Chapter 1

504 13 4
                                        

CHAPTER 1

Tadhana: Syntax Error



Vic's POV


Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko – sakit ba o saya?



Sakit. Sakit dahil hanggang sa ngayon hindi ko pa rin tanggap na iniwan niya ako. Na kahit anong haba o tagal na ng relasyon niyo ay maari ka pa rin niyang saktan, sabihan ng walang kwentang salita at iwan. Sakit dahil siguro hindi pa rin nakakalimot itong puso ko – na sabihin na siya pa rin ang laman at tinitibok nito.



Saya. Saya dahil sa ilang taon namin na hindi nagkita ay masisilayan ko na muli ang kanyang magandang mukha. Idagdag mo pa ang mala-anghel niyang ngiti na siyang nagpalambot sa aking matigas na puso. Saya dahil alam ko at alam nito (sabay hawak sa puso) na siya at siya pa rin ang mahal, minamahal, at mamahalin ko.



"Hoy Vic! Kanina ka pa tulala diyan, may bumabagabag ba sa isipan mo?" tanong sa'kin ni Ria.


"Ah wala naman. Sinabi mo lang naman na darating si Mika. Hindi ka naman siguro kakabahan ano?" mabilis na sabi ko sa kanya.


"Vic about that, may sasa-" pero bago ka patapusin na magsalita si Ria, ay pinutol ko na ang usapan namin.


"Oo, okay lang nga. Nasaan na daw pala sila?" tanong ko kay Ria.



"Malapit lapit na daw sila, may binili lang daw silang dalawa" magiliw na sagot ni Ria.


"Ah, ganon ba. Sige doon lang muna ako kela Kim" nagpaalam na ako sa kanya at lumipat na sa table nila Kim.



Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na uuwi na siya. Na after 2 and a half years ay may Mika pa pala na nakakaalala sa amin. Masasabi ko na hindi naging madali sa'kin ang mga araw, linggo, buwan at taon mula ng iwan niya ako. Pero diba kapag mahal mo ang isang tao lahat ay gagawin mo para lang mapasaya ito. Kahit ang ibig sabihin nito eh ang pag-bitaw sa kasiyahan mo.



Buti naman nandito sina Bea at Kim – ang aking mga kaagpay. Sila lang naman ang tumulong sa'kin para kahit papaano eh mapalaya ko na si Mika.



"Ate Ars, okay ka lang ba? Kanina ka pa mukhang bata na kinuhanan ng laruan eh" pagbibiro ni Bea sa akin.


"Oo nga, ilang beses ko ba sasabihin na wala na sa'kin 'yon. Wala na rin akong pake (kahit meron) kung ano man ang mangyayari mamaya" saad ko sa kanila. Ayaw kasi ako tantanan. Kesyo daw ganito ako at ganiyan.


"Eh kasi Jessey at si Mik—" pinutol ko naman si Ate Kim.



"Oo nga, hindi nga ako affected. Mukha mo naman Kim" mariin kong sabi sa kanya.



"Pogi ang mukha ko Galang, Pogi. Tsaka, kung hindi ka affected bakit sa tuwing babanggitin ang pangalan na Mik—" pagputol ko ulit sa kanya.


"Hindi nga kasi" naiinis kong sabi.



"Alam mo Ate Ars, hindi ka nga affected" Sabi ni Bea at nakipag-apir pa talaga kay Kim.


Grabe talaga 'tong dalawa na 'to, super bully. Well, wala naman na akong magagawa eh basang-basa na ako nitong dalawa eh. Sana maging maayos ang pagkikita namin mamaya. Ultra kaba na kasi itong nararamdaman ko eh. Tumabi naman sa amin si Kambal.



"Ganyan kayo eh, palagi niyo na lang ako iniiwan" saad ni Ria na medyo nagtatampo. Kadiri lang, ang tanda na namin eh nagpapabebe moves pa si Kambal.


Tadhana: Syntax ErrorOnde histórias criam vida. Descubra agora