Kabanata 15

15.1K 385 15
                                    


Pababa na kami ni Elunar nang matapos ang meteor shower mula sa rooftop, madilim na ang loob ng mall at walang katao tao. Hinawakan ni Elunar ang kamay ko na parang natatakot sa dilim.

"It's okay if you're afraid, andito lang ako." Saad ko sabay labas ng phone, ginamit namin ang ilaw nito upang makita ang dinadaanan namin. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Cloud, hanggang 9PM lang tapos magsasara na ang mall...

The time is already 9:43PM. Nagbuntong hininga ako, kanina pang nagsara ang mall. We were locked inside!

Nang nasa entrada at labasan na kami ng mall ay suminghap si Elunar, nakasara na ang mall mula sa labas at may metal na pinto pa sa labas na nakaharang. "Shit, we're locked."

Si Elunar naman ay pinanlakihan ako ng mata, "hindi ba't pinsan mo ang may ari ng mall? Tawagan mo siya."

Tumango ako at saka nagsimulang tawagan si Cloud, naka-ilang tawag na ako sa kanya ngunit hindi pa rin siya sumasagot. "Fuck, hindi siya sumasagot sa tawag ko."

"Wala na bang ibang labasan dito sa mall? O wala bang gwardya na nagbabantay dito sa loob?" Halata ang kaba sa boses ni Elunar, naalala ko na meron pala akong contact sa asawa ni Cloud, hinanap ko ang pangalan niya sa listahan at saka tumawag.

"Hello?" Boses ng asawa ni Cloud na si Alison.

"Hi, it's Thunder, Cloud's cousin. May emergency sana ako..."

"Oh, ikaw pala. Ano ang emergency? Saka kung emergency, 'di ba dapat 911 ang tinawagan mo?" Sagot niya. I almost face-palmed myself.

"Si Cloud ba ay kasama mo?"

"Oo. Pinapadede niya si Chase gamit ang tsupon."

"Can you please give the phone to him?"

Narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya, matapos ang ilang sandali ay narinig ko ang boses ni Cloud, "I think I know your issue." Sambit niya.

"We're locked inside your mall."

"Hahahahaha!" Pagtawa niya.

"It's not funny, Cloud." Sumalubong ang kilay ko, tumingin naman ako kay Elunar na umupo sa escalator na hindi gumagalaw.

"I warned you naman kasi na saktong 9PM magsasara ang mall." Sagot naman niya, "okay, magpapadala ako ng gwardya dyan para pagbuksan ka ng pinto, maybe thirty minutes. Pagkatapos makakalabas na kayo. So, how was your proposal?"

"How did you-"

"Kilala kita." Ngumisi si Cloud, "so? Was it a yes or were you rejected?"

"Nobody rejects me. Sabihin mo sa pupunta rito para pagbuksan kami na bilisan niya, ha?" Binaba ko na ang tawag at saka tumingin kay Elunar, "we have to wait for thirty minutes."

Tumango naman siya, ako naman ay umupo sa tabi niya saka tumingala sa mataas na dingding ng mall, "what do you plan? Tumunganga tayo o mag-usap?"

"Mag-usap." Ngumiti si Elunar, "aantukin lang ako kapag nakatunganga tapos nakakabagot kaya..."

"Ano ang gusto mong pag-usapan?"

Just the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon