Magsasalita pa sana ako nung biglang may dumating na prof mukha pa siyang nagmamadali papunta dito.

"Sorry class I'm late, meron lang ka-onting problema kaya nagmeeting ng biglaan" sabi nung prof namin babae siya na may brown na buhok mukha siyang terror na hindi.

Ano kayang problema? Hmmm nevermind none of my business.

"Can we now proceed to the training grounds?" sabi ni Ms. Prof hindi ko pa alam ang pangalan niya.

Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko pati narin kami ni Kiesha, naglakad kami papunta sa training grounds ng sabay sabay napadaan naman kami doon sa mga paintings na nakita ko kahapon.

"Kahit ilang beses ko pang makitang tong mga paintings hindi ko parin maiwasang mabighani at matulala sa ganda nila!" Kiesha habang masayang nakatingin sa mga paintings.

"Kiesha sila ba yung--"

"Oo sila yung SPECIAL 5" pagputol ni Kiesha sa mga itatanong ko halos mapanganga naman ako sa mga sinabi niya hindi ko aakalain na sila pala ito ang limang nagligtas sa mundo namin noong nakaraang taon parang napakasaya talaga nila dito mga teenager siguro sila nung mga panahong to, tinignan ko yung babaeng pula ang buhok na grabe kung makatingin akala mo papatay talaga pero parang may kamukha siya..

"Hoy Zandra tara na!" nakita ko naman si Kiesha na nandoon na sa dulo hinahabol yung mga kaklase namin.

"Eto naaa!" sabay takbo ko din papunta sakanya naglalakad lakad lang kami hangga't sa tumigil kaming lahat at huminto sa harap ng pader?

Nagulat naman ako nung makita kong lumapit si Ms. Prof doon may hinawakan siya sa pader at diniin ang mga palad niya doon tapos may umusog na pasquare na bato palikod at nagsimula namang magbukas yung buong pader ako lang ata ang nagulat sa mga nangyare pagpasok namin sa loob natulala ako pwede na ba kong ngumanga ng halos isang oras?

Inside that freaking wall is diamond like room halos kuminang na ang buong lugar dahil napakalinis at sobrang napakalawak neto may chandelier na malaki sa itaas na nagsisilbing ilaw namin just wow! Makikita mo sa gilid na may mga armas na hindi masyadong pamilyar sakin tulad ng mga swords, balisong at kung ano-ano pa ang ganda ng training grounds namin!

"Okay class! Itretrain natin muli ang abilities at elements niyo kahit nasa pinakamababang level ka ng tribong kinabibilangan lahat dito ay may kakayahan kaya gusto ko lahat tayo ay patas, iisa isahin ko kayo ipakita niyo sakin ang kaya niyong gawin okay? I hope everyone will pass" sabi naman ni Ms. Prof atsaka kumindat kinabahan ako bigla don ah.

"So I'll start with you" turo niya doon sa babaeng may blonde na buhok pumikit siya at ako lang ata ulit ang nagulat nung may nakita akong mga bato na nakapalibot sakanya gumawa siya ng barrier gamit ang earth element niya.

"Tignan natin kung gaano kalakas yang barrier mo" nakita ko naman sinugod ni Miss Prof yung barrier nagulat nalang ako dahil sa isang iglap nabasag iyon ni hindi ko man lang nakita ang element na ginamit niya lalo tuloy akong kinakabahan ano kayang pwede kong gawin sa element ng Air na makakapagpakitang gilas ako kay Ms. Prof?

"Ready ka na Chazandra?" Kiesha habang nagstrestretching pa sa gilid ko.

"A-Ahahaha oo naman" sabi ko pero deep inside kinakabahan ako.

"Ano nga ulit element mo?" Kiesha.

"Air" deretso kong sabi.

"Talaga?! Saang tribe ka nabibilang?" sigaw ni Kiesha na tuwang tuwa.

"Gemini" ako.

"Wow nabibilang ka sa pinakamataas na tribe sa North! Ako nga nasa pinakamababang tribe sa east ang capricorn" nalulungkot niyang sabi habang nakangiti sabay pakita niya sa braso niya na may sign ng capricorn, oo nga sa capricorn nga siya nabibilang.

"Kiesha kahit pinakamababa sabi ni Prof lahat patas lahat malakas!" nakangiti kong sabi sakanya.

"Sana katulad ka din nila Zandra kaso hindi e ang trato nila sa mga mababa ay mahina laging nabubully ang mga estudyanteng galing sa mga pinakamababa na tribo sa University na to at kabilang na ko doon" lungkot niyang sabi ang sama naman nila hindi porket nasa pinakamababang tribo hindi ibig sabihin non ay mahina na sila.

Hindi ko alam na ganon pala ang nararamdaman ni Kiesha pero patuloy ko pa din siyang chineerup "Then ipakita mo sakanila na kahit nasa mababang tribo ang kinabibilangan mo, lalakas ka din tulad nila pagnagpursigi ka" nakangiti kong sabi.

Ngumiti naman siya at niyakap ako "Salamat Zandra! Salamat pero tara pila na tayoooo!" sabay hila niya sakin sa grupo ng mga kaklase namin onti nalang kami na din ang sunod.

Bigla nanaman tuloy akong kinabahan.

**

A/N:

EDITED!

Dahil di ko matiis ang aking munting dalawang reader na nakakatats at sa mga silent reader jan hahahahhaa

Hiyaaa hahahaha ayan nakapagupdate na ko wuhoooo! I think this story has 24 or 25 votes? Magseset ako uli ng goal pagumabot ng 30 saka lang ako maguupdate! Promise hahahaha saka lang ako maguupdate hahahhaha malapit na pasukan baka maging busy na ko these next next week, june 15 po pasukan namin kaya sana mareach natin ang goal! Thankyousomuch sa patuloy na pagsupporta sa story nato I appreciate it so much so see ya next update hahaha iloveyousomuchguys!

-diwata

HEIR OF ZONADIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now