Chapter 2
Tadhana: Syntax Error
Bea's POV
Nararamdaman ko na may yumakap sa'kin mula sa likod. Ang sarap lang talaga ng ganitong feeling – yung nakayap yung mahal mo sa'yo. Idagdag mo pa ang pabango niya sobrang nakakaakit. Itong mga yakap na ito ay yung tipong hahanap-hanapin mo. Kasi siya at siya ang makapagbigay ng ganitong pakiramdam – ang pakiramdam na may nagmamahal sa'yo.
"Beh, ano ba nakikiliti ako" pabiro kong sabi kay Jho. Paano ba naman kasi, alam naman niya na may kiliti ako sa leeg eh doon pa niya ako hinahalikan.
"Pasalamat ka nga may libreng kiss ka eh at galing pa talaga sa akin ha" matampong sabi ni Jho. Ang cute talaga ng baby ko – swerte ko naman talaga.
"Huwag kasi diyan sa leeg Beh" ika ko sa kanya. "Dito nalang oh" dugtong ko sabay turo sa aking mga labi.
"Ayaw ko nga Beh, ayaw mo naman ng kisses ko eh" malungkot na saad ni Jho. At aba nag-make face pa ang bata.
"Hindi nga, joke lang 'yon Beh. Kiss mo na ulit ako pero dito ah" sabi ko sabay turo ulit sa aking mga labi.
"Pasalamat ka talaga at love na love kita Beh. Sige I will kiss you na, hihi" magiliw na sabi sa akin Jho. Siyempre hindi ko 'to matatanggihan, ako pa ba.
Unting-unti nag lalapit ang aming mga labi. Isa lamang ang masasabi ko habang tinitignan ko si Jho – Mahal ko 'to. Kumbaga parang nag-blur lahat ng paligid at siya lang ang makikita mo. Itong mga labi na 'to (sabay tinging sa labi ng Jho) ay para sa akin lamang at wala ng iba makakahalik nito kungdi ako. Pinikit ko na ang aking mga mata ang inilapit muli ang labi papunta sa kanya.
Malapit na.
Papalapit na.
Shet, 'eto na talaga.
Mahahalikan ko na ang aking prinsesa. Ngunit bago ko siya halikan ay dapat masabi ko sa kanya itong mga salita na gusto nang kumawala sa aking mga dila.
"Mahal na mahal Kita Beh" buong-puso kong sabi sa kanya.
"Mahal na mahal din kita Beh" ika ng aking mahal. Maglalapat na sana ang aming mga labi ngunit nag-salita muli siya.
"Hoy Beh! Gumising ka na!" ano daw, eh gising na gising naman ako.
"Ah, so gusto mo buhatin pa kita papunta sa kwarto?" dugtong niya pa dito. Hala, ang weird naman ni Beh ngayon.
Nakaramdaman ako ng malakas na hampas sa aking mukha. Ugh, ang sakit naman noon. Nasaan na ba si Beh, nandito lang 'yun kanina ah. Bakit madilim na? Bakit si Ate Kim ang nasa harapan ko?
So ibig sabihin after all this time nananaginip lang ako? Malas mo nga naman Bea.
"Hoy Beh, gumising ka na diyan at bubuhatin pa natin si Vic" Hay nako, kahit kailan talaga singit si Ate Kim. Huhu, nanaginip lang pala ako kanina. Para kasing totoo eh, na-miss ko tuloy si Beh.
Nag-ayos na ako ng aking sarili at lumabas na rin ng kotse. Medyo naiinis rin ako, kasi naman ayun na eh kaso naputol pa. Miss na miss ko na si Beh kahit magkasama lang kami kanina.
"Ate Kim, tara na at buhatin na natin si Ate Ars sa loob" saad ko at binuksan niya naman yung pinto sa backseat. We tried to wake up ate Ara, kaso mukhang wala ng pag-asa.
YOU ARE READING
Tadhana: Syntax Error
RomanceIn a world of "wala na talaga", can one prove that "kaya pa" is possible. Alam naman natin na ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin. Oo, may iilan na nabibiyayayaan ng pagmamamahal ngunit luhaan ang mga lumaban, sumugal at natalo. Pero ganyan nam...
