1

335 34 4
                                    

A r k i n.
"Ano nga kasi iyang iniisketch mo? Bakit ayaw mong ipakita?," pag-aalburoto sakin ni Keira.

I sighed and stood up. "Look, I just met you. Lahat ng iniisketch ko at pinipinta ko ay may sentimental value kaya hwag mong i-expect na hahayaan kitang makita ang mga gawa ko nang basta basta."

I left her alone, sitting on the grass. Mukha pa namang kasali siya sa mga grupo ng mga campus queens. At ayoko ng gulo. Ako pa naman lagi ang trip nilang i-bully. Mahirap na...

I realized I was right leaving her when I saw Cloe, the leader of the campus queens, asking her to join them near the fountain.

--

Naghahanap ako ng mauupuan para maituloy ang iniisketch ko nang hatakin ako ng isang babae. And just by seeing the scarlet ends of her hair, I knew who it was.

Keira and I stopped running when we reached the main building of the school.

"Ano bang trip mo? Bakit mo ako hinatak?," inis kong tanong sa kanya.

I don't want to be in trouble pero heto siya at binibigyan ako ng problema.

She placed her point finger on her lips. "Sssh. You're too loud. Dali, magtago tayo sa ilalim ng mesa."

Tinulak niya ako papunta sa ilalim ng mesa. Hindi ko siya maintindihan pero napipilitan akong sumunod sa kanya.

"Ano bang---" Shushing me by covering my mouth, she said in a soft voice, "Hwag ka sabing maingay."

Matapos niyang sabihin iyon, nakarinig kami ng sunod sunod na mga yabag ng paa papunta sa direksyon namin. When I looked questioningly at Keira, she shushed me again.

"Nasan na ba iyong si Arkin?! Nakng, patay tayo nito kay Bry eh!," a voice said.

Si Adrian iyon. Kilala ko ang boses niya. Matalik kasi siyang kaibigan ni Bryan na boyfriend ni Cloe kaya kasama rin siya sa mga nambubully sakin.

"Pre, paniguradong nangialam si Keira kaya hindi natin mahanap si Arkin," dagdag pa ni Mico.

I heard Darius scoff. "Daldal pa kayo ng daldal eh! Tara na nga! Doon tayo sa cafeteria!"

Hinintay namin ang ilang minuto bago kami lumabas sa pinagtataguan namin.

"Tinulungan mo ba ako?," I asked Keira.

"Yep," she cheerfully said.

"B-bakit? Eh di ba, kasama mo dapat sila?"

"Oo...pero hindi sa pambubully. Ayoko ng nambubully sila. Minsan kasi sumusobra na eh..."

I smiled apologetically. "Salamat ah? Pasensya na kung nasigawan pa kita eh ako naman pala itong tinutulungan mo..."

"Ayos lang... So are we friends?"

"Friends."

keira || ✔️Where stories live. Discover now