8

131 21 6
                                    

A r k i n.
"Keira!," tawag ko sa kanya. Nakakapanibago dahil madalas ay siya ang nagsisigaw ng ganito makuha lang ang atensyon ko pero ngayon, ako naman ang tumatawag sa kanya.

I haven't seen her for days. Hindi ko alam pero parang iniiwasan niya ako. Until I bumped into someone at katulad ng dati, damit at buhok pa lang niya ay alam ko na agad na siya iyon.

Si Keira.

And the funny thing is, tinatakbuhan niya ako kaya heto ako't hinahabol siya.

I ran after her until we reached the back of the building, iyong inakyat naming pader nang nagcutting kami. Walang sabi-sabi niyang hinagis ang backpack niya sa kabilang side ng pader at mabilis na inakyat ito.

Bago siya tumalon pababa ay binigyan niya ako ng nanunudyong tingin. Oo nga pala, hindi ako puwedeng magcutting. Pero hindi ko makakausap si Keira kapag hindi ko inakyat ang pader na ito.

Bahala na nga. Para kay Keira.

Hinagis ko ang bag ko at mabilis ding inakyat ang pader gaya ng ginawa niya.

"Bakit mo ako sinundan?," nagtataka niyang tanong.

"Eh bakit mo pa ako hinintay dito sa labas?"

Nag-iwas siya ng tingin.

"Were you avoiding me?"

"H-hindi ah!" She can't look at me in the eye.

"Kapag tinatawag kita, tumatakbo ka. Tapos, kapag makakasalubong na kita sa hallway, bigla kang mag-iiba ng daan kahit na sa cafeteria ang punta mo. Bakit mo ako iniiwasan? May nagawa ba akong mali?"

"Ark. Wala kang ginawa, okay?"

"Yun naman pala eh. So why are you avoiding me, Kei?"

Bago ko inakyat ang pader kanina, napansin kong medyo mas maputi ang braso niya kaysa sa dati. Akala ko namamalik-mata lang ako pero talaga palang mas maputi ang braso niya kaysa sa dati.

Posible bang pumuti siya sa loob lang ng ilang araw? Stupid Ark.

"Ang puti ng braso mo, Kei..." Hinawakan ko ang braso niya at nagulat nang may natanggal na puting pulbo doon. Ano nga ba ang tawag dito? Ah. Concealer.

"Aray! Ano ba?!," inis na sigaw ni Keira. Agad niyang binawi ang braso niya.

"Hindi kita inaano dyan ah..."

"Bumalik ka na sa loob, Ark. Di ba bawal kang magcutting?"

"Oo nga pero..." Basta kasi para sayo, gagawin ko kahit ano.

"Pero ano? Sht naman eh. Sige na, bumalik ka na sa loob." Inagaw niya sakin ang backpack ko at saka hinagis papunta sa kabila ng pader.

"Keira... Iiwasan mo pa rin ba ako bukas?"

"Hindi ko alam... Pero tingnan natin. 'Pag pinansin kita, ibig sabihin, tinopak ako," natatawa niyang sabi.

"That's good enough for me."

--

That night, pinipigilan ko ang antok ko. Baka kasi magtext si Keira at hindi ko mareplayan tapos magtampo siya sakin.

I went downstairs to make coffee. Halos alas-dose na rin pala kaya kung magkakape ako, hindi na ako makakatulog. Napapitlag ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.

Napangiti ako nang mabasa ang text message na iyon galing kay Keira.

From: K ×﹏×
Papansinin na kita bukas ah? Tinopak ako eh! Hahahaha. :D
- Keiii

Sinabi nang may nakalagay naman na'ng pangalan kapag nagtext siya eh. Alam niyang useless ang paglalagay ng signature pero trip niya talaga.

At nang tanungin ko siya kung bakit, sumagot siya ng: "Para maalala mo ako."

It sounded like she was saying goodbye and I was about to tell her that but she laughed and told me not to give it another meaning.

keira || ✔️Where stories live. Discover now