3

191 25 5
                                    

A r k i n.
We were supposed to meet in front of the fountain today but Keira didn't show up. Ano kayang nangyari 'dun?

Natauhan na ata kaya tinantanan na ako. Well, that's great for her.

Ugh. Kunwari ka pa, Arkin. Sa loob ng two months, hindi ka na masasanay na wala siya.

Hay. Totoo nga. Sakali mang iwasan akong bigla ni Keira, malulungkot ako nang sobra. Siya lang kasi ang kaibigan ko...kaya ayokong mawala siya sakin.

"Lalim ng iniisip natin ah!," a familiar voice said behind me.

Thank God, hindi pa siya nagsasawa sa presensya ko.

"Hindi naman. Akala ko kasi hindi ka na pupunta... So ano, let's start?"

"Ano ba muna? Gusto kong matuto ng portraits!," demanding niyang sabi sa akin.

Napasapo na lang ako sa noo. Gusto niyang matuto agad ng portraits eh miski ako, hindi pa gaanong expert doon.

"Sketches muna. Lapis muna ang gamit. Mahirap na agad ang portraits..."

Grunting, she took out a pencil from her bag and a short bond paper.

"Try drawing the fountain... O kahit outline lang muna."

"Okay."

Minutes later, natapos ko na agad ang sketch ng fountain, complete with its details habang si Keira, hindi pa rin tapos sa pagbubura ng errors niya kuno.

"Ayan! Tapos na," she told me while shoving her paper in front of my face.

Maganda naman ang sketch niya as a beginner. Pero ang ipinagtataka ko, may idinagdag siya sa sketch niya - sa isa sa mga benches sa fountain, may isang babae at lalaking nakaupo.

"Ano 'to? Di ba sabi ko, fountain lang muna?," tanong ko kay Keira, pointing at the two people in her drawing.

Nginitian niya ako at saka binatukan ng pagkalakas-lakas. "Malamang tao 'yan. Ano ba 'yan sa tingin mo?"

"Pilosopa. Ang ibig ko kasing sabihin, bakit mo nilagyan ng tao?"

"May tao na talaga 'yun..."

"Huh? Di kita gets."

She facepalmed before replying. "Jusko. Nasaan ba tayo?"

I looked around. Kasalukuyan kaming nakaupo sa isa sa mga benches sa harap ng fountain. "Nasa fountain..?"

"Exactly. Sabi mo kasi, i-sketch ko yung fountain... But if you look at the fountain from afar, malalaman mong nakaharang tayo sa mismong view ng fountain. Kaya, ayun. Pati tayong dalawa, sinama ko," she explained to me, beaming.

"Writer ka nga. Ang galing mong magpaikot at magpahaba ng explanation."

Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa pagkulay ng sketch niya.

--

"So... Describe what you're feeling right now," utos sakin ni Keira.

"Ayos lang."

Inis niya akong kinurot sa tagiliran. "Be creative naman."

"Kayong mga babae lang naman ang magaling sa mga ganyan eh."

Napakamot siya sa ulo. "Hindi ka ba aware na may mga lalaki ring writer?"

"Aware naman," sagot ko.

"Yun naman pala eh. Go, describe what you're feeling right now."

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. I glanced at Keira who was smiling at me. Ang lakas ng tibok ng puso ko. It was the first time I felt like this just by staring at a person's eyes.

So I told her. "M-my heart feels like it wants to be free from my rib cage. Parang drum din yung tibok ng puso ko, sa sobrang lakas ng heartbeat ko, naririnig ko na ito sa tainga ko."

Keira stared at me, wide-eyed. "Dude! Pinapadescribe ko palang yung nararamdaman mo but I didn't say you had to describe your feelings metaphorically!"

"Ganun ba? Sorry, then."

"Hala, bakit ka nagsosorry? Maganda nga yung sinabi mo eh! Parang totoong totoo," manghang mangha niyang sabi sakin.

Totoo naman talaga kasi yung sinabi ko... I wanted her to know that but I can't afford to lose my first and only friend.

"Thanks."

keira || ✔️Where stories live. Discover now