chapter six

81 2 0
                                    


"Hmmmp! Hmmp!" pinakiramdaman niya ang kanyang hinihigaan, sobra ang lambot ng kutsong kanyang hinihigaan, sa pagmulat ng kanyang mata ay agad napako ang kanyang tingin sa elegante at malaking chandelier na nasa gitna ng mataas na kisameng iyon. Elegante rin ang mga kurtina at tapestry sa bintana na halos lagpas tao ang laki ng mgs salamin.

"Nasaan ako?Agad agad namang pinakiramdaman niya ang sarili kung masakit ang bahaging "iyon" ng kanyang katawan, ngunit laking pasasalamat niya na hindi naman.

Agad agad siyang bumangon at unti-unting binuksan ang pinto, hindi pa man siya nakalalabas ng silid ay may nagsalita sa kanyang likuran.

"Zandros! Paanong napunta ako dito?" bulalas ni Vivian.

"Nagkatinginan naman ang mga maiden na agad na pumunta sa silid ng estranghera na kakaiba ang kasuotan"

"Lumabas muna kayo sandali" utos ni Zandros sa mga utusan.

Agad agad namang yumukod ang mga maiden at tahimik na lumabas ng silid. Ng mapagsolo sa silid ay nilapitan ni Zandros ang naguguluhang dalaga.

"Narito ka sa aming kaharian" paunawan ni Zandros.

"Ibig mong sabihin hindi ka tao?" paninigurado ni Vivian dahil sa taglay nitong hugis ng teynga at uri ng pananamit, ganoon din ang kulay violet nitong mga mata. Nasisigurado niyang hindi ito tao.

"Oo, hindi ako tao, kami ang mga engkantong naninirahan sa kabila ng punong mangga na matatagpuan sa gitna ng kakahuyan."seryosong wika ni Zandros na bagama't nananantiya at baka magalit sa kanya ang dalaga sa hindi niya pagsasabi ng totoo noong panahong pumupunta siya sa lupa upang makadalaw dito. Kahit saglit ay makipagkwentuhan dito.

"Weird!" tanging nasabi ni Vivian na tila hindi na nagulat.

"Hindi ka galit sa akin?"naguguluhang wika ng prinsepe.

"Hindi ko alam, pero nitong huling araw, sari saring elemento ang nakikita ko. Hindi naman sila lumalapit ngunit tila ba nakatingin sa akin.

"Ay siyangapala, hinahanap kita sa kakahuyan, kasi naiwan mo yata ang singsing na ito sa aking bahay.

"Nasaan ba iyon, ay eto!" at pinipilit hubarin ni Vivian ang singsing sa kanyang palasinsingan. Hindi maalis-alis ang sigsing kahit ano pa ang kanyang gawin.

"Zandros, ano ka ba, tanggalin mo nga ito" utos ng dalaga sa prinsepe.

"Hay naku, Vivian, hindi mo matatanggal iyan. Kahit ako ay hindi maaring magtanggal niyan. Kusa iyang lumilipat ng hindi mo namamaalayan. Kapag pinili ka ng singsing walang sinuman ang makakapagtanggal nito kahit pa ang hari ng kahariang ito.

"Ganoon?, kailan naman ako pwedeng umuwi sa amin?" untag ni Vivian.

"Hindi ko alam kung paano, pero huwag kang mag-alala at iisip ako ng paraan.Ayaw mo ba munang makasama ako" nalulungkot na wika ng prinsepe.

"Sige na nga, kaibigan naman kita eh" wika niya. Magaan kasi ang loob ni Vivian sa binatang engkanto.

Namasyal sila sa iba't ibang pasyalan sa iba't ibang sulok ng kaharian. Masaya ang bawat sandaling kapiling niya ang binata. Mula noon, ngayon lang siya ngumiti ng masaya at tunay na nagagalak ang puso niya.

Nakilala na rin niya ang ilan sa mga kaibigan nitong naging kaibigan na rin niya.Hindi rin alam ng karamihan at mga mamamayan doon na isa siyang tao.

" Three roses for my lady" wika ni Zandros kay Vivian na naroroon sa balkonahe ng kaniyang silid.

"Your lady, kailan pa?" nakangiting tudyo nito sa binate. Noon pang nakaraang linggo ito umamin sa kanya ng tunay na saloobin at maging siya ay nagtapat na rin ng kanyang damdamin dito. Mutual understanding(MU) ang mayroon na sila ng binate. Nalaman na rin niya ang tunay na pagkatao ng binate. Ito ang nagiisang prinsepe ng kaharian at tanging anak ng Hari at Reyna.

GOD GAVE ME YOUWhere stories live. Discover now