Kabanata 1

31.4K 659 53
                                    




Nakasimangot akong lumabas, bigla akong nawalan ng ganang makipagjugjugan, by the time I went to the parking lot ng pool bar ay wala na ang kotse ni Tornado, dalawang possibilities lang naman ang agad na sumagi sa aking isipan.

First, may babae siyang ikakama at magkasama silang umalis papuntang bahay ng babae.

Second, umuwi na siya nang walang paalam sa akin siguro kasi akala niya success ang approach ko kay Elunar. Fuck that woman, masyadong pabebe. Hindi ba niya alam na ako ang pinakagwapong lalake dito sa probinsya?

Sumakay na lang ako sa kotse ko at umuwi na, nang nasa bahay ako ay madilim na, alam kong tulog na sina Mama at Papa, may isang gwardyang nagpa-patrol akong nakasalubong, ngumiti ako sa kanya at saka tumango.

"Sir Thunder, ang aga niyong umuwi ah. Asan si Sir Tornado?" Takang tanong nito sa akin, nagkibit balikat na lang ako.

"Hindi pa siya umuwi, Manong?" Umiling ito. Ngumisi naman ako, seems like my first guess was right. Kawawa naman kung sino ang ikakama ng kapatid ko, sadista pa naman iyon.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay, pumanhik na ako sa kwarto ko at saka tumungo sa shower room, naghubad na ako at hinayaan ko ang mainit na tubig na dumaloy sa katawan ko, pinikit ko ang aking mata at nakita ang imahe ni Elunar, those damn kissable lips, and that bouncy boobs... fuck! I'm getting hard!

Umiling na lang ako at saka nagbuntong hininga, pinatay ko ang heater ng shower at naging malamig ang rumaragasang tubig na dumadaloy sa buong katawan ko, I shivered in the coldness lalo na't gabi na kaya sobrang malamig ang tubig, hinayaan ko na lang ito, the cold water actually worked because I was no longer hard.

Matapos kong maligo ay nagsuot ako ng boxer na may slit sa mismong harap ng pagkalalake, dumiretso na ako sa aking kama saka padapang humiga, mas komportable akong matulog na hubad, pero mas komportable pa rin akong matulog pagkatapos magparaos. Ngayong gabi na siguro ang unang gabi sa halos dalawang taon na hindi ako nakipag-one night stand. Jeesh!

Hindi ko pa rin tanggap na ginanon ako ng pesteng Elunar na iyon, damn. Pinikit ko ang aking mga mata at nagbuntong hininga na lang ng malakas, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang kakaisip sa babaeng iyon. Nagising na lang ako dahil sa tunog ng alarm clock ko.

Minulat ko ang aking mata at saka pinatay ang nag-iingay na alarm clock, humikab ako saka ko kinusot ang aking mabibigat na mata.

Tumayo na ako at nag-inat, matapos ang ilang sandali ag napatingin ako sa boxer ko nang may mapansin, fuck, nakalabas na naman ang alaga ko. Pucha magpapalit na ako ng brand ng boxer, iyong walang hati sa tapat. Nakaka-distract lang, amputa!

Nagsimula akong magbihis, lumabas na ako sa kwarto ko at walang sabing binuksan ang kwarto ni Tornado sa tapat mismo ng kwarto ko, tinignan ko ang kama ngunit wala siya doon, napailing na lang ako. The room was not occupied. Puta, pahamak itong kapatid ko! Bakit wala pa siya?!

Kapag malaman nina Mama na wala pa siya siguradong hindi kami papayagang umalis sa gabi ng isang linggo, one week with no one night stand is hell for me!

Mabilis kong dinampot ang cellphone ko sa aking study table at nag-text kay Tornado na bilisan niya ang pag-uwi, mabuti na lang at around 8AM ang normal na paggising nina Mama at Papa o mas late pa.

It's still 6AM kaya naman may dalawang oras pa ang kapatid ko para umuwi, ako naman ay lumabas na sa bahay at bumungad ang malawak na ranch, binati ako ng mga taong nagpapastol nang makita ako at ngumiti naman ako.

Bukod sa pag-aalaga ng mga baka, kalabaw, baboy, kambing, manok, pabo, pato, may mga kabayo rin kami. Malawak ang ranch at ilang kilometro kwadrado ito, ang iba sa mga kalupaan naman ay ginawa naming bukid at taniman, may malawak din kaming taniman ng mga mangga at ngayong araw ang harvesting.

Tumungo ako sa stable at humarap sa pangatlong kwadra, bumungad naman si Kidlat, ang kulay puting kabayo ko, "hey Kidlat! Missed me?" I smiled.

Hinaplos ko ang mahabang buhok nito, si Kidlat ay maamo sa akin pero sa ibang tao ay hindi, malaki ang katawan niya, regalo siya sa akin ni Lolo Takardon noong kinse anyos ako, naging malapit agad kami ni Kidlat. Pumasok ako sa kwadra niya at saka kinuha ang kanyang tali.

Giniya ko palabas sa kulungan si Kidlat at tumungo sa paliguan ng mga kabayo, tinali ko ang kanyang tali sa fence at saka kinuha ang hose, binuksan ko ang faucet at lumabas ang tubig, biglang umurong si Kidlat na tila ba alam na ang gagawin ko, ngumisi ako sa kanya. "Kidlat, you are smelly. Kailangan mong mapaliguan kung gusto mong sakyan kita, okay?"

Tumigil ito at tila labag sa loob na lumapit sa akin, ngumiti naman ako at saka agad siyang pinaulanan ng tubig, sinabunan ko na rin siya ng mane and tail, nang matapos ko siyang paliguan ay naging mas maputi ang kulay niya at mas naging mabango siya.

I piled a hay on the food box and let Kidlat eat, I checked on her horseshoe and all that, matapos iyon ay nilagay ko na ang saddle sa kanya saka sumakay na, hinayaan ko muna siyang matapos kumain bago ko siya pinalakad.

"We're going to walk papunta sa taniman ng mga mangga." Saad ko at mabilis na pinatakbo si Kidlat nang nasa labas na ng fence, napatingin ang mga trabahador ni Papa sa akin dahil sa ingay ng apak ng kabayo ko, "hiya!" Sigaw ko at mas lalong bumilis ang takbo ni Kidlat, it only took a few minutes bago kami nakarating sa taniman ng mangga.

Bumaba ako kay Kidlat at tinali siya sa matibay na branch ng mangga, "aalis muna ako, be a good girl, okay?" Hinaplos ko ang buhok nito saka sa kanyang nguso, matapos iyon ay tumungo ako sa mga tao na mukhang hinihintay ako.

"Sir, magsisimula na ba ang harvesting?" Tanong ng isang lalake.

Tumango naman ako bilang sang-ayon, agad naman silang nagsikilos, may mga nakahawak ng tray, nagpupulot ng mga nalalaglag, umaakyat, at pumipitas sa mga abot na mangga, ako naman ay mabilis na inakyat ang isang mangga saka nagsimulang pumitas.

Halos isang oras makalipas nang natapos na kami sa kalahati ng mga puno ng mangga, ganoon talaga karami ang mga manggang nasa taniman, bumaba na ako sa ikaamin na punong inakyat ko saka pinampag ang sarili, dahil pawisan na ang sando ko ay hinubad ko ito, saktong iyon ay may isang itim na kotseng nag-park sa entrada ng taniman ng mga mangga, kumunot ang noo ko at saka lumapit.

Kinatok ko ang bintana at bumaba ito, bumungad ang isang matipunong lalake na may katandaan, "you must be Hernandes and Sky's son base sa itsura mo, ako si Heraya Falacia, we're here to talk to your parents about some business." Ngumiti ito sa akin.

"What. The. Hell." Napatingin ako sa babae sa backseat na nagsalita dahil sa pamilyar nitong boses, titig na titig ang mga berde niyang mata lalo na sa katawan ko, my eyes widened.

"Elunar?"

"Ohemgee sis, he is hot. Teka, kilala niyo ang isa't isa?" Takang tanong ng kasama niyang isa pang babae na mukhang mas matanda ng ilang taon.

"Elunar, Eclips, I raised you two like ladies, act like one." Seryosong utos ni Sir Heraya. Tumingin siya sa akin, "do you mind showing us the way, the road in your ranch is complicated, maraming paliko liko."

Tumango ako, "I'll just ride on my horse dahil dinala ko siya dito, Sir."

Tumawa siya, "just call me Tito."

Tumango ako at mabilis na kinuha si Kidlat, sinakyan ko na siya at saka tumigil sa gilid ng itim na kotse, "just follow me."

***

Just the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon