chapter eight

75 4 0
                                    


Nang matapos ang problema sa Althernia ay ipinasa na ng Haring Acchachios ang pagiging Hari kay Alexandros.

"Ama, nais kong bumalik sa daigdig, kahit sa huling sandal ay makita ko siya." Malungkot na wika ni Alexandros sa Amang hari.

Alam ng Hari ang matagal ng bumabagabag sa anak. Kung kaya naman ay pinayagan niya ito at sinabing isama na si Alkandros upang may kasama sa paglalakbay.

Muli ay nakita ni Alexandros ang munting dampang tinitirahan ni Vivian sa nayon.Subalit may iba nang nakatira doon.

"Tao po, tao po" wika ni Zandros na ginaya ang pananamit ng isang taga daigdig.

"Magandang umaga, ano ang maipaglilingkod ko sa iyo ginoo?" wika ng matandang babae na sa hula niya ay ito si Aling Nena.

"Maaari po bang malaman kung nasaan si Vivian?" tanong ni Zandros.

""Kaibigan ka ba ni Vivian?" usisa ng matanda.

"Opo, nasaan po ba siya?" muling tanong ng batang hari.

Nasa eskwelahan pa at nagtuturo doon.

Sa isang iglap ay agad nakaalis sina Zandros. Agad nilang pinuntahan ang Sitio Ibaliw, mula sa malayo ay tanaw nito ang magandang dalaga na hanggang ngayon ay kanyang minamahal.Maganda pa rin ito, subalit hindi na ito tulad ng dati na ngumingiti. Sinundan niya ito hanggang sa mag-uwian.

"Mommy, may lalaking sumusunod sa atin" wika ng batang anak niya. Si Xyrus na ngayon ay tatlong taong gulang na.

"Huh?!" wika ni Vivian na tinalasan ang pakiramdam.

"Hanggang ngayon ba naman ay hindi ninyo kami titigilan!" galit na wika ni Vivian. Nang malapit na sa walang taong paligid. Tila ba may pwersa na nanggagaling kay Xyrus at agad na nakita ang ilang hunyango sa paligid. Agad namang bumunot ng sandata si Vivian at agad umusal ng maikling panalanging itinuro ni Aling Peling.

Agad namang lumapit si Zandros upang tumulong upang magapi ang mga maligning umaaligid kina Vivian. Pagkalipas ng ilang labanan ay nagapi rin nila ang mga kalaban.

"Ano ang ginagawa mo dito, hindi ba dapat ay doon ka sa pinanggalingan mo?" wika ni Vivian kay Zardos.

"Anong, hindi ba dapat ay nawala ang iyong ala-ala upang malimutan moa ng daigdig naming?" taking-taka si Alexandros.

"Hindi naman ako babalik doon kahit pa nanatili ang ala-ala ko sa lugar mo" mapait na wika ni Vivian.

Naiiling si Zandros sa sinapit nilang dalawa ni Vivian. Ang hirap nang pinagdaanan nila ng sila ay magkalayo ay dinanas nito. Ngunit siya man ay nagtataka kung bakit hindi ito tinablan ng orasyon ng ito ay ibalik nila sa daigdig.

Puno ng hinanakit at galit si Vivian. Buti na lang at nandoon si Aling Nena na tumulong sa kanya. Mahirap ang pinagdaanan niya, at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pamemerwisyo ng ilang malignong nagnanais na makuha ang kanyang anak.

"ano ba ang gusto mo, huwag mong hintayin ang isang pag-ibig na natapos na.

"Xyrus, halika na" tawag ni Vivian sa anak.

Parang lason na tumutusok ang masasakit na salita na nagmumula sa babaing tangi niyang minahal.

Pareho lang sila ng sakit na naranasan ngunit kailan man ay hindi siya magbabago higit ngayong may anak na ito.

Higit ngayon na kailangan siya nito sa pamemerwisyo ng ilang malignong nais umangkin sa anak nito.

Kailangan nito ng panahon at oras para muli siyang matanggap nito.

GOD GAVE ME YOUWhere stories live. Discover now