CHAPTER 3
Tadhana: Syntax Error
Jessey's POV
Nandirito pa rin kami sa birthday party ni Aly – sumasayaw, nagkakantahan at kumakain. Sobrang na-miss ko yung mga ganitong gathering kasi minsan na lang kami magkasama since sobra busy na namin sa aming mga trabaho.
Speaking of work, nagtatrabaho nga pala ako sa firm nila Vic. I'm really blessed, kasi natanggap ako sa company nila. Dapat nga i-didirect hire ako ni Vic kaso ayaw ko. Hindi ba't parang unfair lang naman kasi sa mga katulad kong architect na gusto magtrabaho sa isang magandang firm.
Tumayo ako at pumunta sa lugar nila Kianna. Mukhang ang sarap ng kwentuhan nila ni Ate Mowky. Papahuli pa ba ako? Siyempre hindi, na-miss ko kaya itong si Ate Mowky.
"Sali naman ako sa usapan niyo Ate Moks" sabi ko.
"Gora lang Jess! Na-miss kaya kita ng bonggabells" sagot naman sa akin ni Ate Mowky.
"Grabe Ate Moks yung mga salita mo 'di pa rin nagbabago. Haha. Pero in fairness may accent. Ikaw na talaga ate gurl!" puri ko naman sa kanya.
"Ano ako na? Hindi ba dapat "ikaw na" Jess. Ikakasal ka na pala kay Riri after ng ilang years of awayan. Nakakaproud kayong dalawa" ika nito.
"Nako Ate Mok naalala mo ba yung nag-away sila dati. Yung mala-World War III. Kasi Ate Jess sided Ate Mika and Ate Riri with Ate Ara" saad ni Kianna.
"Oo, grabe lang. Muntik na nga kayo mag-break. Sobrang love mo talaga si BF mo, na kahit si Riri ay ipagpapalit mo" dagdag ni Ate Moks.
"Guys, alam niyo naman na parang pamilya ko na si Mika. Long lost sister ko 'yon eh. Tsaka mas nauna ko siyang nakilala bago kay Riri my loves. So na kay Mika talaga yung advantage" sabi ko sa kanilang dalawa.
"Huhu sana ikaw na lang sister ko ate Jess. Kapatid ko kasi hindi man lang i-accept yung follow request ko sa twitter. Super mean talaga" ika ni Kianna.
"Mahal na mahal ka talaga nila Kianna. Haha" natatawa kong sabi kay Kianna.
"Pero seryoso Kianna. Alam ko naman na mahal ka nila. Sadyang may tinatago lang siguro yung kapatid mo kaya ayaw niyang ipakita sa'yo ang nilalaman ng twitter niya. Malay mo may boyfie na" seryosong sabi ni Ate Moks.
"Noooo, bawal pa ang boyfriend. Ang bata bata pa niya" sabi ni Kianna. Luh siya, anyare.
"Huy Kianna tama na 'yan. 'Wag mo sanang hawaan ng kabaliwan mo ang babe ko okay" biglang singit ni Riribabes mula sa likod.
"Ano ba 'yan bakit may lovebirds dito. Pwe, umalis nga kayo. Please lang. May single dito" sabi ni Ate Moks.
"Ehem..single kasi..ehem...ehem" pang-iinis ni Kianna kay Ate Moks.
"Mahirap maging medical student Kianna. Walang time para magka-lovelife. Ang pag-ibig lamang namin ay nakasentro sa mga librong kailangan mong i-memorize tuwing gabi" saad ni Ate Moks.
"Hindi ka ba nagsisisi na kinuha mo 'yang programa na 'yan" tanong ko naman sa kanya.
"Hindi. Never. Kasi mahal na mahal ko ang kursong ito. Kahit na marami-rami na rin ang mga sleepless nights. Kahit madami na akong natungga na kape. Kahit palagi akong sabog go lang. Kasi alam ko na sa huli ay magiging worth it ang lahat ng pagod at sakripisyo ko" sabi ni Ate Mowky na tila'y satisfied sa kanyang sinabi.
"Sana ganyan din ang pag-ibig ano. Sana hindi ka kadaling isuko ng taong mahal mo. Na sa kahit anong pagsubok ay ipaglalaban ka pa rin niya. Na sa kahit ano mang lugar ang puntahan mo ay makakaasa ka na hindi ka nito iiwan. At alam mo na kahit ano mang sakuna ang mangyari sa inyong relasyon ay hinding-hindi ito mapapagod sa kakamahal sa'yo" ika ko.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Tadhana: Syntax Error
RomanceIn a world of "wala na talaga", can one prove that "kaya pa" is possible. Alam naman natin na ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin. Oo, may iilan na nabibiyayayaan ng pagmamamahal ngunit luhaan ang mga lumaban, sumugal at natalo. Pero ganyan nam...
