“Anak, siya si Tito Miggy mo. Kaibigan ko siya.”

Si Miguel naman parang gulat. Siguro nagtaka siya kung
paano ko naging anak si Chloe.

“Miguel, this our baby Chloe. Anak siya ni Xander.”

“Hi, Chloe. Ang cute-cute mo naman.”

“Thank you po. Matagal na po ba kayong magkaibigan ni
Mommy?”

Tumango si Miggy. “’Di ka pa yata naipanganganak ay
magkaibigan na kami niyang mommy mo.”

“Close po ba kayo?” Ang kulit yata ngayon ni Chloe, ah.

“Medyo,” sagot naman ni Miggy.

“May gusto po ba kayo sa Mommy ko?” Ano raw? Si Miguel naman parang namutla bigla.

“Baby, magkaibigan lang kami ni Tito Miggy mo.”

“He won’t take you away, Mommy?” Ay, kaya pala!

“Anak, hindi. Bakit naman gagawin ni Tito Miggy mo ’yon?”

“Okay.” At ngumiti na siya kay Miggy.

Nakabalik na rin si Teacher Jen at niyaya na si Chloe para
mag-aral ulit.

“Pwede akong tumulong sa inyo, if you want,” sabi ni Miggy
kay Teacher Jen.

“Hindi na. Okay lang kami,” sagot naman ni Teacher Jen, at
bumalik na sila sa garden.

Tatayo na sana si Miggy pero pinigilan ko siya. “’Wag kang
manggulo doon.”

“Hay, Tisang! Ang ganda niya talaga. Single ba siya? Pahingi
naman ng number niya.”

“Ang alam ko may boyfriend siya. Ewan ko lang kung sila
pa rin.”

“Magkaka-love life na yata ako, Tisang. Makaka-move on na
rin ako sa ’yo.”

“Anong sabi mo?”

“Wala. Sabi ko, ang higpit naman ng instant anak mo. Mana
yata sa ama, e. Pero cute siya, may hawig pa sa ’yo.

“Sabi nga nila. Kahawig ko kasi ang bruhildang nanay noon.”
Tapos ikinuwento ko na kay Miggy ang mga nangyari.

“Grabe naman pala ang mga kontrabida sa buhay mo! Pang-
teleserye lang.”

“Sinabi mo pa. Dumadami na nga sila, e. Buti na lang ako
lang ang mahal ni Xander.”

“Mahal na mahal mo talaga siya, ’no?”

“Oo. At mahal na mahal niya rin naman ako.”

“Ang swerte niya sa ’yo, Tisang. ’Pag pinaiyak ka noon, sabihin mo sa ’kin at uupakan ko.”

“Hindi naman maiiwasan ’yon, pero handa akong unawain
siya para na rin sa baby namin at kay Chloe.”

Nagkwentuhan na pa kami at binalikan ang mga masasayang
alaala namin. Tawa ako nang tawa nang sumulpot bigla ang
asawa ko.

“Hon, bakit ka umuwi? May nangyari ba?”

“Wala. Na-miss lang kita agad,” sabi niya saka hinalikan ako
sa labi. Sa pa harap talaga ni Miggy, ah.

“Pare, kumusta?” bati ni Miggy sa kanya.

“Ayos lang, pare. Kanina ka pa ba?”

“Hindi naman, kadarating ko lang,” sagot ni Miggy.

Biglang hinilot-hilot ni Xander ang ulo niya.

“Masakit ba ang ulo mo, hon?” Hinawakan ko ang noo niya.
’Di naman siya mainit.

“Medyo masakit lang, hon. Sige, akyat muna ako sa kwarto.”
Ipinagpatuloy na namin ni Miggy ang pagkukwentuhan, pero ’di na ako mapakali. Tingin ako nang tingin sa taas, baka
kasi masama ang pakiramdam ng asawa ko.

“Puntahan mo na siya. Doon muna ako kina Teacher Jen,”
malungkot na pahayag ni Miggy.

“Pasensya ka na, ha? Titingnan ko lang ang asawa ko,”
paalam ko sa kanya.

Umakyat na ako sa kwarto. Naabutan ko si Xander na
nakahiga sa kama at nakabihis na. Nakatakip sa mga mata niya ang braso niya.

“Hon, gusto mo bang uminom ng gamot?”

Tumango lang siya.
“Sige, ikukuha kita ng gamot.” Pero nagulat ako nang bigla
niya akong hinila. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya.

“Hindi na. Yakapin mo na lang ako at mawawala rin ’to.”

“Hon, nasa baba pa si Miguel. Nakahihiya naman.”

“Psh! Sige, iwan mo na lang ako. Puntahan mo na siya.”

Tumagilid na siya ng higa.
“Alexander naman, e. Para ka namang bata.”

“Bumaba ka na,” sabi niya.
Nakakainis siya! Ba’t ganyan siya? Minsan nga lang kami
magkita ni Miggy, e. Nakahihiya naman kasi kung hindi ako
bababa ulit.

Naupo ako sa gilid ng kama, at sa inis ko, napaiyak ako.
Narinig niya ang paghikbi ko.

“Honey naman, bakit ka
umiiyak?” Nilapitan niya ako at pinahid ang mga luha ko.

“Nakakainis ka kasi. Ang arte mo.”

“’Di ba sabi ko naman, bumaba ka na.”

“Ayaw mo uminom ng gamot, e. Natural lang na mag-aalala
ako sa ’yo.”

“Pwede naman kasing ikaw lang ang gamot ko. Yakapin mo
lang ako, ayos na.”

“Ang arte mo talagang kapre ka! Ako ba e pinaglololoko mo?”

“Psh! Ba’t ’di pa kasi umuwi ang unggoy na ’yon?” pabulong
niyang sabi. Paano niya alam na unggoy ang tawag ko kay
Miggy?

“Xander naman… Pumayag-payag kang pumunta siya dito
tapos ganyan ka?”

“Sa nagseselos ako, e. Ang saya-saya mo kasi, tawa ka pa
nang tawa.” Kaya naman pala.

“Hon naman… Paulit-ulit na lang tayo. Kaibigan ko lang si
Miggy. Kahit siya, alam na mahal na mahal kita.”

Sa wakas ay gumiti na siya.

“Tara, baba na tayo. I love you.”

Hay! Kakaiba talaga ang topak nito.Bumaba na kami at naabutan naming nagkukulitan sina Miggy at Teacher Jen. In fairness, bagay sila. Si Chloe naman ay nakita kong nagko-color.

“Pwede ba kita ihatid mamaya?” tanong ni Miggy sa guro.

“Sure,” tipid na sagot ni Teacher Jen.

“Thanks.” Tapos hinawakan ni Miggy ang mukha ni Teacher
Jen. Aba! At mukhang balak makaisa agad.

Tumikhim ako dahil baka nakalilimutan nilang may bata sa harap nila. Napalingon naman sila agad sa ’min.

“Tisang naman!” reklamo ni unggoy.

“Unggoy ka! Baka nakalimutan mong nandito si Chloe,” bulong ko sa kanya, pero tumawa lang siya.

Niyaya ko na silang magmerienda. Pagkatapos nina Teacher Jen at Chloe sa session nila, nagpaalam na pati si Miguel dahil ihahatid niya raw si Teacher Jen pauwi.


Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now