Kabanata 13

17.7K 448 26
                                    


"I have a surprise for you." Sabi ko kay Elunar sa sumunod na araw. Andito ako sa bahay nila, mabuti at pinayagan ako ni Tito Heraya nang humingi ako ng permiso na puntahan si Elunar sa kanyang kwarto.

Ayon kay Elunar, ako pa lang ang nakakaalam na buntis siya...

"Ano'ng surpresa?" Tumaas ang isang kilay ni Elunar, mukhang kakatapos lang niyang maghilamos nang pumasok ako sa kanyang kwarto.

"Basta." Ngumiti ako saka naglakad palapit, hinaplos ko ang tyan niya at saka lumuhod para pantayan ito, dinikit ko sa tainga ko ang kanyang tyan habang ang palad ay nakadapo roon. "I want his name to be Lightning."

"His?" Umirap si Elunar sa akin, "babae ang magiging anak natin. And her name will be Thunderess."

"Seriously?" Humagikgik ako, "kung babae mas maganda ang pangalan na Moon." Tumango tango pa ako.

"Ayoko. Thunderess Moon na lang." She suggested.

Nagbuntong hininga ako, "Crescent Moon na lang ang ipangalan natin." Sabi ko.

She pouted. "Thunderess Crescent Moon."

"Masyadong mahaba." Ngumisi ako sabay hawak sa kanyang kamay, giniya ko ito papuntang gitna ng hita ko. "Parang itong kalakihan ko. Mahaba rin, 'di ba?"

Namula si Elunar, "can you not please? Ilugar mo naman ang kalibugan mo, Thunder." Sinamaan niya ako ng tingin at tinawanan ko lang siya.

"Anyways, susunduhin kita mamayang 6PM. Wear something nice, okay?"

Tumango siya at saka humiga sa kama, "saan ba tayo pupunta at ano ang surpresa?"

"Be patient, baby..." Pumaitaas ako sa kanya saka ko siya hinalikan sa kanyang labi, my shaft instantly became hard at the sight of an angel below me.

"Tumutusok sa tyan ko! Baka maramdaman ni Thunderess."

"Lightning." Pagtatama ko.

"Thunderess Crescent Moon! That's the name of our baby girl."

Nagtitigan lang kami hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto ni Elunar, "did I disturb anything?" Umalis ako sa ibabaw ni Elunar at namula nang makita si Tito Heraya, tinignan niya ako tapos si Elunar, it was an accusing gaze.

"T-Tito..."

"Okay, Thunder. You may now leave." Pagpapaalis ni Tito Heraya sa akin, "and you, young lady... mukhang nag-e-enjoy ka pa sa ginagawa niyo ni Thunder?"

"Dad! Walang malisya doon!"

"You mean there's no malice in seeing him on top of you while you're lying on your bed? Balak niyo atang bumuo ng sanggol? Okay then, fine. Make one. And we'll name your baby boy Hera."

"No!" Sabay na sagot namin ni Elunar, nagkatinginan pa kaming dalawa saka tumawa nang malakas.

Tumikhim ako, "aalis na ako Tito." Pagpaalam ko. Tumango naman siya.

Nang nasa old mansion ako ay tinawagan ko si Mr. Saberrick, siya ang may ari ng Algaya Airport, apparently, he is also my godfather. "Tito, I want to ask you a favor." I said.

Just the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon