Kabanata 17

14K 377 8
                                    


"Elunar..."

Nakatulala lang si Elunar sa puting pader habang tinatawag ko ang pangalan niya, hindi siya kumikibo, tumulo na naman ng luha sa kanang mata niya.

Hinawakan ko ang kamay niyang nanlalamig, "you have to eat..."

Tanging iling ang sinagot niya sa akin, naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Simula nang nalaman niya na wala na si Thunderess ay naging ganito siya, hindi ko siya masisisi... hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa anak namin.

Ni hindi ko man lang nasilayan ang paglaki niya, ni hindi ko man lang nalaman kung babae siya o lalaki, hindi ko man lang mapapalaki ang magiging anak namin, hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na maging ama.

Masakit sa puso ang mawalan ng anak, kahit na hindi ko pa man nakikita ang buhay sa loob ng tyan ni Elunar ay napamahal na ako, siguro hanggang imahinasyon na lang ako na mabubuhat ko ang anak namin at mapapanood ang paglaki niya, sa tuwing naaalala ko ang pagkawala niya ay naluluha ako.

Ang bilis ng mga nangyari...

"Please eat, kailangan mo iyon para hindi ka magkasakit at para may lakas ka..." Pinagmasdan ko ang walang emosyong mukha ni Elunar, tila nablangko ito dahil sa balita, parang isang walang buhay na Elunar ang nasa harapan ko.

I know how hard it is for the both of us, to lose a child before we can hold her or him in our arms? Before we can kiss and hug our baby? Before we celebrate birthdays and stuffs?

It feels like losing yourself, but we have each other... we never lost each other, iyon ang gusto kong iparamdam sa kanya. Na kahit anong mangyari ay nasa tabi niya lang ako. Na hindi ko siya iiwan.

"Elunar... baby?"

Lumingon ako kung saan nakatayo si Tito Heraya, mugtong mugto ang kanyang mata siguro dala ng magdamag na kakaiyak, tulad ng Elunar ay may malaking itim na nakapabilog sa kanyang mga mata dala ng puyat.

"Wala na... ang... baby ko..." Mahinang usal niya, tila nayanig ang mundo ko't gumuho ang lahat, walang lakas ang kanyang boses ngunit punong puno ito ng sakit at paghihinagpis. Sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay katumbas ng mga kutsilyong tumutusok sa puso ko.

Her voice was too painful to hear... and I feel useless for not being able to do anything but watch her as she mourn for our lost child, "hijo, ako na ang bahalang magbantay kay Elunar... halos tatlong araw ka nang hindi umuuwi, kunin mo na ang mga pinagpalitan mong damit at umuwi na, for sure your parents are worried."

Ngumiti lang ako nang pilit, "hindi ko po kayang iwan si Elunar hangga't hindi pa siya nakakalabas ng ospital."

Nagbuntong hininga si Tito, "you need rest, hijo."

"Hindi po ako makakapagpahinga hangga't hindi maayos ang lagay ni Elunar."

Pinisil ko ang kamay ni Elunar ngunit hindi siya nag-react, nakatulala pa rin siya sa puting pader ng kwarto. Hindi ko maiwasang maluha dahil sa sinapit naming dalawa.

"She must be traumatized sa lahat ng nangyari. Mahirap paniwalaan na patay na ang apo ko, alam kong nahihirapan pa rin siya hanggang ngayon na tanggapin, oras lang ang kailangan niya, babalik din siya sa dati..."

Just the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon