Prinomote niya lang naman ako as CEO. PRINOMOTE NIYA AKO! Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Dali-dalian naman bumalik ang pag-iisip ko nung kinocongratulate na ako ng ibang staff.


"Thank you guys. Thank you rin for trusting me" ika ko sa ibang employees.


Lumabas na pala si dad nang hindi ko namamalayan. Hindi rin naman kasi ako makaalis dahil hindi matapos ang pagbati sa akin ng mga staff namin.


"Iba ka na talaga Vic, Big Boss ka na" singit ni Ria.


"Hindi ko nga alam kung ano dapat ang maramdaman ko eh. Saya ba o Takot.  Saya dahil binigyan ako ni dad ng magandang pagkakataon to prove myself or Takot dahil hindi ko alam kung makakaya ko ba yung ganitong kalaki na responsibilidad" sabi ko sa kanya.


"Grabe Kambal ang negative mo. Wala pa nga eh pinagiisipan mo na agad ng masama. Ang isipin mo nalang ay makakaya mo ang lahat ng 'to. Cause God can make the impossible possible" seryosong sabi ni Ria.


"Oo tama si Ria, Vic. Have faith. Tsaka alam ko naman you'll do great. Ikaw kaya ang "The Great Victonara Galang" na kilalalang-kilala sa buong Pilipinas" singit naman ni Kim sa pagitan ng usapan naman ni Ria.


"Hay nako Kimpoy, ang hilig mo talagang sumingit" sabi ko naman sa kanya.


"Ganyan talaga ang buhay Vic parang life" sabi niya. "Tsaka masama bang sumingit, singit ka din minsan. Oo nga pala, hindi ka ba manglilibre" dugtong ni Kim.


"Tsaka na Bro. Wait lang ha, puntahan ko muna si Dad. Hintayin niyo na lang ako sa lobby" ika ko sabay lakad patungo sa labas.


Dumiresto naman ako papunta sa elevator at pinindot ang up na button. Kaasar naman 'to kakapanik lang nung elevator hindi pa ako nahintay. Sila Kimmy kasi ang dadaldal.


"Congrats Boss Vic. Iba na ka na talaga. Siyempre iba na din ako kasi Secretary of the president na ako. Kabog. Pak Ganern" bati sa akin ng secretary ko na Charon.



"Ang ingay mo talagang beks ka. Oo, promoted ka na rin. Mas excited ka pa yata kaysa sa akin eh" sagot ko naman dito.



"Maganda kaya yung office tass Boss. Parang ako lang. CHAR" ika naman nito.



"Oo na oo na. Una ako sa taas ah, text mo nalang ako if may kailangan pa ah. Thank you ulit Char. Babye" sabi ko sabay paalam sa aking sekretarya.


Pumasok naman na ako sa loob ng elevator. Sinilip ko ang aking repleksyon mula sa gilid. Wala pa rin talaga akong pinagbago - ang pogi ko pa rin. Buti na lang talaga at ako lang ang tao sa loob. Mapagkamalan pa akong baliw eh.



Nakatapak na ako sa 11th floor kung ako magtatrabaho sa mga susunod na araw. Pinasok ko ang opisina ni Dad at nakita ko siyang nagliligpit ng gamit.



"Isn't this too sudden dad?" tanong ko naman sa kanya.


"Dapat nga last month pa. Kaso may tinapos pa tayong project. Tsaka nak alam ko naman na kaya mo 'yan. Manang-mana ka kaya sa akin. Ang gusto ko lang naman ay makapag-pahinga na kasama ng Mommy mo" sabi nito habang patuloy sa pag-aayos ng gamit.


Tadhana: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now