CHAPTER 4
Tadhana Syntax Error
Vic's POV
Ako ay kasalukuyang nasa loob ng isang conference room dahil mayroon kaming emergency meeting. Kahapon dapat 'to kaso nga nasa birthday ako ni Jessey so pina-cancel ko.
Hindi ko nga alam kung para saan 'to eh. Pabigla-bigla din kasi si Dad eh. Nga pala, wala na si Kuya Jun dito sa firm namin kasi prinomote na siya ni Dad as CEO ng V-Airlines. Namimiss ko na si Kuya dito sa firm eh, wala na kasi akong kakulitan.
Nagsimula na ang meeting sa pamumuno ni Dad. Sobrang boring talaga at puro company update lang pinaguusapan. Hindi ko namalayan na unting-unti na pumipikot ang aking mga mata.
"Aray" mahina kong sabi. Hinampas kasi ako ni Kim.
"Ano ba bakit mo ba ako hinampas?" tanong ko dito sa lokong 'to.
"Kanina pa kasi nakatingin dito si tito Victor. Umayos ka nga Vic" saad ni Kim. Kasalanan ko bang boring yung mga sinasabi ni Dad.
"Oo na, aayos na" ika ko naman. Nabasa ko naman kasi yung mga report eh. Ako pa ba.
"Para kasing lalamunin ako ni tito eh. Buti nga medyo hindi na nakatitig dito. Salamat sa pag-ayos ah haha" sabi ni Kim. Nakakatuwa naman si Kim at takot pa rin pala kay dad.
"Isang box ng chicken nuggets lang Kim. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko" bulong ko dito.
"Shh, oo na. Makinig ka muna sa tatay mo" sabi naman nito sa akin.
"As I was saying, lumaki nga yung kita ng kompanya for the past 4 months. Actually dumoble pa siya. Kaya heto ako ngayon at kinocongratulate kayo. Nice work team" naka-ngiting sabi ni dad. Nagpalakpakan naman ang lahat.
"We can never do it without your amazing daughter, boss victor. Si Vic na 'ata ang pinamagaling na engineer sa panahon ngayon" sigaw ni Richard.
"'Wag masyadong purihin at baka lumaki ang ulo" biro naman ni Kim at tumawa naman sila. Sira talaga 'tong isa na 'to.
"Tama si Kim, Richard. Baka lumaki ang ulo nitong anak ko. Alam mo naman feeling pogi na nga tapos pupuriin mo pa haha" biro sa aking ng tatay ko.
"Mana lang sa'yo dad. Ikaw talaga yung original na feeling pogi eh" sagot ko naman.
"Aba totoo naman na pogi ako eh" saad naman nito with matching pogi sign.
"Fine fine. You win na dad. Tama na sa ganyan hindi bagay eh. Haha" ika ko sa kanya na tila'y nakangiti. Hindi na rin pala ako inantok kasi nagising na rin ang diwa ko.
"Before we end this meeting I'd like to say thank you again for all the things you've done for our company. As you can see medyo tumatanda na ako at sa punto ng buhay ko ay mas gugustuhin ko na lamang makipag-bonding sa aking pamilya. Indeed I am blessed to have a team like you. Because without you guys this company wouldn't be like this - strong, solid and successful. And that's why I'm leaving this company in the hands of my very own - Vic. Please take care of this company anak. And with that what more can I say. Galang out. Meeting dismissed" naluluha na sabi ni dad.
YOU ARE READING
Tadhana: Syntax Error
RomanceIn a world of "wala na talaga", can one prove that "kaya pa" is possible. Alam naman natin na ang tunay na pag-ibig ay mahirap hanapin. Oo, may iilan na nabibiyayayaan ng pagmamamahal ngunit luhaan ang mga lumaban, sumugal at natalo. Pero ganyan nam...
