Nakita ko naman ang malaking larawan sa kanyang opisina. Ang larawan ng pamilya namin - kumpleto at sobrang saya. Sobrang busy na kasi namin lately at hindi na kami nagkakakitaan.


"Uwi ka naman sa bahay natin next week. Nagrerequest mommy mo eh, sobrang namimiss ka na daw" sabi ni dad.



"Umuuwi naman ako dad" sagot ko dito.


"Umuuwi nga kaso saglit lang. What I'm trying to say is that umuwi ka sa atin like doon ka matulog kahit isang day lang. Bonding lang tayo. Pinauwi ko na rin sina Jun kasama yung mga apo ko" saad ni Dad. Mukhang wala na naman akong magagawa eh.



"You got my word dad, I'll be there. Miss ko na rin naman yung mga pamangkin ko eh" sagot ko sa kanila.



"I'll miss this office. Don't worry Vic, CEO ka lang naman ako pa rin ang Chairman so 'wag mong i-pressure ang sarili mo ha. Just do your best and God will do the rest. Goodluck anak" ika ni dad sabay tapik sa aking balikat.



"Thank you Dad, for trusting me" sagot ko naman sa kanya.


"I always believed in you Vic. Now look at you. Wala nga lang lovelife. Nasaan na nga ba yung paborito kong si Mika. Kailan daw siya babalik" tanong naman sa akin ni dad. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o hindi eh.


"Nandito lang naman siya" saad ko.



"Nasa Pilipinas? Kailan pa nakauwi? Papuntahin mo naman sa bahay si Mikang" sunod-sunod na sabi ni dad.



"Hindi dad. Nandito siya. Nandito siya sa puso ko" luh, gumagana nanaman ang pag-corny ko.



"Okay lang 'yan nak. May sayad ka na 'ata. Pagbutihin mo 'yan. Haha" nangiting sabi ni Dad.



"Sir Victor, nandyan na daw po yung kotse niyo sa baba" sabi ng sekretarya ni dad.



"Pakisabi naman sa baba na I'll be there in a few minutes. Thank you" saad naman ni dad.



"Paano ba 'yan anak. I guess I'll be leaving na. Mag-ingat ka palagi ah. Love you pogi kong anak" saad naman nito.


"Love you too pinaka-pogi kong ama. Hahaha" ika ko naman sa kanya. Niyakap ko ang daddy ako at nagpaalam na sa kanya.



Lord, kayo na po ni Batman ang bahala sa akin. Tulungan niyo po ako sa bawat pagsubok na aking tatahakin.


*bzzt bzzt bzzt bzzt* vibrate ng phone ko. Nagtext pala si Ria.


"Hindi ka pa ba bababa? Kanina ka pa namin hinaantay sa baba. Medj gutom na rin pala kami. Kain na tayong merienda" oo nga pala naghihintay sila baba. Nakalimutan ko. Masyado kasi akong na-overwhelmed.


Dali-dalian naman akong tumungo sa elevator upang makababa na.

*****

Ria's POV

Medyo matagal-tagal na rin pala kaming naghihintay ni Kim sa baba. Wala eh, si Boss na nagsabi na hintayin namin siya. Pero mukhang hindi niya yata kami maalala kung 'di pa namin siya tinext.


Tadhana: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now