"Hindi ako nagbibiro, huwag kang lalapit." Nangilid ng luha sa kanyang mata. "Please stay away..." Her voice cracked, humigpit ang hawak niya sa baseball bat at saka niya ito tinaas na akmang handa na akong hampasin.

"Hit me as many times as you want, baby. Hit me and bent your anger out, then we'll talk."

Tumigil ako sa tapat niya, sa isang iglap ay naramdaman ko ang baseball bat sa aking braso, hindi niya ako hinampas ng malakas, mahina lang... "How can I hurt you?" Binitawan niya ang baseball bat, the sound of wood hitting the tiles came with it. "How can I hurt the man I just started to like?"

"Please talk to me, Elunar..."

"Please, umalis ka na Thunder, hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan ngayon. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito. It couldn't be. I feel like shit. Parang ganito ang naramdaman ko nang nalaman kong niloko ako ni Aisaia, ganitong ganito ang naramdaman ko nang ginago ako ng ex ko, maybe not -maybe mas malala pa ang nararamdaman ko ngayon, ilang linggo pa lang tayong nagkakilala pero sobrang lapit na ng damdamin ko sa iyo, that's impossible. I built walls around me, but then you came and broke them. You came and everything I built was shattered into pieces, history seems to repeat itself again."

Hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay, "I'll steal you for the night, then we'll talk."

"No. Being with you for the night always end with me breaking myself again, I'd rather stay here alone that be with the man who only know how to fuck girls and care less how they will feel. Isa lang naman akong botelya ng tubig na matapos mainom ang laman ay tinapon."

"You're wrong!" I hissed, natigilan naman si Elunar. "You're more than that." Hinila ko siya at saka niyakap, "come with me, just for the night... please..."

It took how many minutes before she answered. "Saan mo 'ko dadalhin?"

Ngumiti lang ako, "you'll see."

Lumabas na kami sa kanyang kwarto at tahimik na bumaba sa kanilang bahay, "seems like they are still eating." Sabi ko nang makitang nakabukas pa rin hanggang ngayon ang ilaw sa dining room.

Nang nasa labas na kami ay pinagbuksan ko siya ng pinto sa kotse ko, nagmaneho na rin ako matapos ang ilang sandali at tumungo sa Algaya, tumigil kami sa labas ng gubat. "Hanging bridge..." I told her.

Nilabas ko ang flashlight ko at pinagbuksan si Elunar, lumabas naman na siya at naglakad kaming dalawa. Sa gitna ng paglalakad ay hinawakan ko ang kamay ni Elunar, "don't touch me, mag-uusap lang tayo."

"You might slip if I let go of your hands, then you'll get hurt."

She sighed. "Fine..."

Madilim ang gitna ng gubat, unti unting naging bato ang mga puno at nagkaroon ng liwanag, doon na namin narinig ang agos ng tubig kasama ng hanging bridge na kumikinang, ang hanging bridge kung saan kami naging isang katawan...

Tumungo kami doon at tumigil sa gitna ng tulay, yumuko kami at pinagmasdan ang repleksyon ng mga bitwin sa malinaw na tubig.

"Bakit mo ako dinala dito? Para ipamukha na ikaw ang unang nakalasa sa katawan ko? Pagkatapos ay sinusunod mo naman ang kapatid ko? Tell me, saan naman sa inyo? Dito rin?"

"You're the only woman I took here." Sagot ko sa kanya.

Kahit saglit lang ay nakita ko ang ngiting gumuhit sa kanyang labi, saglit lang ngunit parang ilang minuto ang tinagal nito sa aking mga mata. Elunar glowed because of the moon, she looked beautiful without even trying.

Just the GameOnde as histórias ganham vida. Descobre agora