epilogue

110 3 0
                                    



"Hay, naku! Ang cute naman ng anak mo" wika ni Nhiezel habang kalong ang ikatlo nilang anak ni Alvin.Nasa daigdig sila ngayon ni Alexandros upang dalawin ang mga kaibigan sa Maynila.

Narito sila ngayon sa bahay nina Nhizel, ipinakilala niya si Alexandros na asawa niya. Magaan ang loob dito ng kanyang mga kaibigan. Siyempre pa, hindi nila alam na engkantado ang asawa. Sinabi na lang nila na negosyante ito na half Filipino at half- Turkish kaya ganoon ang itsura nito. Ang mga mata naman ni Alexandros ay nilalagyan nila ng contact lense upang itago ang kakaibang mata nito at maging tulad ng karaniwang tao.

Dumating din at kumpleto ang kanyang mga kaibigan ngayong nalalapit na ang Pasko. Si Fatima ay mayroon na ring anak na nakapag-asawa ng Espanyol. Nakatutuwa ang asawa nitong si Juan Paolo Gonzales at kapag sumimagot si Imang ay todo suyo ito sa asawang buntis. Si Manilyn naman ay naroon din kasama ng asawa nitong si Ylmaz Ezrak, kita naman nila ang pagmamahal nito sa kaibigan,gwapo rin ito at napakamasayahin, isinama rin ng mga ito ang dalawang anak na babae.Si Abby naman ay nakapag-asawa ng guro din at masaya ring naninirahan sa Sto. Tomas at doon na rin ito nagtuturo.Si Glenn ang naging asawa nito ay maasikaso at responsible. Si Majoy na lang ang nagiisang single sa lahat, at ngayon nga ay mayroon na itong tatlong bakeshop sa Maynila. Nawili ito sa pagnenegosyo kung kays naman nawalan ito ng panahon sa ibang bagay, sabagay nga;

"Ang lahat ay dumarating sa tamang panahon"

Masaya ang lahat at nag-iisip kung saan pupunta, napagkaunduan ng lahat na pumunta sa probinsya, sa lugar na minsan ay naging bahagi ng buhay niya.

Tatlong araw silang naroroon at sila man ni Alexandros ay kailangan ding makabalik agad sa Alternia, abala rin kasi ito sa pamamalakad ng buong kaharian. At siya man ay kabuwanan na rin niya, kailangang makabalik sila sa kaharian nila sa takdang araw. Ang sabi nga ng mga kaibigan ay hacienda nila.

Hindi naman nagulat si Aling Nena na naitawag na niys ang pagpunta roon ng mga kaibigan upang maligo sa batis at magpiknik.

Nasabi na rin nila kay Aling Nena na walang nakakaalam sa tunay na katauhan nila at hindi dapat itong malaman ng mga kaibigan. Naroroon din sina Nanay Peling. Isang salo-salo ang inihanda nina Aling Peling at Nanay Nena. Bukod sad ala nilang pagkain galing Maynila ay ipinagluto rin sila ng mga ito ng pagkaing pamprobinsya. Masarap na kwentuhan ang naging kaulayaw nila hanggang gumabi. Masaya na rin naman si Majoy sa naging buhay ng mga kaibigan. May inggit man dahil hindi pa dumarating ang man of her dreams na matipuno, gwapo at syempre gwapo pa rin.

"Bakit ba, nangangarap na nga lang, limited pa eh libre naman ang mangarap, di ba?" giit nito habang nakahiga sa ilalim ng punong mangga. Malapit sa kakahuyan. Naroroon naman ang mga kaibigan sa ilalim ng puno ng narra at masayang kumakain ng ilang bake goodies na ginawa niya para sa mga ito. Ang mga anak naman ng mga ito ay masayang naglalaro. Si Xyrus ay palagay ang loob sa mga batang kasama niya kasi ay mababait ang mga ito, kailangan nga lang na maging normal na tao ang lahat niyang kilos upang hindi magulat ang mga bago niyang kaibigan.

Hindi alam ni Majoy na may isang lalaking inis na inis sa kanya dahil inaabala niya ang pamamahinga nito sa itaas ng puno. Dahil sap ag-uugoy nito sa duyan na nakakabit sa sanga kung saan ito nakasandal.

"Ang sarap parusahan ng babaeng ito"wika ng binatang engkantado.

Si Abeiron ang binatang iyon na nagbago at binigyan ng Hari ng isa pang pagkakataon na hanapin ang sarili. Pinatutunayan naman ni Abeiron ang ganap na pagbabago.

"Naku, naman kaytagal ng hindi umiinit ang ulo ko, masisira ng babaing ito ang pagtitimpi ko" patuloy na sabi ni Abeiron sa sarili.

Wala namang kaalam-alam si Majoy sa mga nangyayari ngunit ang lahat ng nangyayari ay kita ng Hari ng Alternia.

"Masusubukan ang pasensiya ng aking pinsan kay Majoy" nangingiting wika ng Hari sa sarili. Ang pagngiting iyon ng lihim ay hindi nakaligtas sa paningin ng Reyna.

"Mahal na Hari, ano ang inginingiti mo riyan" kausap ni Vivian sa asawa.

"Ha!Ha!Ha!, tumingin ka sa punong mangga malapit sa lagusan." Sagot naman ng asawa.

Sinunod ni Vivian ang bulong ng asawa at nakita niya si Abeiron. Pinanood lamang nila ang dalawa at kung ano ang mangyayari ay excited silang dalawa.

Hindi nakatiis si Abeiron at tinanggal ang mahika at nagkatawang-tao at kinausap si Marie Joy.

"Miss, pwede bang wag mong masyadong lakasan ang pagduyan kasi namamahinga rin ako sa taas ng puno."magalang na wika ni Abeiron.

"Ano baa ng tawag mo dito sa kinahihigaan ko?" sagot ni Majoy.

"Duyan ang tawag diyan" magalang pa ring tugon ni Abeiron

"So, di ba kaya duyan ang tawag dito kasi idinuduyan ito"mayabang na wika ni Majoy. Sa lahat kasi ng ayaw niya yung naaabala ang kanyang pamamahinga.

"Ang liit liit nitong bubwit na ito ay kayabang naman" inis na sabi ni Abeiron.

"Sumabit ka na lang sa ibang puno, ang dami diyan" dagdag pa ni Majoy.

Upang hindi na mainis ay minabuti na lamang ni Abeiron na umalis na lang at bumalik sa Alternia.

Tawang-tawa naman ang Hari at Reyna ng sa wakas ay may babaeng pumalag kay Abeiron. Gwapo kasi ito at matikas din naman, bukod sa anak ng duke ay talaga din namang hindi lugi ang babaeng mamahalin ito.

Natapos ang masarap na picnic at nagsiuwi na ang mga kaibigan at bumiyahe na paluwas ng Maynila matapos ang kanilang three-days na get together.

Siyempre pa nagpaiwan na muna sina Vivian dahil malapit lamang ang bahay nina Aling Nena sa lagusan patungong Alternia.

"Masaya akong makita kang masayaa" wika ni Nanay Peling

"Napakabait po ni Zandros, Nanay Peling.

"Nagpapasalamat ako at alam ko masaya na rin ang iyong inang Reyna kung saan man siya naroroon ngayon.

Pagkaraan ng ilang sandal, kasabay ng kabilugan ng buwan ay bumalik na sila muli sa Alterniang kanilang tirahan.

WAKAS

A/N:Happiness will come in your way if you meet the person you will spend the rest of your life with.

Thank you!Thank you sa lahat ng nag add ng GGMY sa inyong mga RL, ito po ang story para sa mga kasamahan ko sa Home of Knowledge Learning and Review Center.. Teacher Vivian, Teacher Nhizel, Teacher Abby, Teacher Fatima and Teacher Manilyn,,wooohooo! sa wakas nagawan ko rin kayo ng story. At sa lahat po ng readers sana po ay magustuhan ninyo ang story ng GGMY.. mwahhh!... witchmenot

GOD GAVE ME YOUWhere stories live. Discover now