "Ano nanaman ang problema mo? Hindi naman ikaw ang presidente ng China pero araw-araw kana lang namomroblema."
"Tangina kasi ni Luhan eh." Mura ng nakababata.
And as usual, si Luhan nanaman ang problema. Si Luhan na nasa Korea.
"Si Luhan na naman? Bilyon na ang populasyon ng China tapos si Luhan padin? Ang tanga-tanga mo girl." Dinutdot pa nito ang sentido ni Divina. Umiyak naman ng malakas ang isa.
Ganun na ba kasi siya katanga? Kasalanan niya bang isa lang ang gusto niya?
"Ikakasal na kasi siya." Kwento ni Divina na parang nagsusumbong. Kumakalat narin ang eyeliner nito dahil sa mga luha.
"Ang pangit mo, huwag kang umiyak." Saway ni Victoria bago uminom. Naaawa naman siya kaso ano naman ang magagawa nila? Tututol sa kasal? Wow ah.
"Ano ba?! Kaya ka pinagpalit kay Tiffany eh!" Halos ipalo na ni Victoria ang bote sa ulo ng kaibigan niya. Matabil kasi ang bunganga ng isa kapag nakakainom. Pinagpasensyahan nalang niya.
Babasagin pa ba niya ang bungo nito? Basag na nga ang puso.
"Bes, gusto mong iblade ko yang mukha mo?" Joke nalang niya.
"Gusto ko ng tao bilang kausap."
"Dyosa lang ang available at this moment!" She commented then flipped her hair.
"Victoria unni!"
"Pinapasaya lang kita, bruha."
"Pupunta ako ng Korea." Bigla-bigla nalang sinabi ni Divina.
"Huh?"
"Sabi ko pupunta ako ng Korea." Ulit pa nito.
"Anong gagawin mo doon?" Tanong ni Victoria.
"Mag-sasalamin lang. Baka mas maganda ako sa salamin nila eh." Pilosopo namang sagot ng isa.
"Divina!"
"Choserang kokak. Malamang sisirain ko yung kasal!"
"Abnormal ka. Hindi mo masisira yun. Duhhh. Mahal na mahal kaya ni Luhan yung babae." Isang malakas na sampal ng katotohanan para sa taong tanga at umaasa sa wala.
"The International Sweetest Real Life Couple?" Sumeryoso na ang anyo nito. "All my life, I always dream to be Mrs. Lu. Do you know how painful it is when you know that the title is not meant for you?" Ngumiti ito ng pagkapait-pait. Kusa nading lumalandas ang mga luha sa mata nito.
"Mag-move on kana lang." Mahinahon na advice ni Victoria. Ang kausap na niya kasi ngayon ay si Divina na walang halo na tama ng alak.
"Hindi kasi ganun kadali iyon, unni! Mahal ko nga eh. Ipaglalaban ko yun!" She explained between her sobs.
Alak na kasi ang naging companion niya kapag nasasaktan siya. Mas gusto niyang mawala sa wisyo na masaya kaysa tama ang takbo ng utak pero nasasaktan.
"Wala namang labanan na dapat pang maganap. Talo kana simula palang."
"Edi aagawin ko nalang siya! Hindi pa naman sila kasal. May isang taon pa ako para pigilan ang kasal nila!"
"Can you hear how desperate you are?"
She lit her cigarrette, put it in his mouth and sucked it. She let her lungs filled with nicotine.
She was tensed. Anxious. And broken.
"Pupunta ako ng Korea. I will be the Mistress of Luhan. By hook or by crook."
YOU ARE READING
The Mistress Of Luhan.
FanfictionUpdate: Every Saturday. Genre: Romance, Harem, Slight Comedy, Slight Angst, Drama Ayos lang ba sa iyo na parang maging Kyungsoo sa buhay ng KaiStal? O humanap nalang ng iba? Does love is always worth fighting for even the person you love is PROUDLY...
